RICHEL
"Anak mabuti naman at nakatawag ka na. Masyadong nag-alala kami sa iyo anak. Salamat sa diyos at ligtas. Hayop na Melinda na iyan. Kung may pamasahe lang ako pupuntahan ko siya at sampalin sa ginawa niya sa iyo. Ang hayop na demonyo na Kalbo na iyan, parang gusto ko siyang putulan ng ulo. Anak, padalhan kita ng pamasahe umuwi ka na. Kahit mahirap lang tayo dito, basta sama-sama tayo at hindi ka mapahamak." Umiiyak na sabi ni Nanay sa kabilang linya. Araw-araw daw siya pumupunta sa bahay ni Mrs. Cruz para makibalita kung nakatawag ba ako. Mabuti nalang pagtawag ko ngayon kay Mrs. Cruz sakto na dumating si Nanay. Galit na galit habang umiiyak si Nanay nang sinabi ko sa kanya ang lahat pagdating ko dito sa Manila. Kweninto ko sa kanya kung ano ang naging buhay ko sa bahay ni Tiya Melinda. At ang muntik na ako'ng gahasain ni Tiyo Kalbo. Kahit daw si Tatay nagtanong kay Nanay kung kamusta ba ako dito.
"Nay, kamusta po kayo diyan? H'wag ka nang mag-alala sa akin dito Nay. Okay na po ako, mabait po si Nanay Rosa at Tatay Berting. Sila po ang tumulong sa akin at nagpa hiram ng cellphone para matawagan kita. Ang mga kapatid ko nay kamusta sila? Miss na miss ko na kayo Nay. Pero kailangan ko pa'ng magtrabaho dito para makatulong sa iyo. Kaya huwag ka nang mag-alala sa akin. Palagi na ako'ng tatawag sa inyo. Saka hayaan mo na si Tiya Melinda at Tiyo Kalbo. Total ligtas na rin ako, palagi mo'ng ingatan ang sarili mo Nay. Kunting tiis nalang Nay, makapag padala na ako sa iyo ng pera. Sabi ni Nanay Rosa mabait ho ang magiging amo ko, saka pwedi ho ako mag advance kung matanggap ako sa trabaho. Siguradohin ko Nay na matanggap ako sa trabaho." Umiiyak din na sabi ko kay Nanay sa kabilang linya. Gusto siyang yakapin at halikan. Pero kailangan ko'ng mag tiis para sa kanila.
"Anak, kawawa ka diyan. Patawarin mo si Nanay anak kung hindi ko alam ang nangyari sa iyo diyan. Sana talaga hindi na kita pinayagan na sumama kay Melinda. Oras na makita ko ang bruha na iyan lagot siya sa akin. Hindi ko siya mapatawad sa ginawa niya sa iyo. Pakisabi kay Nanay Rosa at Tatay Berting mo na maraming salamat sa pag kukop nila sa iyo. Pero anak baka hindi mo kaya magtrabaho sa malaking bahay. Saka ang mga gamit nila anak baka hindi ka marunong gumamit at masira mo anak at baka pagalitan ka. Saka okay kami dito ng mga kapatid mo, kaya huwag mo kaming alalahanin dito anak." Nag-alala na sabi ni Nanay.
"Nay, sabi ni Nanay Rosa turuan niya daw po ako. Kasama ko naman po siya Nay. Sabi ni Nanay Rosa samahan niya muna ako araw-araw sa mansyon ng mga Lorilla para turuan ako sa paggamit ng mga de kuryente hanggang sa matutunan ko Nay. Pag-aralan ko lang ng mabuti at tandaan lahat na tinuturo ni Nanay Rosa Nay. Para mabilis ko lang matutunan. Kaya huwag ka nang mag-alala Nay. Kapag magka trabaho at maka sahod ako Nay. Bibili ka ho ng cellphone para kahit gabi pwedi ko kayong matawagan at makausap ko rin ang mga kapatid ko, Nay." Wika ko kay Nanay sa kabilang linya.
"Ka-awaan ka ng diyos anak. Basta mag-ingat ka diyan anak. Mahal na mahal kita. Miss ka na rin ng mga kapatid mo. Baka nga miss ka na rin ng Tatay mo. Kasi tinatanong ka niya sa akin at nag-alala din siya sa iyo. Saka palagi na siyang may dala sa bahay anak. Hindi niya na rin ako sinasaktan. Kaya baka medyo nagbago na ang tatay mo." Pagkwento ni Nanay.
Naluluha ako habang nakangiti sa sinabi ni Nanay. Sana lang talaga magbago na si Tatay.
"Nay, gusto ko sana kitang makausap ng matagal pero kailangan ko nang ibaba, nakahihiya kay Nanay Rosa baka maubos ang load niya Nay. Basta Nay huwag na kayong mag-alala sa akin. Nasa maayos na kalagayan na po ako Nanay. Paki kamusta sa mga kapatid ko at kay Tatay, Nay. Mahal ko kayo Nay. Miss na miss ko na kayo. Palagi kayong mag-ingat diyan Nay." Humihikbi ko'ng sabi.
"Mag-ingat ka diyan anak. Pakisabi ulit kay Nanay Rosa mo na maraming salamat sa pag ligtas at pag kup-kop nila sa iyo. Anak kung hindi mo kaya ang trabaho, huwag mo'ng pilitin ang sarili at katawan mo. Umuwi ka dito anak. Kahit paglalaba lang ang trabaho ko, sisikapin ko naman na hindi kayo magutom." Humihikbi na sabi ni Nanay
"Maraming salamat Nay. Opo Nanay kung hindi ko kaya, sasabihin ko kay Nanay Rosa po. Sige na, Nay. Kailangan ko nang ibaba. I Love you Nay.". Kaagad kong pinatay ang cellphone. Nakangiti ako na umiiyak dahil nakausap ko na si Nanay.
"Salamat po Lord." Pasalamat ko sa panginoon. Pagkatapos pinunasan ko ang aking luha saka bumalik ako sa loob ng bahay. Nakaupo pa rin si Nanay Rosa at Tatay Berting sa sala. Lumapit ako sa kanila at binalik ang cellphone.
"Nay, maraming salamat po talaga. Nakausap ko na ho si Nanay. Maraming salamat po daw sa pagtulong sa akin. Gusto daw ako ni Nanay padalhan ng pamasahe para makauwi ako sa amin. Pero sinabi ko na mabait ho kayo at may trabaho na po ako. Maraming salamat po talaga Nay, Tay." Madamdaming pasalamat ko sa kanila.
"Walang anuman ijah. Tahan na, ang importante ayos din ang Nanay at mga kapatid mo. Siguro ako na magustuhan ka ni Madam Ricka dahil mabait ka. Siya, magpahinga ka muna. Pagkatapos natin mamaya kumain ng tanghalian. Pupunta tayo sa mansyon para ipakilala kita. Huwag ka'ng mag-alala mga mabait sila. Saka malaki ang sahod mo kaya makapag padala ka talaga kay Nanay mo. Kung hindi mo naman kaya magtrabaho, nandito naman ako. Kailangan lang kasi nila Madam na may tao sa bahay nila kapag gabi. Hindi naman ako pwedi dahil kailangan ko asikasuhin si Berting dahil may trabaho din siya. Kaya tamang tama talaga ang pagdating mo. " Saad ni Nanay Rosa.
"Siya nga pala, bago ko makalimutan. Ilang taon ka na pala Richel?" Tanong ni Nanay Rosa.
" Nay 15 ho." Sagot ko
" Ano? 15 ka pa lang? Ang bata mo pa pala ijah." Wika ni Tatay Berting. Tumango naman ako kay Tatay Berting.
"Nay baka hindi po ako matanggap. Pero sa susunod na buwan mag 16 na rin po ako Nay. Nay pwedi po ba kung magtanong sila madam Ricka pwedi bang sabihin mo na 18 na po ako Nay. Kailangan ko lng talaga ng trabaho Nay." Pakiusap ko.
"Hindi naman halata na 15 ka, dahil parang 18 ka na. Ang ganda mo'ng bata. Parang anak mayaman ka nga. Huwag ka'ng mag-alala ako ang bahala sa iyo." Wika ni Nanay Rosa. Kaya nagpasalamat muli ako sa kanila ni Tatay Berting.