Prologue
Angel POV
" Sir, wag naman sanang ganito . Kailangan na kailangan namin ng trabaho, kailangan ako nang pamilya ko." pag mamakaawa kong saad sa aming Manager. Napasama kasi kami sa mga empleyadong tatanggalin sa pagbabawas ng kompanya dahil sa Pandemya. Marami ding mga kasamahan ko ang nag iiyakan at na lulungkot sa pangyayari.
" We're very sorry Ms. Bernardo we all know how dedicated you are with this job. At alam ko kung gaano kahalaga sayo itong trabaho na to but the management already decided and it's already final." malungkot na saad nang aming manager at umalis na. Wala na akong nagawa kundi ang humagulhol ng iyak sa aking sinapit.
" beshy!! tawag sa akin nang kaibigan Kong si Chona , na hindi na rin napigilang yakapin ako dahil sa aking sinapit. Sa awa nang diyos ay hindi napasama si Chona sa mga empleyadong tatanggalin dahil na rin yata sa matagal na siyang nagtatrabaho dito sa kompanya. " Pano na yan anung plano mo?"
" Di ko alam Chon, hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon .Hindi ako pwedeng umuwi nang Pilipinas dahil alam mo naman ang sitwasyon nila don ngayon walang maayos na pagkakakitaan at ako na lang ang inaasahan nang aking pamilya." iyak Kong saad sa aking kaibigan.