Angel Pov
" Gel, nagpapatawag daw nang meeting si Papa Austin ko urgent daw." pagtutukoy ni Chona sa Branch Manager ng mall na pinapasukan namin.
" ehhh bakit kailangan na ninigaw ,tsskk ang lapit lapit mo lang kulang nalang basagin mo pa eardrums ko." sabay paikot ko nang mata sa kanya.
" Tsskk , ayan ka na naman beshy, high blood na naman ang pig natin." sabay kurot nito sa tagiliran ko.
"Ayy , kabayo muntik na." hinawakan ko nang mahigpit ang perfume na denidisplay ko dahil muntikan na itong bumagsak. Nang mahimasmasan ako dali-dali kong inayos ang pabango sa stante at sinabunutan ang kaibigan kong bruhilda.
"arayyy !! daing nito na nakahawak pa sa buhok na sinabunutan ko . "hmmp , g*g* ka talaga makakabasag pa ako nang wala sa oras ng dahil sayo. Alam mo namang kulang pa kaluluwa natin pambayad sa pabangong yan."
Isa kami sa mga nakikipag sapalaran dito sa ibang bansa. OFW , ang mga bayani nang bansang Pilipinas yun ang sabi nila heheh. 2 yrs. mahigit na ako dito sa pinag tatrabahoan kong Mall dito sa Dubai. Samantalang ang kaibigan kong si Chona ay mag 4 yrs. na sa susunod na buwan.
" sorry na beshy ,di ko naman sinasadya, tsaka di ko naman alam na may kiliti kana pala sa tagiliran." sabay tawa pa at yakap nito sa akin.
" hmmp ,tigil tigilan mo nga ako Chona hah!!." sabay erap ko dito ,Ewan ko ba sa babaeng ito sa dinami dami nang mga ka workmate namin dito ako pa ang pinaka type nitong bwesetin.