" Tara na kasi , baka magsimula na ang meeting tsaka sayang di ko masusulit yung pagtitig ko kay Papa Austin ko." sabay tingin pa nito sa taas at may pahawak hawak pa sa dibdib ang bruha na para bang na ngangarap.
"haissst , Tara na nga baka san pa makarating yang pag iilusyon mo diyan." sabay tawa ko nalang . Palibhasa hanggang sa pangarap niya lang ang Papa Austin niya kasi naman na chichismis si Sir dito na may dinadate na daw na isang Model, kaso di pa nila na papangalanan , mahina ata internet connection ng mga Marites dito sa Dubai.
Nung makarating kami ni Chona sa Office , medyo marami rami narin ang tao. Dito na kami umupo sa likuran. Ayyyy teka ako lang pala , ehhh panu yung kaibigan kong lukaret parang na Glue na di na nakakilos sa kanyang kinatatayuan nung nakita si Sir Austin ,kaya hinatak ko na ang bruha baka machismis na naman kami dahil sa ka praningan nito kay Sir.
" ikaw talaga chon, masyado kang halatado , tigilan mo na nga yang pag papantasiya mo diyan Kay Sir, may Girlfriend na daw yan."
"wow hah, at san mo naman yan nasagap kasi sa pagkakaalam ko dinidate palang . Masyado naman atang advance ang mindset mo beshy." sabay pangalumbaba pa nito .
" Tsskkk... alam mo don din ang punta nun!! mag dadate date tapos malalaman mo nalang girlfriend na sila."pang babara ko dito, bitter na kung bitter hindi pa naman ako naka experience mag ka jowa ,nakakarelate lang ako sa kababasa ko sa dreame.
"hanggat di niya kinoconfirm may pag asa pa ako beshy, tsaka I'm sure chismis lang yan alam mo naman mga Marites dito dinaig pa yung mga nasa Pilipinas" saad pa nito na parang nabuhayan ng dugo.
" hayyy Ewan ko nga sayo." sabi ko nalang sa kanya .Natigil lang kami sa pag chichika dahil nag salita na ang pinakamamahal niyang si Sir Austin.