Minchi Nasa sala ako ng bahay nila lola Pening at tinutulungan siyang manahi ng mga basahan na ibebenta raw nila sa bayan bukas. "Princess Ashanna, 'wag ka na magalit nalunok ko naman talaga lahat." sabi ni Dash habang dumadaan silang dalawa ni Ash sa harap namin ni lola Pening. Mukhang lovers quarrel na naman sila. Ano na naman kayang ginawa ni Dash. "Oy! Paready na ng lamesa luto na 'to!" narinig kong sigaw ni Ahra galing sa kusina. "Lola Pening, tulungan ko lang po muna si Ahra, magready ng gabihan natin." paalam ko kay Lola Pening na agad naman niyang tinanguan. Sa sobrang busy at focus niya sa pananahi hindi na siya nakakapagsalita. Naalala ko tuloy sa kanya ang lola Marie ko. Matapos kong ilapag ang tinatahi ko sa gilid agad akong pumunta sa kwarto kung saan nakalagay ang foldi

