Chapter 1
Dash
"Oh, bilis salo!" sabi ni Kier saka hinagis sa'kin ang isang kahon na puno ng mga damit ko.
"Sandali lang naman isa-isa lang." angal ko.
Pero imbes na makinig siya ay hinagisan niya ulit ako ng isa pang kahon galing sa truck na inarkila ni Dad para maihatid ang mga gamit ko. Mabuti na lang ay nasalo ko ulit 'yon.
"Salo!" sabay bato ulit ni Kier sa isa pang kahon at hindi ko na 'yon kayang saluhim kaya napayuko na lang ako dahil baka tamaan pa 'ko nito sa mukha.
"Swabe!" dahan-dahan akong napatingala saka ko nakita si Aldrin na kakarating lang at hawak na ang binato ni Kier na kahon. "Robot, Aldrin, at yo6u service." sabi pa niya na umaktong parang robot.
"Bagay sa'yo, teka suotin mo 'to." nilapag ko muna ang mga dala kong box saka kinuha ang salamin kong pa-square ang lenses. "Ayan." sabi ko saka kunwari may pinindot na button sa noo niya para mag-on ang system niya.
"Robot, Aldrin at your service." sabi ulit niya saka naglakad papasok sa loob ng apartment ko dala ang box na hinagis sa kanya ni Kier.
Mahilig siya sa robot kaya pati siya para ng robot. Pinanood ko siya hanggang sa makaakyat ng hagdan natawa pa ako ng makitang muntik na siyang matisod. Panigurado kung natuloy ang pagkatisod niya hulog siya at ang landing niya sa matigas na semento.
"Oh, Prince Dashton salo." nagulat ako ng biglang sabihin 'yon ni Kier kaya hindi ako agad nakapagready at ang ending bumagsak ang mga laman no'n na damit sa daan.
Buti na lang nga damit lang ang laman no'n kung hindi masisipa ko talaga 'to.
"Bagal mo." bulong niya nang makababa mula sa truck.
"Anong akala mo sa'kin robot? Isa lang kaya 'ko tapos may hawak pang dalawang box." giit ko.
"Ang sabihin mo mabagal ka talaga." ngisi niya.
"Tss. Maiba ako anong tingin mo rito? Hindi ba parang ang boring ng lugar?" pag-iiba ko sa usapan kasi kanina pa ko pa talaga 'yon naiisip.
Kanina pa kami rito pero wala pa akong ibang tao na nandito bukod kela Aldi at Kier. May mga katabi namang bahay ang apartment na napili nila Dad pero ang tahimik. Hindi kaya ghost town 'to?
"Boring." tipid niyang sagot.
"Tingin mo? Mukhang wala yatang magaganda rito, lipat na lang kaya 'ko?" nguso ko.
Malakas na pitik sa noo ang natanggap ko mula kay Kier. "Bakit ka ba nandito? Para mangbabae?"
Agad akong napailing. "Syempre, hindi 'no. Pero iba pa rin 'yong may makikita kang maganda, nakakamotivate kayang gumising kapag gano'n." sagot ko kaya napangiwi siya saka umaktong kokotongan ako.
"Kung anu-anong iniisip mo, ligpitin mo na 'yang mga damit mo baka kung ano pang kumapit d'yan." sabi niya saka naglakad papasok sa loob.
"Tsk! Kapag dito may nasira babayaran mo!" sigaw ko pa pero binalewala lang niya 'yon.
Para talagang siyang tatay. Napakaseryoso sa buhay pero kapag gustong mangtrip 'di mo mapapatigil. Nilapag ko muna ang dalawang kahon na kanina ko pa buhat saka hinarap ang mga nagkalat kong damit. Habang inaayos ko 'yon isa-isa may napansin akong parang papel na nakasama rito.
Hindi nga ako nagkamali ng kunin ko 'to. Nakatupi ito may nakasalut dito ang pangalan ko.
"Prince Dashton Reyes." basa ko rito.
Nang buklatin ko 'to nagtaka ako. May drawing ng isang babae rito. Hanggang balikat na buhok, chinitang mga mata, mapulang labi...teka ako ba gumawa nito? Parang wala akong maalaa? Isa pa hindi ako gano'n kagaling sa pagddrawing pero ang drawing na 'to kung titignan parang ang perfect na.
Ilang sandali rin akong nagtagal sa pag-iisip kung ako ba talga ang gumawa nito at para akong naakit sa itsura ng babaeng nasa drawing na 'to kahit krayola lang ang gamit sa pagkakadrawing nito. Natigil lang ito ng may mga pares ng sapatos akong nakita mula sa harapan ko.
Agad akong nag-angat ng tingin at para bang biglang bumagal ang lahat ng nasa paligid ko nang makita ko ang mukha niya. Ang ang pag-galaw mg buhok niyang hanggang balikat lang ang haba ay napakabagal din pati ang pagkurap ng mga mata niyang singkit na para hinihigop ang buong pagkatao ko. Akala ko sa langit lang may anghel pero nasa harapan ko na.
"Padaan." sabi niya dahilan para bumalik ako sa katinuan.
"Sorry, sorry." agad kong hinawi ang mga damit ko saka gumilid.
Tinignan niya lang ako saka dire-diretsong naglakad.
"Malapit na nga 'ko, nasa bus na." sabi niya saka ko napansin ko may kausap pala sa siya sa cellphone.
Grabe ang ganda niya pati ang boses niya parang anghel. Kung gano'n palagi ang makikita ko araw-araw na akong gaganahan gumising sa umaga. Hay, grabe makikita ko pa kaya siya? Tsk! Sana. Pero sa ngayon makapag-ayos na lang muna masyado nang nadudumihan 'tong nga damit ko.
Dadamputin ko na sana ang mga damit ko nang mapansin kong hawak ko pa rin pala ang papel na may drawing. Tinignan ko ulit 'yon saka ko napansin na parang may kamukha 'tong nasa drawing? Teka...'yong babae kanina! Kamukha niya pero pa'no? Hay, ewan baka nag-iilusyon na lang ako.
///
"Tsk! Ano ba tawag ng tawag kitang natutog 'yong tao 'di ba?" angal ko habang pikit ang mga mata at nasa tainga ko ang cellphone ko.
Kitang ang aga-aga pa tawag ng tawag.
"Delikado ka na boi, alas-otso na ano late ka sa first day ng klase?" si Kier pala 'to.
"Tsk! Ano nama---" hindi ko na tinuloy nang marealize ko ang sinabi niya. "s**t! Ma! Ba't 'di mo 'ko gini---" hindi ko na naman naituloy nang marealize kong wala nga pala ako sa bahay.
"Aish!" angil ko saka nagtatakbo papasok ng C.R natapakan ko pa nga ang pinagkainan kong mangkok kagabi ng pancit canton.
Tama bang desisyon na magsarili ako?
///
"Hoy! Sandali!" tumatakbo kong sigaw kay Kier na pasakay na ng bus.
Pinakiusapan ko siyang hintayin ako sa sakayan ng bus buti pumayag.
"Bilisan mo, mallate pa 'ko dahil sa'yo." angal niya bago sumakay ng bus.
Huminga muna ako ng malalim dahilsa hingal bago sumakay ng bus, pero bago 'yon kailangan ko munang magbayad. Nang kapain ko ang bulsa ko para hanapin ang cellphone ko hindi ko 'to maramdaman. s**t! Mukhang naiwan ko pa yata, pa'no 'to wala akong cash.
"Pst! Boi, naiwan ko cellphone ko." tawag ko kay Kier.
"Kukutusan na talaga kita." napakagat pa sa labing sabi niya bago ibato sa'kin ang cellphone niya.
Pinaikutan ko lang siya ng mata saka itinapat ang cellphone niya sa scanner pero ayaw nito gumana.
"Ayaw?" tatawa-tawang sabi ni Kier.
"Boy, ano sasakay ka pa ba? Nakakaabala ka na." biglang sabat ng driver.
"Ho? Opo, ahh, pwede bang pasakayin mo muna ako manong? Promise babayaran kita ng doble bukas." sabi ko na nag-angat pa ng kanang palad.
"Pa'no naman 'yon mangyayari aber?" tanong niya na nakataas pa ang kaliwang kilay.
"Ano...ahh sa'yo ako sasakay bukas." bulong ko dahil nahihiya na ako buti na lang onti pa lang ang sakay niya.
"Pa'no naman e, day off ko bukas." sabi nito saka aakmang hahampasin ako buti na lang agad akong nakailag habang dinig na dinig ko naman ang nakakaasar na tawa ni Kier.
Tinignan ko siya ng masama pero wala lang 'yon sa kanya.
"Manong, sige na promise magbabayad ako sa susunod na susunod na araw." pangungulit ko.
Kapag hindi niya ako pinasakay wala akong ibang choice kundi maglakad kapag naglakad naman ako paniguradong late na ako.
"Tigilan mo 'ko boy, kung wala kang pamasahe bumaba ka na at may sasakay pa." utos niya kaya bagsak balikat kong nilingon ang nasa likuran ko at halos matumba ako sa nakita ko.
'Yong babae kahapon, 'yong babaeng mukhang anghel nasa likod ko. Agad akong tumabi sa gilid habang nakatingin sa kanya habang siya naman tuloy-tuloy lang sa pagpasok sa bus.
"Bayad po sa dalawa." sabi niya kaya pare-pareho kaming natigilan nila Kier pati ng bus driver.
"Dalawa? Isa ka lang naman ahh, hija." takang tanong ni manong.
"Sa kanya po 'yong isa." sabay lingon sa'kin no'ng babae kaya halos magwala ang puso ko. Grabe ang tingin na 'yon pakiramdam ko matutunaw ako peta teka... sa'kin 'yong isa?
"Ang bait mo naman." papuri ni manong sa kanya pero hindi niya 'yon pinansin at umupo na sa likod ng kinauupuan ni Kier.
"S-salamat." napayuko pa ako habang nagpapasalamat.
"Pumasok ka na, pasalamat ka mabait 'yong dalagang 'yon." utos ni manong.
Lumapit ako sa kanya ng konti. "Hindi lang ho mabait manganda pa." bulong ko saka natawa ng mahina at dumiretso sa tapat ni Kier.
"Nakakahiya ka." bungad niya sa'kin habang naglalaro sa cellphone.
Piniling kong tumayo na lang sa harap niya. "Tsk, wala kang kwenta."
"Kapal mo." bawi niya.
"Tss. Pero tol, ang ganda niya 'di ba?" pabulong kong sabi kasi baka marinig no'ng babae.
Tinignan ako sandali ni Kier. "Sino?"
"Ayon, oh." nguso ko sa likod niya.
Nilingon niya 'yon ng pasimple saka bumalik sa'kin ang tingin. "Sakto lang naman."
Hinampas ko siya sa braso. "Anong sakto lang? Tol, mukhang anghel kaya."
"Tsk! Masakit!" angal niya.
"Shh, alam mo ba kahapon nagkita na rin kami." hindi ko mapigilan ang kiligin. "Pakiramdam ko may connection kaming dala---"
Hindi ko na naituloy nang biglang umandar ang bus at nawalan ako ng balanse. s**t! Malaking kahihiyan kapag ako bumagsak! Kailangan may makapitan ako.
"Hawak, boi." dinig kong sabi ni Kier kaya agad kong inabot ang kamay ko sa kanya pero hindi 'yon sapat.
Namalayan ko na lang ang sarili kong nakakapit na. Para akong nabunutan ng tinik at nakahinga ng maluwag dahil hindi ako natumba at napahiya. Nang tignan ko kung saan ako napakapit halos hilingin kong sana natumba na lang pala ako. Sa ulo ng magandang babae na 'yon ako napakapit, bale parang halos masabunutan ko na siya.
Ilang sandali akong napatitig sa kanya hanggang sa magsalita siya.
"Bitaw." seryoso niyang sabi habang nakatingin nga diretso sa mga mata ko.
Agad akong napabitaw sa kanya. s**t! Minus pogi points agad.
"S-sorry." sabi ko saka ilang beses na yumuko.
Mannerism ko na talaga ang yumuko sa tuwing mahihiya ako o magpapasalamat ewan ko ba kung bakit. Minsan iniisip na nga ng iba sa'kin nagfefeeling koreano raw ako.
Tinignan ko ulit siya pero hindi na siya nakatingin sa'kin at nasa bintana na habang inaayos niya ang buhok niyang medyo nagulo rin. Aish! Nakakahiya talaga! Bumalik na ako sa harap ni Kier na panay ang tawa ng mahina.
"Grabe, nakakahiya ka." paulit-ulit niyang bulong.
"Baliw, napahiya na nga 'yong tao 'di ba." inis kong sabi.
Pasimple kong tinigan ulit 'yong babae pero sa bintana pa rin siya nakatingin. Ang ganda niya talaga pero minus points agad ako. Bwiset.
///
"Welcome to Hera Academy, I'm 90% sure that there are some of you choose Hera Academy because you don't like studying." bungad ng teacher namin na si Mr. Mon. "But I'm 100% telling you that set aside that mindset because in my class I'm not tolerating lazy students, understand?" dagdag pa niya.
Tss. Mukhang mapapasabak ako nito ahh. Akala ko no'ng pagpasok niya mabait siya 'yong tipo bang makakasundo agad kaso baliktad. Pinanood ko lang siyang magsulat sa board, teka first day turo agad? 'Di ba dapat briefing and orientation pa lang? Busy ako sa pag-iisip ng bigla kong maramdaman ang pag-vibrate ng cellphone ko.
Nang i-chcek ko 'yon nakita kong nagmessage pala sa'kin si Aldi.
Aldi
Mukhang terror yata teacher natin, tol.
Dash
Oo nga e, kela sa Kier kaya?
Aldi
Tanungin natin maya, punta tayo sa room nila 'pag tapos ng nitong si Sir. Mon.
Dash
Gege
Pinatay ko na ulit ang cellphone ko after ng usapan namimg dalawa. Sa tropa kaming dalawa ang magkaklase habang si Kier naman kasama si Fren. Kumusta kaya sila? Sana terror din teacher nila para hindi palaging mapapagalitan si Kier, walang ibang ginawa 'yon sa klase kung hindi matulog.
///
Kier
"I'm, Mr. Christian Manbait. For this school year I'm your assigned homeroom teacher." boring na pag-iintroduce sa sariling sabi ng teacher namin habang nasa harap ng buong klase. "I'm expecting na maging maganda ang pagsasama natin sa loob ng ilang buwan lalo pa't isa ang section niya sa matataas at inaasahan. Maliwanag ba?" tanong niya kaya agad na nagsipagsagutan ang mga kaklase ko habang ako heto nakayuko at nakapikit sa pinakadulong helera.
Mas okay ang pwesto ko rito bukod sa malayo sa mata ng teacher ay wala pa akong katabi na dadaldal sa'kin. Buti na lang din talaga hindi ko naging kaklase si Dash o kay Aldi, walang katahimikan ang buhay ko kapag nasa paligid ko sila.
"Maliwanag ba Mr. Luis?" dinig kong tawag ni Sir sa'kin pero nagbingi-bingihan ako. "Tss, unang araw ng klase natutulog. Oh, siya that's all for today class, see you tomorrow." sabi niya dahilan para umingay ang buong klase na kanina ni kaluskos wala kang maririnig.
Nanatili akong nakayubo habang nakapikit. Ito ang first day ko sa grade 11 at wala akong ibang masabi kundi ang boring. Akala ko ma-e-excite ako kasi bagong school, bagong tao, bago lahat kaso iba sa expectations ko ang nakikita ko sa reality at nakakantok lang kung iisipin.
Sa dami na mg naisip ko pakiramdam ko unti-unti na talaga akong hinihigop ng antok ko hanggang sa may pamilyar na hindi kaaya-ayang amoy akong naamoy, ang nabubulok na dighay ni Aldi. Ang baho! Paniguradong kalokohan na naman 'to ni Aldi na kasama si Dash, tawa sila ng tawa. Mga loko-loko makakabawi rin ako.
"What the! Ang lakas ng tama, ilang araw mo inipon 'yan." takip ilong kong tanong kay Aldi.
Ngumiti muna siya. "Kagabi lang 'yan ulam kasi namin bagoong." sagot niya saka nag-finger heart at dumila na halos lumabas na pati ang mga ngipin niyang may braces.
"Ang tibay, grabe parang isang taon kang hindi nagtoothbrush."
Ngiting proud na proud lang ang ginawa niya, bilib talaga ako sa isang 'to kinakaya niyang tiisin 'yan.
"Wala sa dictionary ni Aldi ang toothbrush, boi." sabi ni Dash na kanina pa tawa ng tawa.
"Anong kadugyutan ba 'yan, Aldi? Ano ka nasa highschool pa rin?" sabat naman ni Fren na tumabi sa kay Aldi.
At heto kumpleto na naman kami ang team gwapings. Hindi ko alam sa tatlong 'to lalo na kay Dash kung bakit sa lahat ng pwede itawag sa grupo namin gwapings pa, alam ko naman na pogi ako pero...aish basta.
///
Nang sabihin ni Sir. Mon na class dismissed na agad kaming pumunta ni Aldi sa room nila Kier. Tulog siya ng silipin namin kaya nakaisip kami ng kalokohan ni Aldi, mabuti na lang may naipon siya kagabi.
Chill lang kaming pumasok sa klase nita saka diretsong naglakad sa pwesto niya, sa pinakadulo. Hindi na talaga ako nagtaka. Nang marating namin siya ni Aldi agad na pumwesto si Aldi, umupo siya sa harap ni Kier habang ako nasa gilid at nagpipigil na matawa. Nagready muna si Aldi saka niya pinakawalan ang lahat ng sama ng loob niya, literal na sama ng loob.
"What the! Ang lakas ng tama, ilang araw mo inipon 'yan." angal ni Kier kaya hindi ko na napigilan ang matawa pagtapos no'n biglang sumulpot naman si Fren na tumabi kay Aldi.
Kagaya ng dati binabasag niya ang mga trip ni Aldi pero balewala lang 'yon sa kanya. Magsasalita pa sana siya ulit kaso mukhang maglalabas na naman ng sama ng loob si Aldi.
"Meron pa, meron pa." tawa ng tawa kong sabi habang tinatapik ang balikat niya.
Nang malapit ng lumabas humarap na siya kay Fren na hindi ka agad nakapagreact kaya ayon sapol niya ang lahat-lahat kaya tawa lang kami ng tawa ni Kier. Kawawang, Fren, nasapol lahat ng sama ng loob ni Aldi habang heto si loko akala mo nakahinga ng maluwag.
"Takteng 'yan! Ang sakit sa mata! Iba na 'yan ahh, akala ko mababag sasalamin ko." tuloy-tuloy na angal ni Fren.
Tawa lang ako ng tawa mg 'di sinasadyang mapatingin alo sa bandang likuran ni Fren. Natigilan ako sa nakita ko. s**t! 'Yong magandang baba---I mean si Angel. Oo Angel dahil bukod sa maganda na siya ang bait pa siya, bihira na lang ang ganito sa mundo. Kaso may kahihiyan nga pala akong nagawa sa kanya kanina, aish!
Mas lalo akong nawindang nang mapatingin din siya sa'kin. s**t! Nakakahiya. Wala akong ibang naisip gawin kundi patalikod na lumabas sa kwartong 'yon. Narinig ko ang pagtawag no'ng tatlo sa pangalan ko pero hindi ko na 'yon pinansin. Nakakahiya talaga wala na akong mukhang maiharap sa maganda niyang mukha. Ang tanga naman kasi ng bus hindi nagsabi na gagalaw na pala!
///
"Gagi, seryoso? Nakakahiya ka boi." sabay tawa ng malakas ni Fren at Aldi habang si Kier busy sa pag-inum ng binili niyang kape.
Nang makalayo ako sa classroom nila Kier pati ni Angel tinext ko sila na nasa ground ako agad naman silang sumund. Saka kinwento ni Kier kung ano ang mga nangyari kanina sa bus, wala namang ibang naging reaksyon sila Fren at Aldi kundi puro tawa.
"Hindi ko naman sinasadya bigla kasing umandar 'yong bus." pagtatanggol ko sa sarili ko.
"Kahit na boi, kumapit ka pa rin sa ulo niya. First day pa lang pero ang dami mo na agad kalokohan." tumatawa pa ring sabi ni Fren.
"Tsk! Aksidente nga." giit ko.
"Sa tingin mo tatanggapin 'yon na excuse ni Princess Ashanna Santos, e, sa ginawa mo para mo siyang hinahamon ng sabunutan." singit ni Kier.
"Syempre wala akong ibang makakapitan kund---teka, Princess Ashanna? Pangalan niya 'yon?" gulat kong tanong.
Tumango si Kier. "Oo 'yon pagkakarinig ko."
"Ba't 'di mo agad sa'kin sinabi? Saka magkaklase pala kayo sana 'di na ako pumunta sa room niyo nakakahiya!" saka ko siya sinipa ng mahina sa paa.
"Malay ko ba natutulog ako." balewala niya.
Sinamaan ko na lang siya ng tingin. "Pero maiba ako, ang pangalan niya Princess Ashanna ako Prince Dashton, hindi ba kayo kinikilabutan?" tanong ko sa kanilang tatlo na nakatingin lang sa'kin.
"Hindi naman ako natatae ba't ako kikilabutan?" takang tanong ni Aldi.
"Tsk! 'Wag ka na lang magsalita. Pero heto kasi ako Prince Dashton siya Princess Ashanna, 'di ba compatible? Prince at Princess, grabe nakakakilabot." napayakap ako sa sarili ko. "Saka ito pa dalawang magkasunod na araw na kaming nagkita tapos parehas pa kami ng school at grade level, naniniwala na talaga ako sa destiny!" hindi ko na napigilan ang mapatalon sa sobrang kilig."
"Ahh, so sinasabi mo kasama ang paghila mo sa buhok niya sa destiny na sinasabi mo?" pagbabasag ni Aldi sa kilig ko.
"Oo nga so pa'no ka aamin? Sisipain mo siya?" gatong pa ni Fren saka nakipag-apir kay aldi na panay ang tawa.
Tsk! Mga basag trip talaga! "Makinig kayong dalawa ang romance nag-uumpisa lahat sa aksidenteng pagkakakilala ng isang babae at lalaki." pagpapaliwanag ko. "'Di ba Princess and first name niya at sa'kin naman Prince. Princess and Prince, hindi pa ba 'yon matatawag na destiny? Aish! My romance story nag-uumpisa na!" kilig na kilig kong sabi saka napatalon ulit.
Grabe ngayon lang ako tinamaan ng ganito. Pakiramdam ko siya na si the one. Hindi ko magpigilan ang mapangiti.
"Tsk! Manahimik ka nga, destiny, destiny ano 'yan joke? Pa'no siya magkakagusto sa'yo kung una pa lang sinabunutan mo na si'ya?" sabi ni Kier na nagpatigil sa'kin.
"Kung tatarin na lang kaya kita ng shigan ng makita mo hinahanap mo?" sabi naman ni Fren habang pinapatunog ang hintuturo niya.
"Tsk! Basta! Destiny kaming dalawa para sa isa't-isa!" giit ko saka naglakad palayo.
///
"Salamat boi, natapos din ako sa wakas pag-aayos ng mga gamit ko." sabi ko kay Kier habang palabas kami ng apartment ko.
"Ge, daan ka muna sa bahay sabi ni mama nagluto daw siya ng chicken curry naawa sa'yo kasi mag-isa ka na lang." agad akong napatingin sa kanya.
"Seryoso? Paborito ko 'yon!" parang bigla akong nagutom hindi ko tuloy napigilan mapakanta. "Chicken curry you're my destiny, eyy!" kanta ko kaya natawa naman si Kier.
"Tigil mo 'yan para kang timang, basta tanggapin mo lahat ng ibibigay sa'yo ni mama, okay?" sabay akbay niya sa'kin.
"Okay!" nguso kong sabi saka naglakad ulit pero natigilan din ako sa nakita ko. "Teka, siya ba 'yon?" bulong ko.
"Sino?" tanong naman ni Kier pero imbes na sagutin ko siya bumitaw ako sa pagkakaakbay niya at hinabol 'yong nakita ko. Si Princess Ashanna 'yon kung hindi ako nagkakamali. Nang makita ko siya ng hindi kalayuan tama nga ako.
"Sino ba 'yon?" tanong ni Kier na nakahabol na pala sa'kin.
"Si Princess Ashanna, tara sundan natin." sabi ko saka siya hinila.
Sa pagsunod namin sa kanya nakarating kami sa tapat ng isang apartment house na hindi kalayuan sa apartment ko. Hindi kagaya ng sa'kin na pang isahan lang 'yong kela Princess Ashanna maraming kwarto parang building kung titignan na nga ito.
"Tingin ko d'yan siya nakatira." bulong ko kay Kier habang nagtatago kami sa malaking poste ng kuryente. "Isipin mo 'yon d'yan lang 'yong bahay ko tapos siya dito lang. Grabe kinikilabutan na talaga ako sa mga nangyayari, hindi mo pa rin ba nakikita na meant to be kami?" dagdag ko pa.
"Katapat lang ng bahay ko 'yang apartment niya at isa pa magkaklase kami." basag ni Kier sa'kin.
Napairap na lang ako sa kawalan. "Tsk! Fine, bukas kapag nagkita kami ulit ng 8:30, destiny na 'yon." proud kong sabi kaua napailing na lang si Kier. Naniniwala ako, magkikita kami bukas ng 8:30 at kapag nangyari 'yon isa-isa ko silang babatukan.
///
Maaga kaming pumunta ni Kier sa sakayan ng bus. Hindi ko na alam kung anong oras na basta nakatingin lang ako sa way kung saan manggagaling si Princess Ashanna habang si Kier panay ang laro ng ML. Hindi nagtagal nakita ko na siya at mukhang busy siya sa cellphone niya. Nang medyo malapit na siya sa'kin inalis ko na ang tingin ko sa kanya at nilipat yon sa posteng nasa harap ko.
Nang makalagpas na siya sa'kin saka ko siya sinundan ng tingin gano'n din ang ginawa ni Kier saka napatingin sa'kin. Parang gusto ko magtatalon dahil sa tuwa.
"Kita? Nagkita kami. Sabi sa'yo e, meant to be kami." proud kong sabi na hindi maalis ang ngiti.
"Tanga. 20 minutes ka na kayang naghintay. Halos malate na ako dahil sa'yo." bulong niya.
Nawala ang ngiti ko at napatingin sa suot kong relo. 20 minutes na pala akong naghihintay lampas na sa 8:30. Tsk! Pero hindi ako mawawalan ng pag-asa.
"Sige ganito, mamayang break kapag parehas kami ng binili na drink, destiny na 'yon." sabi ko kaya napailing na lang si Kier. Ngayon iisipin ko na kung anong drink ang bibilhin ko.
///
Break time na at nandito kami ngayon ni Kier sa canteen nakaupo hindi malayo sa biliban ng inumin. Ang binili ko kanina ay isang pack ng sterilize milk. Nagready na kaming dalawa ni Kier nang makita naming dumating na si Princess Ashanna kasama ang dalawa niyang kaibigan.
Unang nilapitan ni Princess Ashanna ang bilihan ng maiinom at parang nagsitayuan ang mga balahibo ko nang makita kong nasa parte siya kung saan ako kumuha ng binili kong sterilize milk. Ilang sandali siyang nandoon na parang nag-iisip kung ano ang pipiliin niya at bandang huli isang can ng coke ang kinuha niya. Sobrang lapit na no'n sa sterile milk!
"Destiny?" pang-aasar ni Kier.
"Tsk! Sterilize milk is white, polar bears are white and polar bears like coke!" pagpapaliwanag ko pero nagulat ako ng bigla akong undayan ni Kier ng hampas.
"Gusto mo mahampas ng galing sa polar bear?" inis niyang sabi buti na lang biglang dumating si Aldi.
"Oh, nandito pala kayo?" bungad niya kaya napatingin ako sa kanya at halos malaglag ang panga ko ng makita kong may dala siyang kaparehas ng sa'kin na sterilize milk.
Narinig ko na naman ang nakakaasar na tawa ni Kier.
"Tsk! 'Wag mo na alamin!" inis kong sabi kay Aldi kaya naman nagtaka siya pero hindi ko na 'yon pinansin. Aish! Nakakaasar sobrang lapit na no'n e! Pero hindi pa rin ako mawawalan ng pag-asa.
///
"Kapag si Princess Ashanna, nakasuot ng palda, it's destiny." bulong ko kay Kier na nakaupo sa sahig habang naglalaro pa rin ng ML.
Tapos na ang klase namin at heto kami sa labas ng gate naghihintay sa paglanas nila Princess Ashanna.
"Ba't 'di mo pa kaya sabihin na kung humihinga si Princess Ashanna, destiny na rin?" sabi niya kaya napahinga na lang ako ng malalim.
Bumalik ko sa pagsilip kung palabas na sila at 'di nagtagal narinig ko na ang boses niyang napakaganda. Agad akong nagtago sa tabi ni Kier. Hinihintay namin siya na lumabas saka ko nakita na hindi siya nakapalda, suot niya ang P.E pants ng school namin. Para akong nalumbay. Bagsak balikat akong napaupo sa tabi ng tatawa-tawang si Kier.
"Nandito pala kayo, tara computer!" sabi ng bagong dating na si Aldi.
Nang tignan ko siya mula paa hanggang ulo parang mas lalo akong nanghina.
"Hindi pa ba sa'yo sapat sa'yo 'yang sign na 'yan para i-date si Aldi?" panay tawa na sabi ni Kier habang nakaturo kay Aldi at sa suot nito.
Nakatali ang jacket niyang blue sa balakang niya kaya nagmukha 'yong palda. Sa inis ko dahan-dahan akong naglakad palapit kay Aldi saka siya hinawakan sa may kwelyo.
"Aldi, sabihin mo bakit mo 'to ginagawa?
"Ang alin?"
Taka niyang tanong kaya napakamot na lang ako sa buhok ko. Ahh! Nakakaasar!
///
"Ako na sa gitna."
"Gege, akin na 'tong isa."
"Nasa computer shop kami ngayong tatlo hindi raw makakasama si Fren kasi may lakad siya. Kanina pa kami naglalaro pero ni isa wala pa kaming naipapanalo. Inalis ko ang headphones na nakalagay sa tenga ko saka hinarap si Kier.
"Kagaya ng sinasabi mo, feeling ko hindi kami destiny." lumbay kong sabi.
"Tsk, manahimik ma d'yan at magfocus." saway niya siya sa'kin.
"Ano sa tingin mo? Mag-give up na ba ako?" tanong ko pa.
"Hoy! Hoy! Kier, dito bilis-bilis! Dali!" sigaw ni Aldi.
"Hilahin mo 'yong line!" balik ni Kier.
"Hoy! Hoy! Ahh! Shet, patay!" angal ni Aldi na napasubsob pa sa keyboard. "Ang bagal mo!" bulong pa ni Aldi habang nakatingin kay Kier.
Hinarap naman ako ni Kier. "Kapag 'yong rank ko bumaba anong gagawin mo?"
"Mas importante naman ang buhay kesa sa laro." giit ko.
"Hay! Nakakaasar, Dash, Kier sabi sainyo pumasok kayo tapos mag-gank! Nakakaasar, d'yan nga muna kayo iinum lang ako." inis na sabi ni Aldi saka nagwalk out.
Naiwan kaming dalawa ni Kier.
"Takot ka lang kasing gumalaw kaya inaasa mo destiny, destiny na 'yan." sabi niya kaya napaharap ako sa kaniya. "Kung may gusto ka talaga sa kanya sabihin mo mismo sa kanya." dagdag pa niya.
"Pa'no ko naman gagawin 'yon e, sirang-sira na first impression ko sa kanya. Saka wala akong alam na sasabihin sa kanya." sabi ko.
"'Yong pamasahe." mabilis na sabi ni Kier kasing bilis ng pagbago ng mood ko. "'Di ba siya ang nagbayad ng pamasahe mo? So ibig sabihin may utang ka sa kanya, bayaran mo 'yon."
Hindi ko napigilan ang sarili kong mapatayo sa gulat. "Tama! Alis na 'ko para mabayaran ko agad siya." sabi ko saka dinampot ang mga gamit ko at naglakad paalis.
"Alam mo ba kung anong number ng apartment niya?" dinig kong sigaw ni Kier kaya natigilan ako at patalikod na bumalik.
"Hindi." nguso ko. "Teka, ano kaya kung makipagclose ka sa kanya para matulungan mo 'kong umamin?" pangungumbinsi ko kay Kier.
Tinignan niya lang ako. "Bakit hindi mo pa kaya i-request na i-date ko siya sa bahay mo habang nandoon ka? Loko-lokong 'to gagawin pa 'kong dummy dating."
"Dummy dating? Sa gwapo kong 'to hindi ko na kailangan no'n." sabi ko saka nagpogi post sa harap niya.
"Ilayo mo sa'kin 'yang mukha mo bago ko durugin 'yan." sabi niya sabay urong ng ulo ko. "Mag-umpisa ka lang sa basics, kausapin mo lang siya."
"Huh! That's just a piece of cake!" mayabang kong sabi.
Usap lang pala e. Ang dali naman no'n, humanda sila sa'kin bukas. Hindi matatapos ang araw bukas na hindi ko makausap si Princess Ashanna.