Dash
"Huh! Piece of cake lang pala, ahh?" katyaw ni Kier sa'kin habang nakatayo kami malapit kay Princess Ashanna habang naghihintay ng bus.
"Huwag kang maingay d'yan baka marinig ka." inis kong sabi.
"Tsk! Kausapin mo na kasi." sabi ni Kier na tinulak pa ako ng onti.
"Bukas!" sabi ko kaya tumigil siya. "Bukas mauna ka na, pa'no ko siya kakausapin kung lagi kitang kasama."
"Ge." sabi niya saka naglakad pero agad ko siyang pinigilan.
"Bukas nga." giit ko kaya bumalik siya dati niyang pwesto.
Bukas. Kakausapin ko na talaga siya sa bukas.
///
Kinabukasan maaga akong nagising at nakapagready para pumasok ang hinihintay ko na lang ay ang pagdaan ni Princess Ashanna sa apartment ko papuntang bust stop para makausap ko na siya. Naghihintay ako ngayon sa may balkonahe ng at nakatanaw sa way kung saan siya manggagaling. Mga 20 minutes na rin yata akong naghihintay pero ayos lang basta para sa kanya okay lang.
Ilang saglit pa akong naghintay hanggang sa matanaw ko na siya. Grabe ang ganda talaga niya, bagay na bagay sa kanya ang buhok niyang hanggang balikat lang tapos 'yong uniform pa nilang mga girls. Mukha tuloy siyang bida sa mga kdrama na nakikita kong pinapanood ni Dasha noon.
"Ito na, ito na." sabi ko saka nagtatakbo pababa ng hagdan.
Saktong pagbukas ko ng gate nasa tapat na siya nito pero para bang bigla akong nawalan ng confidence at umurang ang sistema ko. Kaya imbes na batiin siya hinayaan ko siyang mauna na habang ako heto kunwari may tintignan sa pader.
"Nakakaasar!" maktol ko saka napakamot sa buhok ko.
Ngayon lang 'to, bukas promise kakausapin ko na talaga siya. Itaga ko pa sa kilay ni mommy.
///
Kagaya kahapon maaga na naman akong nagising at nagready. Nasa labas na ako ngayon at hinihintay siya, nagppractice na rin ako kung pa'no ko siya i-aapproach.
Habang nagppractice ako napansin kung dumaan na pala siya. s**t! Hahabulin ko ba siya? Ang tanga ko naman. Kagaya kahapon nauna na naman siya at heto ko nasa likod niya nakasunod. Habang naglalakad kami bigla siyang huminto kaya nagulat ako at agad na napatago sa likod ng isang malaking basuran.
Nang lingunin ko siya nakatingin siya sa likuran niya na parang may hinahanap pero hindu rin nagtagal bumalik na siya sa paglalakad at sinuot ulit ang earphones niya. Para akong nakahinga ng maluwag dahil hindi niya ako nakita. Maglalakad na sana ako ulit ng may aboy akong mabaho.
Inamoy ko ang sarili at s**t! Ang baho ko! Argh! Hindi ako pwedeng pumasok ng ganito! Ba't naman kasi sa lahat ng pwede kung pagtaguan sa basurahan pa na 'to. I guess hindi pa ito ang tamang timing. Bukas. Bukas talaga pero sa ngayon kailangan ko munang maligo ulit at magpalit ng mabilisan kasi mallate na 'ko!
///
Maaga ulit akong nagising at nagready para abangan si Princess Ashanna. Pinili kong maghintay ulit sa labas ng apartment ko para mas mabilis ko siyang makakausap.
Habang naghihintay ako biglang nagvibrate ang cellphone ko kaya agad ko 'yong chineck at nakita kong si Aldi pala 'to. Iniinvite niya akong maglaro ng ML. Dahil mukhang mamaya-maya pa naman dadaan si Princess Ashanna kasi maaga pa inaccet ko 'yon at naglaro na.
Nakailang game na rin kami at puro panalo kaya mas lalo akong ginanahan. Hindi nagtagal nakita ko na parating na siya kaya kahit na nasa kalagitnaan ako ng laro agad kong binulsa ang cellphone ko at tumayo.
"Kaya mo 'to, Dash." bulong ko sa sarili ko saka huminga ng malalim.
Ilang sandali pa dumaan na siya sa harap ako at para na naman akong naistatwa sa kinatatayuan ko! s**t! Na naman! Pero hindi pwede, hindi ko na sasayangin 'tong araw na 'to. Sinundan ko siya, nauna siyang maglakad sa'kin at napansin kong parang binibilisan niya maglakad kaya gano'n din ang ginawa ko.
Nauna siyang lumiko kaya mabilis akong sumunod nang makita kong tumigil siya sa paglalakad habang nakatalikod sa'kin agad akong tumalon ng padapa sa pinanggalingan ko. Ang sakit ng pagkakalanding ko! Gumapang ako para silipin kung nakatingin pa ba siya buti na lang ay hindi na at naglalakad na ulit siya.
Napahiga na lang ako sa sementong daan. "Bakit ba hindi kita makausap-usap?" inis kong tanong habang nakatingin sa langit saka nagpapadyak na parang batang nagtatrantrums.
Bahala na kung isipin ng mga taong nakakakita sa'kin na baliw ako kasi feeling ko mababaliw na talaga 'ko.
///
Kier
Pagpasok na pagpasok ko agad kong hinanap si Princess Ashanna ang babaeng kinababaliwan ang kumag na si Dash. Ewan ko ba sa lokong 'yon halata naman na walang interes sa kanya si Princess Ashanna tuloy-tuloy pa rin. Pero heto naman ako si supportive best friend at gagawa ng paraan para lumigaya ang love life niya. Kaasar.
"Hay!" sabi ko saka huminga ng malalim habang umuupo sa harapan ni Princess Ashanna at ng katabi niyang si Minchi. "Hoy, gusto mo i-reto kita?" agad-agad kong tanong kay Princess Ashanna.
"Ayoko." mabilis niyang sagot.
"Hindi mo naman kailangan sumagot agad. Saka hindi mo pa siya nakikita, tignan mo muna bago ka tumanggi." giit ko.
"Hindi ako naghahanap." balewala niya.
"Ako pwede, mo 'ko i-reto?" sabat ni Minchi na nagpacute pa kaya napatingin ako sa kanya.
"Hindi ka pwede." agad kong sabi dahilan para agad din siyang napasimangot.
"Bakit naman hindi?" nguso niya.
"Paniguradong mag-aaway kami kapag ikaw pinakilala ko." pang-aasar ko sa kanya.
"Bwiset ka. Baka naman kaya ayaw mo 'ko i-reto kasi may gusto ka sa'k---" hindi ko na siya pinatapos sa pag-iilusyon niya.
"Baliw ka ba? Tumingin ka sa salamin malalaman mo kung bakit." walang emosyon kong sabi.
"Grabe! Ang harsh mo!" angal niya saka dinampot ang cellphone niya at doon nga nanalamin.
Huh! Uto-uto. Binalik ko ang tingin ko kay Princess Ashanna na tahimik lang at parang may sarili pang mundo. Magsasalita sana ulit ako nang unahan niya ako.
"This past few days feeling ko may nag-s-stalk sa'kin." sabi niya.
"Weh?" gulat naman na tanong ni Minchi. Ang oa niya talaga magreact.
"Oo, nito mga nakaraan kada umaga kapag papasok na ako palaging may lalaking sumusunod sa'kin." sagot ni Princess Ashanna kaya hindi na ako napakali at nagtanong.
"Nakita mo ba 'yong mukha?"
Nilingon niya 'ko. "Hindi masyado, pero nakamullet siyang cut at nakasuot siya ng blue sweatshirt ngayon."
Natigilan ako sa sinabi niya. Mullet na buhok? Isa lang ang kilala kong nakagano'n si Dash. Hay! Pasimple akong tumayo saka lumayo sa kanilang dalawa pero narinig ko pa rin ang pinag-uusapan nila habang palabas ako ng room.
"Tapos 'yong height niya sakto lang." sabi pa ni Princess Ashanna kaya mas lalo akong nalinaw na si Dash nga ang sinasabi niya. Hina talaga ng diskarte ng tukmol na 'yon.
///
Dash
"Hoy, bakit ba?" taka kong tanong kay Kier na hinila ako palabas ng room buti na lang wala pa si Sir. Mon.
"Sinasabi sa'kin ni Princess Ashanna kanina na may nag-s-stalk daw sa kanya kada umaga." sagot niya sa'kin kaya nagulat ako.
"Ano? Sinong manyak 'yan?" sabi ko saka nagpalinga-linga sa hallway ng school. "Pero teka... palagi akong nakasunod sa kanya wala naman akong napansin."
"Tanga ka talaga! Ikaw 'yong sinasabi niya. Alam niya rin kung anong itsura mo at suot mo." inis na sabi ni Kier. "Mullet haircut and blue sweatshirt." dagdag pa niya na hinila ang suot ko.
Napatingin ako sa suot ko at saka ko napagtantong ako nga 'yong sinasabi niya. Aish! Pa'no na ba 'to. Hindi ko na nga siya makausap ang tingin pa niya sa'kin stalker.
"Ginagawa niyo?" napatingin ako sa likod ko kung saan nanggaling ang boses na 'yon. Si Fren, pala at para akong bigla nagkaidea dahil nakita ko siya.
"Yow, Fernando Vicente, hmm." nakangiti kong bati sa kanya at tinawag pa sa totoo niyang pangalan. "Teka." sabi ko saka tinaggal ang pagkakazipper ng jacket ko.
"Ginagawa mo?" tanong niya pa pero 'di ko na 'yon pinansin nang mahubad ko na ang jacket agad ko 'yon pinatong sa suot niyang black na hoodie. "Huh? Binibigay mo ba 'to sa'kin?" tanong niya ulit habang sinusuot ang jacket ko.
Nakangiti akong tumango. "Yes! Grabe tol, bagay na bagay sa'yo." papuri ko pa at napathumbs up.
Nang masuot na niya tinignan ko siya mula ulo hanggang paa saka ko napansin ang suot niyang salamin. Tama! Walang anu-ano kong kinuha ang salamin niya napakataas ng grado mas mataas pa sa future ko saka sinuot. No'ng una para akong nalula pero nakapag-adjust din agad.
"Ginagawa mo? Salamin ko 'yan." taka niyang tanong pero hindi ko pa rin siya pinapansin. Instead si Kier ang nilingon ko.
"Perfect." ngiti kong sabi sa kanya kaya napangisi na lang siya na parang umaagree rin siya sa ginawa ko. Magsasalita pa sana ako ng nay biglang sumabat.
"Perfect na sana kung wala ako rito!" bungad ng kaibigan ni Princess Ashanna na kung 'di ako nagkakamali ay Minchi ang pangalan. "Ikaw 'yong stalker na sinasabi ni Ash 'di ba? Anong ibig sabihin nito, Kier?" sunod-sunod na sabi ni Minchi na napalingon pa kay Kier kaya gano'n din ang ginawa namin ni Fren. Napatingin na lang sa kisame si Kier para iwasan ang tanong ni Minchi.
"Hindi-hindi, sinusundan ko siya pero hindi ko siya inistalk." pagtanggi ko kaya nalipay naman sa'kin ang tingin niya.
"Grabe ang benta ng palusot mo. Kung ano 'yong ginagawa mo walang pinagkaiba sa ginagawa ng stalker." taas kilay niyang sabi.
Napakurap ako ng ilang beses, may point nga siya. "Pero may r-rason ako." giit ko. "Gusto kong bayaran 'yong inutang kong pamasahe sa kanya pero ang hirap niya kasing kausapin." dagdag ko pa.
"May gusto ka kay Ash 'no? 'Wag mo na itanggi." may pang-aasar na ngiti niyang sabi kaya agad akong naalarma.
"Ano? Wala 'no!" pagtatangi ko kahit meron naman talaga.
Pero imbes na magsalita dahan-dahan na naglakad si Minchi papalapit sa'kin at paikot na para bang kinikilatis niya ako. Paulit-ulit niya akong tinignan ng mula ulo hanggang paa at ng makuntento na siya saka siya tumigil sa harapan ko.
"Hindi ka pwede. I suggest na maggive up ka na." sabi niya napataas pa ang kanang kamay na parang tinataboy ako kaya medyo nainis ako.
"Bakit?" napataas ang boses ko.
"Hoy! Tinakot mo 'ko!" gulat niyang sabi na napahawak pa sa dibdib niya. "So may gusto ka nga kay, Ash! Pero naawa ako sa'yo kasi hindi talaga gusto ni Ash, 'yong mga tipo ng lalaking kagaya mo." habol pa niya.
"Edi anong gusto niya?" tanong ko.
Napailing siya. "Hindi ko alam, never pa naman siya nakipagdate sa kahit kanino."
Halos mahulog ang panga ko sa narinig ko. "Never pa siyang nakipagdate kahit kanino? Seryoso? Sa ganda niyang 'yon never pa siyang nakipagd---teka, edi hindi mo rin alam kung anong ang style ang gusto niya." para akong nabuhayan sa narealize ko at 'di pa napigilan ang mapangiti na may pang-aasar kay Minchi.
"Alam ko pa rin, alam ko rin na ayaw niya sa taong padalos-dalos kagaya mo. Kaya ang masasabi ko sa'yo instead na masaktan ka itigil mo na lang. Kaya babye!" mahaba niyang sabi saka kumaway at tatalon-talon na umalis.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa maramdaman ko ang paghawak ni Fren sa balikat ko kaya nilingon ko siya.
"Sino ka sa tingin mo? Did you try to make a stalker just now?" napaenglish pa siya. Minsan talaga mahirap kausapin 'to kasi bigla na lang nag-e-english.
Napatingin ako kay Kier na panay ang iling habang nakatingin sa'ming dalawa ni Fren. Napahinga na lang ako ng malalim saka tumango. "Ahh...p-parang gano'n na nga."
Bagsak balikat siyang napahinga ng malalim saka binawi ang salamin niyang suot ko saka niya sinuot sa sarili niya.
"So disappointing." sabi pa niya saka tumalikod inangat ang zipper ng jacket na suot niya saka ko naalala na sa'kin pala 'yon kaya agad ko siyang hinawakan sa braso para pigilan.
"Hoy, baka gusto mong ibalik 'yang jacket ko?" tanong ko sa kanya pero imber na ibalik sa'kin 'to nagtatakbo siya palayo.
"Hoy! Fren!" hahabulin ko pa sana siya kaso pinigilan ako ni Kier.
"Tsk! pabayaan mo na 'yon.' sabi ni Kier kaya hinarap ko siya. "Basta bayaran mo na lang si Princess Ashanna bukas, kung mas lalo mong papatagalin mas mahihirapan ka lang." dagdag pa niya saka ako tinapik sa braso.
Tumango ako. "Okay."
Gagawin ko na talaga bukas.
///
Dumaan na siya sa harapan ko at heto ako ulit nasa likod niya at humahanap ng tsempo. Sinisigurado ko ngayon na makakausap at mababayaran ko na siya. Habang naglalakad napansin kong parang palinga-linga siya sa gilid niya saka patakbong naglakad. Dahil sa nauuna siya sa'kin mas nuna siyang lumiko kaya agad akong humabol at nang makaliko ako nagulat ako ng naghihintay na pala siya rito at muntik pa akong masubsob sa mukha niya buti na lang naalalayan ko ang sarili ko dahil kung hindi kahihiyan na naman sa kanya ang magagawa ko.
Sa gulat ko ay agad akong tumalikod at akmang tatakbo na kaso ang bilis niyang nahila ang bag ko saka ako tinulak sa pader. s**t!
"Saan ka pupunta? Sino ka? Bakit mo 'ko sinusundan?" sunod-sunod niyang tanong habang ako heto hindi makatingin sa kanya ng diretso.
"Huh? Ahh...p-para bayaran ka." utak kong sagot.
"Bayaran ako?" pag-uulit niya.
Tumango ako. "O-oo, binayaran mo kasi 'yong pamasahe ko no'ng wala akong dalang pera. A-ako rin 'yong hindi sinasadyang napakapit sa b-buhok mo no'ng araw na 'yon... " kinakabahan kong sagot.
"Ahh." sabi niya kaya napangiti ako. Naalala niya pa pala 'ko.
"Oo, ako 'yon."
"Hindi mo na kailangan magbayad, okay lang 'yon." sabi niya kaya agad akong napatingin sa kanya.
"Hindi! Kailangan bayaran kita." giit ko na medyo napataas oa ang boses ko.
Napakurap siya ng ilang beses. "Edi magbayad ka."
Ngumiti ako sa kanya saka kinapa ang bulsa ko pero wala 'yon dito kaya sunod kong kinapa ang bulsa ng suot kong jacket buti na lang nandito. Kinuha ko mula roon ang isang envelope na pink saka inabot sa kanya.
"I-ito." nanginginig ko pang inabot sa kanya 'yon na kinuha niya rin agad.
"Bakit nakaenvelope pa? Mas mukha pa 'tong mahal kesa sa pamasahe." sabi niya kaya mas lalo akong napangiti.
"Ahh...nga pala ako si Prince Dashton Reyes pero pwede mo 'kong tawaging Dash, ikaw anong pangalan mo?" pagkukunwari kong hindi siya kilala.
Napatingin muna siya sa'kin ng ilang segundo saka sumagot. "Princess Ashanna Santos, Ash na lang for short."
Hindi ko na naman napigilan mapangiti, grabe pati talaga ang mga pangalan namin meant to be. "Ang ganda ng pangalan mo." bulong ko. "D'yan ako nakatira sa may apartment na may blue na gate." turo ko sa pinagmulan namin na daan saka siya ulit nilingon. "P-pwede bang makipag-kaibigan?" nahihiya kong tanong sa kanya.
Kagaya kanina ilang segundo na naman siyang napatingin sa'kin bago sumagot. "Sige." tipid niyang sagot saka nagsimula ulit maglakad.
Parang gusto ko magtatalon sa tuwa kasi pumayag siyang makipag-kaibigan sa'kin tapos naibigay ko pa 'yong envelope na 'yon, naalala ko na naman tuloy ang ginawa ko five days ago.
///
5 Days Ago
Alas-dyis na ng gabi pero gising na gising pa rin ako kahit maaga ang pasok ko bukas. Nandito ako ngayon nakaupo sa sahig habang kaharap ang mga importanteng bagay para sa importanteng babaeng pagbibigyan ko nito.
Kinuha ko ang ang gloves na nakapatanong sa lamesa saka sinuot. Nang ayos na ang gloves maingat kong kinuha ang bagong 20 pesos na pinakaiingatan kong hindi magusot saka sunod na kinuha ang marker ko. Nagsimula na akong magsulat dito.
"Ang pinakamagandang araw ng buhay ko ay dumating na at walang kahit sinong makakapagbago no'n. At 'yon ang unang araw na nakita kita." sabi ko habang sinulat ito sa 20 peso bill. "Ang mga mata ko ay ginawa para lamang sa'yo, ang mga kamay ko ginawa para isulat 'tong letter na para sa'yo at ang puso ko ay ginawa para sa'yo. Sigurado ako roon." dagdag ko pa saka nag-unat ng braso saglit at bumalik ulit sa pagsusulat.
"Hindi pa natin kilala ng husto ang isa't-isa pero sa tingin ko ang mga pangalan natin ay oo. Prince Dashton, Princess Ashanna, Prince at Princess, kahit saan mo tignan palagi silang magkapareha." tumigil ako saglit dahil kinikilig na naman ako. "At handa akong maging prinsipe para sa pinakamagada kong prinsesa." at doon ko tinapos ang letter ko para kay Princess Ashanna.
Maingat kong kinuha ang 20 peso bill gamit ang tyani saka dahan-dahan nilagay sa loob ng pink na envelope at saka 'to sinara. Pagtapos no'n inisprayhan ko na 'to ng pabango at nilapag sa platong may mga rose petals saka tinakpan para mas mag-mix ang amoy nito sa envelope.
///
Hay! Sa wakas! Hindi na talaga ako makapghintay na mabasa niya ang sinulat ko sa 20 peso bill. Iniisip ko pa lang na basahin niya 'yon kinililig na. At heto 'ko nasa likod niya habang pasakay na kami ng bus, nauna siya at halos magunaw ang mundo ko nang makita ko ang ginawa niya.
'Yong laman ng envelope na binigay ko sa kanya hinulog niya sa box na kung saan nagbabayad ng cash. Natulala na lang ako sa nakita ko at hindi ko na namalayan na nagsara na pala ang pinto ng bus at umalis na ito.
Grabe! Parang gusto kong maglupasay sa daan at magwala. Ang sakit no'n.
///
Ash
Nagising ako dahil sa sinag ng raw na tumatama sa mukha ko. Hindi na ako nagsayang ng oras at bumangon na agad. Mag-stretch muna ako ng balikat saka lumabas ng kwarto ko na hihikap-hikap pa. Saktong paglabas ko ang paglabas din ng kapatid kong si Princess Nicole. Nagkatinginan muna kami saglit bago nag-unahang pumasok sa cr, buti lang mas malapit ako rito kasi katabi lang ng kwarto ko.
"Nauna 'ko!" sabi niya.
"Mas nauna paa 'kong nakapasok!" giit ko.
"Ate, dapat matuto kang magpaubaya sa bunso mong kapatid." pagpupumilit niya sa tinutulak pa ako.
"So ate mo 'ko kapag dating sa cr?" tanong ko sa kanya kaya natigilan siya napasimangot. "Bato-bato pik na lang." sabi ko kaya napabuntong hininga siya.
"Bato-bato pik!" agad-agad niyang sabi buti na lang mabilis ako sa ganito.
Agad akong napangiti ng matalo ko siya papel ako habang siya naman ay bato. "Yes!" sabi ko saka tuluyang pumasok sa loob ng cr at inabot ang door knob.
"Augh! 'Wag na 'wag mong tatapunan ng tubig 'yong upuan ng bowl!" may pananakot niyang sabi. "Nabasa ulit 'yong pwet ko kahapon!" habol pa niya kaya agad kong sinara ng pabagsak 'yong pinto.
Pumunta na ako sa lababo na may salamin sa pader saka nagsimulang itali muna ang buhok ko. Nang matali ko na ang buhok ko binuksan ko na ang gripo at sinahod ang dalawang palad ko sa tubig idadampi ko na sana sa mukha ko ang malamig na tubig nang mapansin ko ang bowl sa gilid ko.
Napangiti na lang ako sa kalokohang naisip ko saka tinapunan ng mga nasahod kong tubig sa palad ko ang upuan ng bowl. Sorry na lang.
///
Dash
Kahit na lumbay ako sa nangyari kahapon maaga pa rin akong nagising at nagready para pumasok, balak kong sabayan si Princess Ashanna. Nang masuot ko ang jacket ko nagspray na ako ng cologne sa ere saka pumaikoy dito para sa'kin mapunta ang amoy nito. Saktong pagharap ko ang salamin.
"Tama, masyadong padalos-dalos ang mga sinulat ko doon, buti na lang hindi niya nabasa ang letter kong 'yon." sabinko sa sarili ko habang nakaharap sa repleksyon ko sa salamin.
"Love...love is all about timing." sabi ko pa ng maalala ko ang quote na nabasa ko kagabi sa f*******:.
///
"Parang palagi natin nakikita ang isa't-isa, ahh?" pagputol ni Kier sa katahimikang kanina pa bumabalot sa'ming tatlo. Kasabay namin ngayon maglakad papunta sa sakayan ng bus si Princess Ashanna.
Kinuntyaba ko si Kier na abangan namin siya dahil may surprise ako para sa kanya buti na lang napapayag ko si Kier.
"Kasi nga magkakalapit lang ang nga bahay natin." sagot naman ni Princess Ashanna na nakasuot ng puting jacket habang nakapaloob ang uniform nilang mga babae.
Matapos 'yong dahan-dahan kong kinalabit si Kier at sinenyasan na umpisahan na namin ang surprise ko, agad naman siyang tumango.
Kinuha niya ang cellphone niya saka inabot 'yon kay Princess Ashanna. "Ash, blocked ako rito pwede mo bang i-solve?" sabi ni Kier kaya nag-umpisa na 'ko.
"Nice, ang taas na ng level mo ahh." sabi ni Princess Ashanna habang nakatingin sa cellphone ni Kier kaya nagtuloy-tuloy ako sa paglalagay nh surprise ko sa kanya.
"Wow, gan'yan mo pala 'yan gawin." kunwari amaze na sabi ni Kier habang papalit-palit kami ng pwesto.
"Huwag mo 'ko kausapin, mahirap 'tong part na 'to." utos niya kay Kier.
"Teka, teka, may bomba d'yan." sabi pa ni Kier.
Pinabayaan ko lang silang dalawa basta nagfocus lang ako sa paglalagay ng surprise ko hanggang sa makarating na kami sa bus stop at matapos na rin ako sa paglalagay sa bag niya.
"Oh, tapos na." balik ni Princess Ashanna sa cellphone ni Kier.
"Ayos, thank you." sabi naman ni Kier saka binawi ang cellphone niya. "Naglalaro ka ng ML? Gusto mo pataasin ko rank mo para makabawi ako?"
Umiling siya. "Hindi ako naglalaro n'yan."
"Ahh, okay." tango ni Kier.
Okay, oras ko na. "Princess Ashanna." tawag ko sa kanya agad naman siyang lumingon. "Pwede ko bang mahingi 'yong number mo? Hindi pa tayo nagkakabigayan ng numbers, e." tanong ko saka inabot ang cellphone ko sa kanya.
"Sige." mabilis niyang sagot kaya napangiti ako.
Aabutin na niya ang cellphone ko ng pasimple ko 'tong binitawan. Agad siyang napatingin sa'kin na puno ng pagtataka, tingin sa'kin saka titingin sa cellphone ko. Hindi nagtagal siya na mismo ang nagkusang dumampot no'n kaya agad akong naready at nang nakayuko na siya agad ko siyang pinaulanan ng maraming lollipops.
"Alam mo bang white day ngayon? Niready ko 'yan para sa'yo." tuwang-tuwa kong sabi. "Tignan mo bag mo." utos ko pa na agad niyang sinunod. Mas lalo akong napangiti ng makita niya ang laman nitong maraming lollipops at ng mapatingin naman ako kay Kier panay lang ang iling niya.
"Cellphone mo." sabi ni Princess Ashanna ng makatayo na siya inabot sa'kin ang cellphone ko.
Taka akong inabot 'yon mula sa kanya. "'Y-yong number mo?" tanong ko pero tinignan niya lang ako sakto naman dating ng bus.
"Nandito na 'yong bus." balewala niya sa'kin saka sumakay ng bus.
Natulala na lang ako napahinga ng malalim. "Okay lang, malapit na." pangkumbinsi ko sa sarili ko nang bigla akong makatanggap ng batok kay Kier.
"Malapit na? Ayon 'yong tinatawag mong surprise?" sabay turo niya sa mga nagkalat na lollipop sa sahig.
"Bakit? Sabi ni Google, White Day daw ngayon kaya 'di ko na pinalampas...teka, 'yong bus! Bus!" giit ko habang hinahabol 'yong bus na umaandar na.
'Manong! Manong!" tawag namin ni Kier sa driver habang humahabol sa bus. Augh!
///
Minchi
"Argh!" halos mapayakap ako kay Ash dahil kay Ahra. "I'm so happy!" sabi niya saka napahayakap sa lamesa ni Ash na punong-puno ng lollipop.
Kaya naman agad ko siyang hinampas sa braso. "Bitawan mo 'yan, hindi naman sa'yo 'yan binigay." saway ko sa kanya kaya agad siyang napasimangot na akala mo batang inagawan ng lollipop.
"Hindi ko naman kakainin 'yan." saway naman sa'kin ni Ash kaya napangalumbaba na lang ako habang si Ahra ay tuwang-tuwa na pinagsasama ang bawat flavor ng mga lollipop.
"As expected, sabi ko na nga makakatanggap ka ng gan'yan." sabi ko at naalala si Dash, ang stalker ni Ash. Nalaman ko ang pangalan niya no'ng humingi ng favor sa'kin si Kier na huwag ko raw muna sabihin kay Ash kung sino 'yong nang-s-stalk sa kanya. Pasalamat siya mabait ako 'di kagaya niya.
"Tsk, meron pa kaya." napahinga pa ng malalim si Ash bago inabot ang bag niya saka binuhos ang laman no'n sa lamesa niya kaya halos magtatalon na naman sa tuwa si Ahra.
"Seryoso? Ang dami nito." kahit ako hindi makapanila sa nga nakikita ko. Saan kaya kumuha ang Dash na 'yon ng pambii ng nga 'to, sobrang dami! "Kawawang Dash, hindi niya alam na hindi ka kumakain ng matamis." bulong ko na narinig pala ni Ash.
"Pa'no mo nalamang si Dash, ang may gawa n'yan?" tanong niya nakatingin sa'kin ng diretso kaya agad akong natigilan.
"H-huh? H-hindi mo ba sinabi sa'kin?" augh! nauutal na ako.
Umiling siya. " Hindi, wala pa akong sinasabi sainyo."
Ay shet! Pakiramdam ko nasa hot seat ako!
"So pa'no mo nga nakilala si Dash?" pag-uulit pa ni Ash. "Anong ibig mong sabihin sa alam mo ng makakatanggap ako nito?" sunod pa niyang tanong.
"Teka, teka, sandali ba't ka gan'yan sa'kin." pagpapatigil ko sa kanya kasi kinakabahan na talaga ako buti na lang nagsalita na ulit si Ahra.
"Mukhang gustong-gusto ka niya." sabat ni Ahra habang may subo na lollipop. "Tignan mo oh, 'yong masasarap na flavor ang pinili niya like, chocolate, strawberry. Grabe sobr---" alam ko na kung saan ang papapuntahan ng sasabihin ni Ahra kaya agad akong umurang at senenyasan siyang tumigil buti naman agad niya akong nakita. "G-grabe sobrang sayang nito sa pera." sabi ni Ahra saka bumalik sa pag-aayos ng lollipop.
Tinignan ko lang si Ash na natahimik na naman at maya-maya biglang tumayo at naglakad palabas ng room namin. Hay! Ang hina naman nitong si Dash.
///
"Hoy, yare ka, tara." bungad ko kay Dash nang makapasok ako sa loob ng room nila. Naabutan ko silang nagkekwentuhan ni Aldi na mukhang tipaklong.
"Huh?" tanong pa niya pero hindi ko na siya pinansin at hinila na lang hanggang sa makarating na kami sa cafeteria. "Bakit ba? May nangyari ba?" tanong niya ulit nang makaupo na kami.
"Ano... sorry nadulas kasi ako kay Ash." agad kong sabi.
"Gano'n? Hindi okay lang aamin na rin naman ako sa kanya." confident na sabi ni Dash at napacross arms pa.
"Tingin ko mali timing mo, wala siyang balak or interest na makipagdate sa kahit kanino sa ngayon." pagpapaliwanag ko.
"Bakit? Bakit naman?"tanong ni Dash na napalapit pa sa'kin ng konti kaya medyo umurong ako.
"Kasi...a-ahh..." natigilan ako, shomai! Muntik na naman akong madulas! "H-hindi ko alam, pero saka ka na gumalaw kapag binigyan na kita ng signal." pangungumbinsi ko sa kanya kaso ang tigas ng ulo niya.
"Hindi mo naman pala alam e." pang-aasar niya sa'kin.
Napahinga na lang ako ng malalim. "Hayst. Ang kulit mo para rin naman sa'yo 'to. Kilala ko si Ash, iignorerin ka lang niya ng iignorerin."
"Bakit?" tanong niya na naman saka napatingin sa kung saan kaya sinundan ko 'yon at mang makita kong si Ash 'yon agad akong nagtago sa ilalim ng lamesa. "Princess Ashanna, hindi mo pa rin binibigay 'yong number mo." tawag sa kanya ni Dash, ewan ko ba sa lalaking 'to alam naman niya ang nickname ni Ash ay Ash sa buong pangalan pa rin talaga niya tinatawag.
Kagaya ng inaasahan ko hindi siya pinansin ni Ash at lumabas din agad. Nang makitang kong wala na siya tumayo na ako at inayos ang palda ko saka bumalik sa pagkakaupo.
"Iniiwasan ba ako ni Princess Ashanna?" tanong ni Dash na parang pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha.
"Hindi ba halata?" pangbabara ko.
"Tsk! Pwede ko pa rin naman siyang kausapin. Ako na bahala." determined niyang sabi.
Napahinga na lang ako ng malalim. "Ang kulit mo." saka napangiti na may kasamang pang-aasar sa kanya. Knowing, Ash, ewan ko na lang talaga. Good luck.
///
Dash
Kinaumagahan maaga akong nagising at nagready pagtapos ay agad akong nag-abang sa tapat ng apartment ni Princess Ashanna hindi kami nagkausap kahapon dahil iniiwasan niya ako kaya ngayon ako babawi, isa pa hindi ko pa nalalaman ang number niya. Nauna pa yata akong magising kesa sa araw kasi kahit mag-aalas-syete na ng umaga ang dilim pa rin ng langit.
Medyo malamok pala dito sa tapat ng apartment niya, baka mamaya makagat siya ng mga ganito tapos magkasakit diya hindi ko kakayanin. Pinagpursigihan ko na bugawin 'yong mga lamol buti na lang at nabugaw naman. Maya-maya nakita ko ng palabas ng apartment si Princess Ashanna kaya agad akong nag-ayos ng sarili palakad na sana ako palapit sa kanya ng magtama ang mga tingin namin, pakiramdam ko matutunaw talaga ako kada tinitignna niya ako ng ganyan.
Nagsimula na ulit siyang maglakad habang sinusuot ang earphones niya kaya sumalubong na ako sa kanya.
"Good morning, ang aga mo yata ngayon." bati ko.
Tinignan niya lang ako saka bumulong pero narinig ko 'yon.
"Gaano kaya siya katagal naghintay."
"Hindi naman matagal mga 20 minutes pa lang." sagot ko saka ngumiti.
Tumingin siya ulit sa'kin kaya mas lalo akong napangiti.
"Hindi kita kinakausap, pwede ba 'wag na 'kong kausapin?" seryoso niyang sabi sa'kin mata sa mata.
Parang tumigil ang mundo ko dahil sa sinabi niya. Ang ngiti ko nawala at para rin akong pinanghinaan ng loob. Ayaw niya na kausapin ko siya...pero gusto ko siya... hindi ko kaya.