Chapter 3

4588 Words
Dash Mabilis na natapos ang klase namin ngayon at hindi pa rin ako pinapansin ni Princess Ashanna kahit na panay ang pangungulit ko sa kanya. Nagpatulong na rin ako kay Minchi kaso sinaway siya ni Ahra, baka raw malaman ni Princess Ashanna magalit pa sila. "Tara comp shop." aya ni Fren. "G!" "Ge." Sabay naman na sagot ni Aldi at Kier. "Next time na lang ako." sabi ko. "Bakit naman?" tanong ni Kier na nasa tabi ko habang naglalakad palabas ng campus. Dinaan ko si Princess Ashanna kanina sa room niya para sabayan siya umuwi kaso nakauwi na raw sabi ng last teacher nila. "Wala 'ko sa mood, saka iisip ako ng pwedeng gawin para pansinin na ulit ako ni Princess Ashanna." paliwanag ko. "Tsk, mukha kang Princess Ashanna, teka nga may nickname naman 'yong tao roon mo na lang tawagin ang gara pakinggan ng Princess Ashanna." sabi niya kaya agad akong napatingin sa kanya. "Hoy, hindi pwede. Hindi niyo ba talaga magets? Princess siya Prince ako, 'di ba meant to be na meant to be." pagpapaliwanag ko. Pero imbes na kausapin nila 'ko ay napailing na lang sila saka naglakad ulit. Tsk, palibhasa mga walang alam sa babae. /// "Sino 'yan?" "Manliligaw ni Ash." Dinig kong bulungan ng mga kaklase ni Princess Ashanna habang heto ako nakaupo sa mga locker nila. Naisip ko kagabi na hahanarahin ko na lang siya para ibigay niya sa'kin 'yong number niya kaya heto nagdala ako ng guitara buti na lang at buong araw daw na may meeting ang nga teachers namin kaya wala kaming klase. Nakaupo lang si Princess Ashanna sa upuan niya na katabi ng kay Minchi habang nasa harap naman niya si Ahra kaso wala pa ang dalawang 'yon dahil may pinagawa sa kanila ang club nila. Ibig sabihin solong-solo ko si Princess Ashanna ngayon. Sinimulan ko nang tumugtog saka kumanta. Ewan ko na lang talaga kung hindi pa siya mainlove sa ganda ng boses ko. Tuloy-tuloy lang ako sa pagkanta habang siya naman ay naglalaro lang sa cellphone niya. Ayos lang naman 'yon at least nakikinig pa rin siya. Nakikita kong 'yong iba niyang mga kaklase na kinikilig sa ginagawa ko siya kaya gano'n din? Patuloy lang ako sa panghahara sa kanya, buti na lang pala nagdala ako ng pic para hindi masakit sa daliri. Hanggang sa paglabas niya para magpahangin habang naglalaro pa rin sa cellphone niya nakasunod ako, pati sa pagkain niya sa cafeteria nandoon din ako at ngayon naglalakad na naman siya at hindi ko alam kung saan kami papunta hanggang sa tumigil siya at hinarap ako. "Hoy." tawag niya sa'kin. "Baka gusto mo 'ko bigyan ng pahinga?" Natigilan ako sa sinabi niya saka ko napansin na nasa tapat na pala kami ng CR ng girls. Tama naman siya, kaya kumanta ulit ako. "Sabing tumigil e!" sigaw niya saka pinalo ang kamay kong nay hawak sa neck ng gitara kaya nabitawan ko 'yon at pagtingin ko sa guitara ko nabali ang ulo nito sa leeg. "A-aray." daing ko ng maramdaman ko ang pananakit ng kamay kong pinalo niya. "Ayos ka lang? M-masakit ba?" tanong niya. "Okay lang ako." sabi ko habang pinipisil ang kamay ko. "Patingin nga." sabi niya at inabot ang kamay ko. Tinignan ko muna siya saka huminga ng malalim at hinarap sa kanya ang kamay ko. At doon ko pinakita sa kanya ang mga nakasulat sa palad ko na "What's your number?" baliktaran 'yon kaya binaliktad ko rin ang kamay ko. Nakita kong mas lalo siyang nainis sa'kin dahil sa tingin niya pero ang ganda niya pa rin talaga. Hindi nagtagal inirapan ako nito saka siya naglakad paalis. "Tsk, kaasar." bulong ko sa sarili ko. "Kier, ibigay mo sa kanya number ko." dinig kong sabi ni Princess Ashanna kaya agad akong napalingon. Nandito pala silang tatlo? Pero teka... "Okay!" sagot niya kay Princess Ashanna. "Oh, sesend ko na lang sa'yo." sabi naman niya sa'kin saka kinuha ang cellphone niya. "Hoy! Hoy! 'Wag! 'Wag mo i-sesend!" pigil ko sa kanya. "Tsk! Parehas lang naman 'yon kung sa'kin manggagaling o sa kanya." pangungumbinsi ni Kier sa'kin. "Hindi! Magkaiba 'yon!" giit ko. "Parehas lang nga!" giit niya rin. "Hindi nga." hindi ako nagpatalo. "Mag-isip ka nga anong mas gugustuhin mo? 'Yong sinabihan niya ako na isend sa'yo number niya o hindi?" inis niyang sabi. "Dapat marunong ka mag-isip kung kelan dapat mag-give up." dagdag pa niya kaya nagulat ako. "Give up? Ako mag-g-give up? Huh! Asa k---" natigilan ako ng tumunog ang cellphone ko. Agad ko 'yon tinignan. "Nasend ko na." sabay kaway ni Kier ng cellphone niya. "Bahala ka na kung i-s-save mo o hindi." dagdag pa niya saka naglakad paalis kasama si Fren at Aldi. "Kupal na 'to, sabing makukuha ko 'yon ng ako lang e." bulong ko saka naglakad papunta sa ibang way ng dinaan nila. /// "Okay na hijo, pwede mo ng sabihin kung anong mga nararanasan mong sintomas." sabi ng campus doctor. Hindi ko na alam kung saan pupunta kaya nandito na ako sa clinic para magpatingin. Pakiramdam ko hindi na ako normal e. "Doc, hindi ko ma-explain sa salita e." "Gano'n ba? Then express it with your body." utos niya. Napaisip ako sa sinabi niya. Una tinuro ko ang ulo ko, sunod ang dibdib ko na parang nababaliw, tapos saka ko pinasok ang kamay ko sa loob ng jacket ko at parang kagaya sa mga cartoon movies na kapag nakikita nila 'yong gusto nila sobrang lakas at bilis ng t***k ng puso nila gano'n ang ginawa ko at huli ginulo ko ang buhok ko na parang nasisiraan ng ulo. "Your symptoms are much serious as I expected, hijo. Sa tingin ko ang sakit na nararanasan mo ngayon ay..." sabi niya saka nagsulat sa papel na ginagamit ng mga doctor kapag nagbibigay ng reseta. Ewan ko ba kung anong tawag doon. Dahil na curious ako sa kung ano ba talaga ang nararamdaman ko napasilip ako sa sinusulat ni Doc kaso medyo malayo siya kaya 'di ko sobrang makita. Hanggang sa iaabot niya na sa'kin ang pad ng papel na 'yon. "Huwag kang masyadong mabibigla." sabi pa niya kaya agad kong tinigan ang nakasulat doon. "Bullshit disease?" basa ko rito. "Doc? Grabe ka naman kitang may sakit nga e. Ano na hong nangyari sa Hippocratic oath ninyo?" medyo naiinis kong tanong sa kanya. Hindi naman kasi ako nakikipagbiruan dito, seryoso ako. "Hippocratic oath? Alam mo ba kung ano ang Fibbocratic oath?" tanong naman niya sa'kin kaya agad akong napailing. "It says I swear to make unwell the one who fibs about being unwell!" sabi niya saka napatayo kaya ako rin. "Doc, naman pa'no mo 'to nagagawa sa may sakit na estudyante?" angal ko habang umiiwas sa kanya. "Bigyan mo lang po ako ng gamot, okay na." pakiusap ko sa kanya. "Hay, teka sandali." sabi niya saka parang may hinanap sa lamesa niya kaya medyo nakomportable ako. "Here." abot niya sa'kin ng ruler. Nagtaka naman ako. "Ruler?" "Go quickly. Hindi ka pa aalis? Alis na!" paulit-ulit niyang taboy sa'kin hbaang inaambahan na papaluin ng ruler kaya agad akong napatakbo palabas. Tsk! Nakakainis naman. Kahit doctor hindi ko malapitan sa ganito kaseryosong bagay. Naglakad na ako habang chinicheck ang cellphone ko, ang dami ko na pa lang unread messages galing kay Aldi. Nakalimutan ko ngayon nga pala ang sinabi kong ililibre ko siya ng lunch. Habang naglalakad napatigil ako ng makita kong si Princess Ashanna pala ang makakasalubong ko. Babatiin ko sana siya kaso inunahan niya 'ko. "Pwede ba huwag mo na 'kong kausapin?" seryoso niyang sabi. Dahil sinabi niyang huwag ko siyang kausapin ngumiti ako saka nagsign language. Napag-aralan ko 'to noon no'ng elementary ako kaya medyo may naalala pa 'ko. Inaya ko siyang makipagdate sa'kin pero hindi na naman niya ako pinansin at tinalikuran lang saka naglakad palayo sa'kin. Bagsak ang mga balikat na bumalik ako sa room namin at dahil walang teacher sinubsob ko na lang ang mukha ko sa lamesa ko. Napatitig na lang ako sa katabi kong bintana kung kanina maaraw ngayon parang babagsak na ang ulan. Hindi nga ako nagkamali nagsimula ng umulan. Malalaki ang patak nito at malakas din may kasama pa ngang kulog at kidlat. Hinawi ko ang kurtina nito saka humarap sa ibang way. Nang paglingon ko sa kanan ko saan kita ang pintuan nakita kong papasok si Kier sa room ko. "Hoy, umuulan." bungad niya sa'kin. "Alam ko umuulan, parang puso ko." lumbay kong sabi. "Tigilan mo nga 'yang kaartehan mo, walang dalang payong si Princess Ashanna." sabi niya saka tumabi sa'kin. "Ano naman?" tanong ko kaya parang nagulat siya hanggang sa marealize ko ang sinabi niya. "Oh! Tama, pwede kaming magshare sa payong ko." "Tama!" agree naman ni Kier. "Pahiram ako ng payong mo." agad kong sabi sa kanya. "Bakit sa'kin?" taka niyang tanong. "Pupunta ka naman ng comp shop kasama 'yong dalawa 'di ba? Pwede ka na makishare sa kanila." sagot ko at pareho kaming nagulat dalawa ng biglang sumulpot si Aldi at Fren na dala ang mga payong nila. "Fren is with you." "Aldi at your service." Sabi ng dalawa kay Kier kaya natawa kaming dalawa. "Pero teka, pa'no kung may dalang payong 'yong nga kaibigan niya?" tanong ni Aldi na may point. Dahan-dahan akong napatingin kay Kier saka ngumiti. "Huwag mo 'ko tignan ng gan'yan, ayoko." /// Kier "Nakakinis, parang hindi titila 'tong ulan wala pa naman akong dalang payong." dinig kong angal ni Ash habang heto ako nakasubsob sa lamesa ko habang nakapikit. "Share na lang tayo, alam ko naman. na hindi ka nagdadala ng payong kaya nagdala na ako ng para sa'ting tatlo." sabi naman ni Minchi. Iisipin ko na talaga dito kay Minchi member siya ng PAGASA kasi palagi siyang I am ready. "Teka tignan ko nga." sabay kuha ni Minchi sa bag niya kaya napaangat ako ng ulo at umayos ng upo. "Huh? Nasa'n na? Nilagay ko 'yon dito kaninang umaga bago ako umalis." gulat niyang tanong. "Wala kang dala?" tanong naman ni Ahra na may subing lollipop kaya umiling si Minchi. Isa pa 'tong walang alam kundi kumain na 'to kung hindi kakain mangbabatok. Malapit ko na talaga siya patulan isang batok na lang. Nilapag muna ni Ahra ang lollipop na hawak niya saka binuksan ang lalagyanan namin ng mga walis kung sana din siya nakasandal. "Don't worry, may payong akong dala." mayabang niyang sabi. "Ta-d---Huh? Nandito 'yon ahh? Pero wala na?" tanong niya na medyo kalmado pa kaya agad na akong tumayo para lumabas pero hindi ko pa rin naiwasan ang lakas ng boses niya. "Hoy! Sinong kupal ang kumuha ng payong ko dito?!" tanong niya na hinampas pa ang mga locker namin gamit ang isang walis. Ang ingay talaga niya. /// Minchi Hay! Mukhang matagal pa talaga bago tumila 'tong ulan. Nandito na kaming tatlo sa tapat ng gate ng campus kung saan may waiting shed at hinihintay na tumila 'tong ulan kahit na mukha imposible. Alam ko talaga nilagay ko sa bag ko kanina 'yong dalawang payong ko e, kasi feel ko talaga uulan kaso wala. Nasaan na kaya 'yon. Tinignan ko ang dalawa kong kasama. Si Ash, tulala lang habang si Ahra naman hindi mapakali sa bangs niyang hinahangin. "Tawag na ba 'ko ng taxi?" tanong ko sa kanilang dalawa. "Okay lang ako, malapit lang naman 'yong sakayan ng bus dito tatakbuhin ko na lang may hood naman 'tong jacket ko." sabi ni Ash kaya napatango ako. Pinanood kong suotin ni Ash 'yong hood ng jacket niya habang ginagawa namin 'yon napansin kong nakasilip sa gate si Dash sa gate. Anong ginagawa nito d'yan? Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya nagulat siya saka biglang labas sa pagkakatago niya parang may tumulak pa nga yata sa kanya. Naglakad siya papalapit sa'min habang may hawak na payong kaya hinayaan ko na si Ash. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o kakabahan sa mga mangyayari, para kasing scene sa mga k-drama 'yong paglalakad ni Dash papalapit kay Ash hanggang sa makalapit na siya ng tuluyan. "Share na tayo ng pa---" sabi ni Dash pero hindi na niya naituloy ng biglang suungin ni Ash ang ulan at nagtatakbo papalayo sa'min. Aish! Bakit ba umasa pa 'ko sa imagination ko alam ko namang ibang-iba ang mangyayari sa reality. "Hoy, Princess Ashanna!" tawag ni Dash kay Ash saka niya hinabol 'to. Napailing na lang kaming dalawa ni Ahra. "Pabook ka na, mukhang 'di talaga titila e." kalabit sa'kin ni Ahra. "Okay." Habang nagbobook ako ng pwede namin masakyan dalawa napansin namin na parang may tao sa likod namin kaya sabay kaming napalingon ni Ahra roon. Napacross arms na lang kaming dalawa ni Ahra habang pinapanood si Kier na ilapag ang mga payong namin sa sahig. Nang makita niyang nakatingin kami sa kanya para siyang tangang tatawa-tawa na tumayo at maglalakad na sana papalayo pero agad ko siyang pinigilan. "Huh, it's you the umbrella thief." paninindak ko sa kanya. "Bag." sabi ni Ahra sabay abot sa'kin ng bagay niya kaya agad ko 'yon kinuha. Nagready na si Ahra, pinatunog na niya ang mga knuckles niya saka sumuntok sa hangin. "Sinong uuna? Ako o ikaw?" hamon ni Ahra kaya napatawa na naman si Kier. Huh, tignan na lang natin kung makatawa ka pa mamaya. /// Dash "Oy, sandali! Pwede natin 'tong gamitin na payong ko." sabi ko habang hinahabol si Princess Ashanna. "Ayoko nga." giit niya. Kanina pa kami ganito. Basang-basa na siya kahit ako kakahabol sa kanya pero ayaw niya pa rin talaga makishare sa payong na dala ko. "Magkakalagnat ka n'yan." pamimilit ko. "Pakielam mo ba?" inis niyang sabi saka naglakad na naman ng mabilis. Napahinga na lang ako mg malalim. Patience, Dash, patience. /// Kier Para akong nakakita ng stars dahil sa lakas ng suntok ni Ahra na tumama sa ilong ko. Buti na lang nasa likod ko si Fren at Aldi para saluhin ako dahil muntik na talaga 'kong matumba. "Gagi boi, nosebleed." gulat na sabi ni Aldi kaya agad akong napahimas sa ilong ko saka ko nakitang dinudugo nga 'to. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis pero mas nanguna sa'kin ang matawa. "Hoy!" tawag ko kay Ahra nang makita kong sinusukbit na niya ang bag niya. Pinilit ko pa siyang abutin pero pinigilan na ako ni Fren at Aldi tapos medyo nahilo pa 'ko. "Ouch." daing ko habang pilit tumitingala para matigil ang pagdudugo. "Kapag ako napango itataga ko sa bato pupudpurin ang bangs niyang Ahra na 'yan!" inis kong sabi habang pilit na nagpipiglas kay Aldi at Fren. Magkasamang umalis si Minchi at Ahra na parang wala lang. "Hoy! Hoy!" tawag ko pa sa kanila pero wala talaga 'kong magawa kasi nahihilo 'ko. Sa sobrang inis natawa na lang ako, mukha na akong siraulo. /// Dash Dahil basang-basa na rin ako hindi ko na ginamit 'tong payong na hiniram ko kay Kier. Nakasunod pa rin ako kay Princess Ashanna, nauna siyang maglakad pero parang wala lang sa kanya na nauulanan siya. Hindi ko mapigilang mainid kasi nababasa na talaga siya, pa'no kung lagnatin siya? Sa inis ko binato ko na ang payong nahawak ko papunta sa kanya, bumagsak 'yon sa sahig. "Gets ko na, gamitin mo na 'yan. Hindi na kita guguluhin." bulong ko saka siya nilagpasan. Hindi pa ako nakakalayo nang ibato niya sa'kin ang payong na binato ko sa kanya. Nilingon ko siya. "Bakit ko gagagmitin 'yang payong mo? Siraulo ka ba?" sabi niya saka naglakad ulit at nilagpasan ako na parang wala lang. Mabilis kong dinampot ang payong binato ulit 'yon. "Gamitin mo na lang kasi, baka magkalagnat ka." Akala ko okay na kasi dinampot niya na 'yong payong pero mali ako, binato niya 'yon sa'kin pabalik. "Ayoko nga!" sigaw niya at naglakad na naman. Hindi ko na pinagpilitan dinampot ko na lang ang payong saka sumunod sa kanya hanggang sa marating na namin ang apartment niya. Mabilis kaming sumilong dito, inayos niya ang buhok niyang basa na gano'n din ako. "Napakakulit." bulong ko. "Bumulong ka pa e rinig na rinig ko naman, ba't ba sumunod ka pa dito?" tanong niya na halatang naiirita. "Nagpapatila lang ako bakit masama?" "May payong ka naman, ba't 'di mo gamitin?" mata niya sa payong na hawak ko. Inis kong inangat ang payong na hawak ko at pinakita sa kanya ito, pinilit kong buklatin pero ayaw na at bali na rin ang hawakan nito kakabato kanina. "Paulit-ulit ba namang ibato ayan sira na!" sabi ko saka binato ulit ang payong. Nakakainis kay Kier pa naman payong 'yon panigurado pagbabayarin niya 'ko, tsk! "Ano pang hinihintay mo ba't 'di ka pa pumasok?" baling ko sa kanya. Tinignan niya lang ako saka humarap sa sliding glass door na pintuan ng apartment niya. Nakita kong nag-enter siya ng passcode para mabuksan 'to kaso napahinto siya, hindi pala gumagana ito dahil under maintenance. Sunod niyang ginawa ay kinapa niya ang bulsa niya para siguro hanapin ang susi niya pero napatigil na naman siya. "Shit." bulong niya. /// Minchi "Teka." pigil ko kay Ahra sa paglalakad ng may napansin ako sa daan. Out of curiosity nilapitan namin 'yon at nakita namin na wallet pala 'to ni Ash. Dinampot 'yon ni Ahra at ng icheck namin kay Ash nga. "Kay Ash." bulong ni Ahra. "Hala!" /// Dash Mag-iilang minuto na rin kaming nakatayo dito sa labas ng apartment niya pero hindi pa rin tumitila ang ulan, nakikita kong nilalamig na siya gano'n din ako. Hindi siya makapasok dahil wala ang wallet niya na kung saan nakasama ang susi. Pansin kong nanginginig na siya at ang buhok niya bansang-basa pa rin, namumutla na rin siya. Isip Dash, isip...teka may naisip na ako pero ewan bahala na. "Mawalang galang na, kung nilalamig ka na pwede kang magstay muna sa bahay ko at magpatuyo. Para maicharge mo na rin 'yang cellphone mo." mahina kong sabi sa kanya. Alam kong malabo ang sinasabi ko pero para naman sa kanya 'yon kaya sana maisip niya na pumayag. "Baliw ka ba? Bakit ako pupunta sa bahay mo?" gulat niyang tanong. "Sa ganitong sitwasyon malaki ang posibilidad na lagnatin ka kung 'di ka agad matutuyo." paliwanag ko. "Ayos lang ako dito, umalis ka na ginugulo mo lang ako." sabi niya saka umiwas ng tingin. Tsk! Ano pa nga ba. "Talaga. Bahala ka kung magkalagnat ka." sabi ko sa kanya saka sinuot ulit ang hood ng jacket ko at dinampot ang payong ni Kier saka nagtatakbo. Hindi naman malayo ang bahay ko mula sa kanya kaya madali ko lang 'yon mararating, bahala siya d'yan kung ayaw niya siya naman ang lalagnatin. /// Ahra "Grabe ang sarap!" hindi ko talaga mapigilang kiligin habang hawak ang isang stick ng barbeque. "Ang sarap 'no?" tanong sa'kin ni Minchi na katabi ko. I nod. "Super!" Sa sobrang sarap sinubo ko lahat ng barbeque na nasa isang stick. Grabe the best 'to! Hindi pa ako nakakatimik bg ganito kasarap na barbeque as in never. Buti na lang pala kami ni Minchi ang nakapulot ng wallet ni Ash kung hindi walang librebg masarap na barbeque. "Sige lang dahil tinago ko naman ang mga payong niyo ililibre ko kayo hangga't gusto niyo..." sabi ni Kier sa'min kaya agad akong napathumbs up. "Pero kayong mga kupal kayo, anong ginagawa niyo?" tingin niya kela Aldi at Fren na kain din ng kain. "Sinalo ka naman namin kanina no'ng sinuntok ka ni Ahra." napangiti ako sa sinabi ni Aldi. Ahra? That's me! Ang dali lang pala mapanosebleed ni Kier. Okay pala siyang gawing punching bag kahit para siyang tingting na naglalakad. "Oo saka pinayungan ka namin." halos 'di ko na maintindihan ang sinasabi ni Fren sa sobrang puno ng bibig niya kagaya ng sa'kin. "Pero wala akong sinabing ililibre ko kayo." giit ni Kier. Binalewala ko na lang sila at hinarap si Minchi na busy sa pagkain ng ramen. "Huwag na muna kaya natin ibigay 'yong wallet ni Ash? Makakaistorbo lang tayo e." sabi ko. "Huh? Istorbo? Ang alin?" clueless niyang tanong. Napangiti ako saka siya siniko ng mahina habang kinikilig. "Teka..." sabi niya at nag-isip. Mas lalo akong napangiti sa naiisip ko kaya mas lalo rin akong ginanahang kumain. Hindi naman siguro ako magkakabilbil ng 10 na stick ng barbeque 'no? Pa'no kaya kapag 20 na stick? I'm in the middle of my thoughts ng biglang mapatili at hampas sa lamesa si Minchi. Sa sobrang gulat ay napasigaw din ako. "Ano ba?" sabi ko na muntik pang mabilaukan. Kung mamamatay man ako sa bilaok at dahil 'yon sa mga barbeque na nasa harap at bibig ko...masasabi kong mamamatay akong may satisfaction at peaceful. /// Ash Ginaw na ginaw na talaga ako pero wala akong magawa dahil sira ang open system ng apartment namin tapos nahulog ko pa yata sa kung saan ang wallet ko na kasama ang susi. Tsk! Kung minamalas ka nga naman. Buti na lang din at umuwi na ang Dash na 'yon ayokong umaaligid siya sa'kin nakakairita siya. Saka isa pa baka mamaya magkalagnat pa siya kakasunod sa'kin kargo de konsensya ko pa. Bakit naman kasi ngayon pa nasira ang open system nitong apartment na 'to tapos wala pang lumalabas na galing sa loob, tapos hindi ko pa matawagan si Nicole kais lowbatt na 'ko. Lamig na lamig na 'ko, nakakaasar talaga. Dahil wala naman akong magagawa pinilit ko na lang tiisin ang lamig at yakapin ang sarili ko hanggang sa magulat ako ng maramdaman kong may bumalot mula sa likuran ko na jacket. Nang tignan ko 'yon si Dash na naman. Hindi na niya dala ang bag niya pero suot pa rin niya ang jacket niyang basang-basa na rin ng ulan. "Ano? Bakit?" tanong niya nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya saka niya sa'kin inabot ang isang puting towel. "Kunin mo." utos niya kaya kinuha ko naman. "Bakit ka pa bumalik?" tanong ko. "Nag-aalala ako." mahina niyang sagot. "Hindi ba halata? Saka tignan mo oh namumutla ka na. Magkakalagnat ka talaga n'yan." dagdag pa niya. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. "Pa'no ka? Hindi ka ba nilalamig? Wala ka na bang ibang payong sa bahay mo?" Umiling siya. "Oo, wala na. Hindi ko yata naisama sa mga inimpake ko no'ng lumipat ako." sagot niya saka ako tinignan. "Bilisan mo na, patuyuin mo na 'yang buhok mo." Tignan ko lang siya saka binalik sa kanya ang towel na binigay niya sa'kin. Nang kunin niya 'yon agad kong sinuot sa ulo ko ang hood ng jacket na pinatong niya sa'kin. "Tara, punta tayo sa bahay mo." sabi ko saka nagsimula ng lumakad at iniwan siyang nakatayo pa rin sa tapat ng apartment. Hindi pa ako nakakalimang hakbang ng lingunin ko siya at nakatingin lang din siya sa'kin. Halata sa mukha niyang nagulat siya. "Ano? Hindi ka ba susunod?" tanong ko saka kami sabay na napatingin sa glass door ng apartment na nagbukas dahil may lumabas mula rito. Bago 'yong tuluyang magsara ulit agad 'yong pinigilan ni Dash saka ako sinenyasan na pumasok na. Napahinga na lang ako ng malalim saka naglakad papasok. /// Dash Nang makita kong nakapasok na si Princess Ashanna sa loob ng apartment nila inayos ko na ang sarili ko, sinuot ko na ang hood ng jacket ko. Sayang hindi natuloy ang pagpunta niya sa bahay ko pero ayos lang at least ngayon makakapagpatuyo na siya at makakapagpalit. Hahakbang na sana ako para umalis ng magulat ako nang may biglang humila sa'kin mula sa loob ng apartment nila. Si Princess Ashanna ang may gawa no'n at para bang kagaya ng una kong pagkakita sa kanya ay nag slow motion ang lahat ng hilahin niya ako paharap sa kanya. Ang ganda niya talaga, 'yong tiping gugustuhin mong makita sa araw-araw. "Hintayin mo 'ko rito." sabi niya at dahil sa gulat pa rin ako ay hindi ako agad nakapagreact hanggang sa sumakay na siya ng elevator. Nang bumalik na ako sa wisyo parang saka lang din ako nakahinga ng maayos. Grabe talaga epekto niya sa'kin. Ilang minuto rin siyang nagtaga hanggang sa medyo humina na ang ulan sa labas. Nang marinig kong tumunog ang elevator agad akong napatingin doon at nakita kong palabas na siya mula roon bitbit ang isang jacket at payong. "Suotin mo 'to." abot niya sa'kin ng jacket. Kinuha ko 'yon na medyo nag-aalinlangan pa. "Lalabhan ko muna 'yong sa'yo bago ko ibalik." sabi pa niya habang ako heto natulala na naman. "Ano pang hinihintay mo? Suotin mo na 'yan, may 3 seconds ka lang para suotin 'yan." Automatic akong gumalaw at sinuot ang hoodie jacket na binigay niya. Kulay sky blue ito at ng masuot ko 'to akala ko no'ng una hindi magkakasya sa'kin kasi medyo maliit lang siya pero buti naman at saktong-sakto lang sa'kin. Medyo nailang pa ako ng masuot ko 'to habang nakatingin siya sa'kin. Dahil medyo nilalamig na rin talaga ako agad kong pinasok ang kamay ko sa bulsa nito at nagulat ako ng may mahawakan ako roon na medyo mainit-init. Nang kunin ko 'yon palabas nakita ko ang isang choc-o zesto na parang bagong init lang. Teka... hindi kaya medyo natagal siya kasi ininit niya pa 'to? Hindi ko tuloy napigilan ang mapangiti. "Inumin mo 'yan, isa, dalawa, tatlo." utos na naman niya kaya agad kong tinusok ang straw nito sa zesto saka ininum. Natural na choc-o zesto lang 'to pero pakiramdam ko ito na ang pinaka the best na nainum ko sa buong buhay ko. Mabilis kong naubos 'yon at guminhawa ang pakiramdam ko at nawala ng bahagya ang lamig na nararamdaman ko. "Alis na, isa dalawa---" "S-sige." hindi ko na siya pinatapos at nagmadaling humakbang pero tinawag niya ako kaya ako napahinto. "Hoy." nilingon ko siya, inabot niya sa'kin ang payong na hawak niya kaya agad ko 'yong kinuha. "Kapag nilagnat ka papatayin kita." sabi niya at naglakad papasok ng elevator. Hindi na naman ako nakapagsalita hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Ang nagawa ko na lang ay ngumiti at kiligin. /// Nicole Wtf! Nakakairitang ulan 'to. Basang-basa na ang sapatos ko puti pa naman 'to. Tsk! Tapos wala pang bus buti na lang talaga at may payong akong dala. Si ate kaya pa'no nakauwi 'yon? Hindi pa naman mahilig magdala ng payong 'yon. "Hmp! Hay!" dinig kong unat ng isang lalaki na kakalabas lang ng apartment na tinitirhan namin ni ate. Agad akong naglakad ng mabilis para makasilong na ako. Habang tinitiklop ko ang payong na dala ko narinig kong nagsalita ang lalaking nasa may bandang gilid ko. "Grabe ang bango ni Princess Ashanna." sabi nito kaya agad akong napalingon. Gusto kong matawa kasi narinig ko ang pangalan ni ate, bihira ko na lang marining na may tumatawag sa kanya ng gano'n. Pero mas nakuha ng atensyon ko ang suot na jacket ng lalaking 'to parang pamilyar sa'kin pati ang payong na hawak niya kay ate 'yon. Napansin niya yatang nakatingin ako sa kanya kaya napalingon siya sa'kin kaya agad akong naglihis ng tingin at pumasok sa loob mg apartment habang siya naman ay umalis na ang laki ng ngiti. Buti na lang pogi siya kasi kung hindi iisipin kong baka nababaliw na siya. Mabilis akong nakarating sa tinutuluyan namin ni ate at nakita ko siyang nagpapatayo ng buhok sa may sala. "Nakauwi ka na." sabi niya na obvious naman. "Ate, 'yong lalaking nasa baba kaibigan mo ba 'yon?" tanong ko. "Hindi pa ba siya umuuwi?" tanong niya sa'kin pabalik so ibig sabibin kaibigan niya nga. "Umalis na...pero...'yong hoodie na suot niya, bwiset kang babae ka!" hindi ko na napigilan ang mapasigaw dahil tama nga ako ng hinala. Sa'kin ang ang hoodie na 'yon! Mas lalo lang akong nainis ng dilaan lang ako ni ate. Makakaganti rin ako sa'yo, wait ka lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD