Chapter 4

4596 Words
Ash "Hay!" butong hininga ko bago bumangon. Nagising ako kasi feeling ko nauuhaw ako. Kaya kahit tinatamad akong bumangon wala akong nagawa at pikit matang lumakad na lang palabas ng kwarto ko at dumiretso sa kusina. Pagbukas ko ng ref agad na bumungad sa'kin ang isang bottled water kaya inabot ko 'yon at uminom. Habang umiinom ay natigilan ako ng may marealize ako. Napadilat ako at agad na tumingin sa nakabukas na ref at hindi ko napigilan ang sarili kong maibuga ang tubig na iniinum ko ng makita ko ang nakaupong si Dash sa loob nito habang nagpapacute. Walang anu-ano kong sinara ng malakas ang ref at binuksan ulit ng dahan-dahan saka ako nakahinga ng maluwag ng ang nakita ko ay ang mga topper ware na may mga lamang pagkain. Sinara ko na 'yon ulit at naglakad pabalik sa kwarto ko. "Inaantok pa talaga 'ko." bulong ko sa sarili ko. Malapit na ako sa kwarto ko ng magbukas bigla ang TV sa sala at nagsalita ang weather forecaster dito. Nagulat ako kaya agad akong napatingin doon. "Mas mainit na panahon ang naranasan natin kahapon kesa sa mga nagdaang araw. Ngunit asahan na mas dodoble pa ang abnormal na pagtaas ng temperatura ngayong araw." natigil ang pagpapakita sa weather map sa TV at napalitan 'yon ng isang babaeng nakakulay pink at mahabang buhok. "Ang dahilan ng abnormal na pagtaas ng temperatura ay ang nagiinit kong pagmamahal sa'yo." hindi ko napigilan ang sarili kong mapangiwi sa narinig ko at nakita. Saka ko lang na realize na ang hindi pala babae 'yon kung hindi si Dashton. Nagtatakbo na akong pumasok sa kwarto ko at sinara ang pinto. Kailangan ko pang itulog 'to kung anu-anong ng nakikita at naririnig ko. Agad akong lumundag sa kama ko at nagtalukbong ng kumot. "Pagod lang 'to." sabi ko sa sarili ko saka pumikit. Hindi pa ako nakakailang minuto ng mapadilat ulit ako at dahan-dahan na lumingon sa likuran ko. Hindi nga ako nagkamali at nandito na naman siya at napapacute. Sa sobrang gulat ko napabalikwas na lang ako saka ako sinampal ng reyalidad na panaginip lang pala ang lahat. "Anyare sa'yo? Nanaginip ka!" napalingon ako kay Nicole na nasa harap ng lamesa ko kung saan naroon ang mga ginagamit ko sa pag-aayos ng sarili ko. "Anong ginagawa mo rito? Tigilan mo nga 'yang mga gamit ko!" inis kong sabi sa kanya. Gulat siyang napatingin sa'kin. "Wow! Samantalang ikaw pinahiram mo sa iba ang damit ko? Ang galing mo naman." hindi ako nakaimik doon. "Teka, nice one 'te. Ang ganda ng spot ng pimples mo ahh, marunong pumili ng magandang location." pang-aasar niya saka tinuro ang noo ko saka lumabas ng kwarto ko dala ang blower ko. Hindi ako umangal at nagmadali na lang na humarap sa salamin. "Tsk! Ba't sa noo pa?" /// Minchi "Nakaisip na ba kayo ng susuotin sa retreat?" tanong ko kay Ash at Ahra na kasama kong naglalakad papasok. "Retreat?" tanong ni Ash kaya tumango ako. "Hindi ba P.E uniform lang susuotin natin doon?" "Oo, pero ang ibig kong sabihin is 'yong papunta doon." paliwanag ko. "Pero syempre kahit sa P.E uniform natin kailangan mukha tayong maayos." dagdag ko pa. "Posible ba 'yan sa P.E uniform natin?" natatawang sabi ni Ash kaya napaisip din ako ng biglang huminto si Ahra at kinagat ang stick ng hotdog na kanina pa niya kinakain. Nag-snap siya ng kamay sa harap namin ni Ash saka pumalakpak ng isang beses, hinatak ang kwelyo ng suot niyang jacket at zinipper ito patatas. "Itabi niyo ako na 'yan." proud niyang sabi at nagflip hair pa. Natawa na lang kaming dalawa ni Ash nang marinig namin ang pagtawag sa pangalan niya at kahit hindi pa namin 'yon lingunin tatlo kilala na namin kung sino siya---si Dash. "Princess Ashanna!" tawag niya kay Ash. Ako na lang talaga ang na-c-cringe kada maririnig ko ang pagtawag niya sa buong pangalan ni Ash. "Hello!" bati ni Dash kay Ash nang makarating na siya sa kung nasaan kami at ako naman ang nilingon niya. "Hi." bati niya sa'kin. "Hi." balik kong ngiti. Nilingon ulit ni Dash si Ash. "Napanaginipan kita kagabi." ngiti ni Dash. "Hindi ko tinanong." mabilis namang pangbabara ni Ash. Natawa na lang ako mg mahina. "Sabihin ko ba sa'yo kung anong panaginip 'yon? 'Di ka ba curious?" tanong naman ni Dash. "Seryoso, wala akong balak alamin." giit ni Ash. "Gano'n? Edi sasarilihin ko na lang 'yon." nguso ni Dash. "Anyways, napasaya ako ng panaginip na 'yon. Thank you, balik ka ulit sa panaginip ko mamaya, ahh." dagdag pa niya habang nagsisimula na kaming maglakad papasok ng Academy. "Edi bigyan mo 'ko ng appearance fee." sabi ni Ash. Napaisip si Dash. "Appearance fee? Okay, meron ako n'yan." sabay kalkal ni Dash sa bulsa ng bag niya at may nilabas na kung ano. "Tada! Palagi sa'kin 'tong binibigay ni mama sabi niya effective raw 'to pang alis ng acne." napahinto kaming lahat dahil pagpapaliwanag ni Dash sa hawak niyang powdered candy. Kinuha 'yon ni Ash mula sa kanya at binuksan habang nagsisimula na ulit kaming maglakad. Habang naglalakad kami ay hindi nakaligtas sa mga mata ko ang tingin ni Ahra sa hawak ni Ash. May natipuhan na naman siyang ilalaman sa dragon na nasa tiyan niya, lahat na lang talaga. "Buti na lang pala at dinala ko 'yan malaking tulong 'yan sa acne mo, expected ko na talaga 'to kaya masasabi kong meant to b---" hindi na naituloy ni Dash ang sasabihin niya ng mapalingin siya kay Ash at Ahra. Natawa na lang ako sa nakita ko. Nakahalf bending si Ahra habang si Ash naman ay nilalagay sa bibig ni Ahra ang binigay ni Dash. Kitang-kita ko ang disappointment sa mukha ni Dash dahil doon. Hindi pa rin niya talaga yata alam na hindi mahilig si Ash sa matatamis. Matapos mailagay ni Ash lahat ng powdered candy sa bibig ni Ahra ay parang bata namang napatalon pa siyang napatalon sa tuwa dahil sa sarap nito---well lahat naman para sa kanya ay masarap. "Oy!" tanging nasabi ni Dash. "Gusto 'to ni Ahra, magdala ka ulit sa susunod." ngiti ni Ash. "Pero para sa'yo 'yon." nguso na naman ni Dash at nagsimula na ulit silang maglakad tatlo habang ako naman ay naiwan habang pinapanood si Ash at Dash. Napangiti na lang ako sa naiisip ko. I guess may improvement naman ang pagtatyaga ni Dash...sana. /// "Ash, may nangyari ba no'ng nakaraang araw na maulan?" tanong kong may pang-aasar kay Ash ng makaupo na kami sa mga upuan namin ng makarating na kami sa room namin. Nilingon niya ako. "Pinagsasabi mo?" Mas lalo akong napangiti ng nakakaloko at hinampas pa siya ng mahina sa braso. "Sinasabi ko lang naman is ikaw at si Dash mukhang medyo nag-iba na kayo nitong mga nakaraang araw." "Tama, pansin ko parang bumait ka na sa kanya." singit naman ni Ahra na ngumunguya ng biscuit na binili niya kanina sa cafeteria. "Sabay lang kaming naglalakad, mabait na ako sa kanya no'n?" takang tanong naman ni Ash kay Ahra. "No'ng mga nakaraan hindi mo siya pinapansin, you're ignoring him. Pero ngayon nagreresponse ka na sa mga sinasabi niya kahit walang kwenta 'yon." giit ni Ahra. "I'm not responding to it, but retorting." jeez! Napaenglish na si Ash halatang naiinis na siya kaya bago pa siya tuluyang mainis ay ako naman ang nagsalita. "Ahh! So 0 out of 10 ilang percentage 'yong chance na papayag kang makipagdat kay Dash?" tanong ko. "Zero." mabilis niyang sagot dahilan para agad akong mapasuntok ng mahina sa braso niya dahil sa tuwa. "What the? Sabi ko zero." gulat na napalingon siya sa'kin. "Ibig ko kasing sabihin palagi kang nagsisimula sa -10 so best choice ang 0." taas-taas kilay kong sabi at mas lalo pang natawa. "Kapag nagpatuloy kayo ng ganito I think sunod na nito is mag-d-date na kayo." singit ulit ni Ahra na puno ang bibig. "Itigil niyo nga 'yang pag-t-topic kay Dashton. Hindi ko kayo magets bakit ba pilit niyo kaming pinag-p-pair?" ismid ni Ash. Napanguso ako ng sa'kin siya unang lumingon. "Ano...ang cute niyo lang tignan kapag magkasam kayo." pagrarason ko. "Tingin ko wala namang masama kung makikisama ako sa kanya ramdam ko naman na hindi siya masama." agad akong napalingon kay Ash ng sabihin niya 'yon. "So kung gano'n ibig sabihin there's at least small chance na makipagdate ka sa k---" hindi ko na naituloy ng biglang takpan ni Ahra ang bibig ko. "Shh. May dagang nakikinig." bulong ni Ahra sa'min ni Ash tsaka nilingon si Kier na nakayuko sa desk niyang nasa kabilang side ko lang. Sabay kaming napalingon ni Ash doon at saka ko lang din narealize na nandito na pala siya sa room namin. "Hoy, Kier, gising ka o gising ka?" seryosong tanong ni Ash sa kanya. Ilang seconds din kaming naghintay ng sagot niya pero wala kaming kahit anong narinig instead dahan-dahan niyang inangat ang ulo niya pero hindi pa rin niya inaalis ang pagkakaunan ng ulo niya sa kamay niya. Hanggang sa tuluyan na nga siyang nakatayo at naglakad palabas ng room namin. Naiwan kaming tatlong nakatingin sa kanya hanggang sa nakalayo na siya. Tsk, feeling pa-mysterious talaga ang isang 'yon. /// Kier "Anong kalokohan 'tong ginagawa nila?" bulong ko sa sarili ko nang makita ko si Dash at Aldi na sumasayaw sa harapan ni Fren. Pinatitinginan na nga sila ng iba pa naming schoolmates dahil dito pa talaga sila sa gitna ng court nagkakalat. "Tignan mo 'yang dalawa balak sumali sa talent show sa retreat natin." sabay halakhak ni Fren habang turo-turo si Dash at Aldi na panay ang hataw sa kantang Fever ng kung hindi ako nagkakamali ENHYPEN ang kumanta no'n. "Mga kawawang nilalang." iling kong sabi sa dalawa saka tumabi kay Fren at kinuha mula sa bulsa ko ang kanina pang nagv-vibrate kong cellphone. May nag-invite na naman yata sa'kin na mag-ml. "Kawawa? Gagamitin ko ang retreat para ipakita kay Princess Ashanna kung anong merong talent ako 'no." pangungumbinsi ni Dash sa'kin pero kahit anong sabihin niya walang makakapagbagong kawawang nilalang talaga siya. "Idadaan mo sa sayaw ang panliligaw mo? Isa pa magmumukha lang kayong ewan ni Aldi sa stage kung kayong dalawa lang ang sasayaw." sabi ko habang panay ang dutdot ko sa cellphone ko. Nag-umpisa na akong makipagbakbak sa mga wala namang binatbat sa'kin. "Huh? Tatlo kaya kami." giit ni Dash. "1, 2, 3." no'ng una hindi ko 'yon pinansin dahil tutok ako sa laro ko pero ng maramdaman kong lahat sila nakatingin sa'kin ay agad akong napahinto at isa-isa silang tinignan saka ko nakitang nakaturo sa'kin si Dash kaya napaturo na rin ako sa sarili ko kaya agad siyang tumango. "Baliw ka ba? Bakit naman ako sasali d'yan?" natawa pa ako dahil 'di ko maisip na sasayaw ako sa harap ng maraming tao. "Isa pa paniguradong isusumpa ako ng mga kaklase ko kapag sainyo ako sumali at hindi sa kanila." dagdag ko. Tinignan ako ni Dash saka umiling-iling. "Tsk, kung ikaw ang Kier na kilala ko paniguradong tutulungan mo 'ko. Magkaibigan tayo 'di ba?" Binalik ko na lang ang tingin ko cellphone ko at nagsimula na ulit maglaro. "Magkaibigan lang naman tayo kapag may kailangan ka." sabi ko. Hindi siya nagsalita pa at buntong hininga niya lang ang narinig ko hanggang sa magsalita na naman siya. Hay! Ang kulit niya talaga. "Ito ba 'yong kapag may kailangan lang ako tayo magkaibigan?" tanong niya pero hindi ko pa rin siya pinapansin. "Hoy, gagi!" nagulat naman ako ng biglang napatayo si Fren kaya agad akong napatingin kay Dash at kagaya ng naging reaction ni Fren agad din akong napatayo sa nakita ko. Matamang nakatingin sa'kin si Dash sabay ngiti kaya napangiti na rin ako at napaturo pa sa hawak niya saka natawa kaya natawa rin siya. "Grabe wala talaga akong balak sumayaw pero..." sabi ko saka pinag-alon ang mga braso ko na para bang sumasayaw na rin. "Para sa kaibigan." tango ko kay Dash sabay abot sa hawak ni Dash. "What the?" hindi naman makapaniwalang sabi ni Fren. Kukunin ko na sana ang hawak ni Dash pero ang kumag pinag-alon din ang mga braso niya saka tinapat sa'kin ang cellphone niya. "Hindi ko 'to pwedeng basta lang ibigay sa'yo. Video-han muna kita para may proof ako." sabi ni Dash na nagpatigil sa'kin at nagpaalis ng ngiti ko. "Mag-promise ka muna na sasali ka sa talent show." "Hoy, kailangan ko pa ba talagang gawin 'yan? Seryoso sa'ting dalawa pa talaga?" hindi ko makapaniwalang tanong pero winasiwas niya lang sa ere ang hawak niyang ear pods kaya wala na akong ibang choice. Para sa ear pods na limited edition pagbibigyan ko ang kumah 'to. Masama tingin ang binato ko sa kanya saka tumalikod at agad din siyang nilingon nang nakangiti at nakataas ang kanang kamay palad na parang nagpapanatang makabayan. "I, Kier Wil Luis, promising to join the talent show with Dash." sabi ko. "Happy?" tanong ko sa kanya pero mukhang hindi pa siya satisfied doon. "Hmm...baka may gusto ka pang idagdag?" tanong niya. "Ako na lang nga gagamit nit---" Aish! "Oo na, oo na! Itataas ko rank mo sa ML." inis kong sabi. "Baliw ka ba? Ang daya naman no'n!" protesta ni Fren pero binalewala ko na lang 'yon. "Madaya ka rin naman ahh, gumagamit ka nga ng cheating apps para mapataas mo rank mo." singit naman ni Aldi kaya natahimik na lang si Fren. "Okay, heto na." balik kong tingin kay Dash ng iaabot na niya sa'kin ang nakabox pang ear pods. Nang mahawakan ko 'yon hindi ko talaga napigilang matawa. Mabilis akong bumalik sa tabi ni Fren at binuksan ang box nito. "Alam mo true friend ka talaga, alam mo kung kailan magsasayang ng pera, e." sabi ko saka binuksan ang pinakalagayan ng ear pods at halos humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko dahil sa nakita ko. Tig-dalawang pirasong mani ang nakalagay dito. Wala ni kahit anong bakas ng ear pods na gusto ko. Ilang sandali pa narinig ko na ang mga nakakairitang tawanan ng tatlong kumag na kasama ko. "Sa bahay practice natin mamaya." sabi ni Dash. Sinara ko ang lagayan ng ear pods na 'yon at nilapag sa bench. "Bakit sa bahay niyo pa? Dito na tayo mag-practice, kupal ka." seryoso kong sabi saka tumayo at paikot na sinipa si Dash sa mukha. /// Ash Minchi: Ano sa tingin niyo rito? Kita kong chat ni Minchi saka nasundan ng picture ng jacket niyang isang beses ko pa lang yatang nakita na sinuot niya. Mabilis akong nagtype ng isasagot sa kanya. Me: Parang ang init n'yan sa pakiramdam kapag 'yan ang sinuot mo sa retreat. Chat ko saka ulit tinignan ang jacket na 'yon. Leather jacket 'yon kaya masasabi kong ang init no'n sa pakiramdam lalo na't tanghali raw kami makakarating sa location ng retreat. Ahra: What about this one naman? Biglang chat ni Ahra na nasundan ng uniform niyang pang taekwondo kaya agad akong natawa. Habang si Minchi naman ay agad na napachat na baliw daw si Ahra. Me: Competition ba'to ng best in outfit? Chat ko habang tumatawa sa kalokohan ni Ahra. Minchi: Ash, ikaw anong susuotin mo? Tanong ni Minchi. Me: I dunno. Bahala na kung anong matipuhan kong suotin sa mismong araw ng retreat. Agad kong reply. Minchi: Eh? Tingin ka na d'yan dali ta's send mo rito. Utos niya kaya wala na akong nagawa. Tumayo ako at agad na chineck ang closet ko. Isa-isa kong tinignan ang mga jacket na nakasampay dito at nakuha ng isang hindi pamilyar sa'kin na jacket na itim ang atensyon ko. Pilit kong inalala kung kanino 'to saka nagsink in sa'kin na kay Dash 'to nang maalala kong ito 'yong pinahiram niya sa'kin no'ng nakaraang araw na maulan. "Tsk. Muntik ko ng makalimutan 'to, ahh." Agad ko 'yong kinuha at tinanggal sa pagkakahanger saka nilagay sa isang paper bag. Pagtapos agad akong lumabas ng kwarto ko at naabutan kong nanonood ng TV si Nicole na panay ang tawa. Nasa tapat na ako ng pinto ng may marealize ako at mapahinto. Hindi kaya kung ano na namang isipin ni Dashton kapag binigay ko 'to sa kanya? Ang OA pa naman niya kung magreact. Mamaya isipin pa niya na binibigay ko 'to pati na rin ang sarili ko tapos bigla niya akong ayain ng kasal! Aish! Bumalik ako sa huwisyo dahil sa lakas ng tawa ni Nicole kaya napalingon ako sa kanya at nakaisip ako ng magandang idea. "Hoy, Nicole." tawag ko sa kanya. "Bakit?" tanong niya na hindi pa rin inaalis ang tingin sa TV. Tinignan ko lang siya at alam kong nakuha niya 'yon dahil napatingin na rin siya sa'kin. "Bakit ba?" /// Dash "'Yan gan'yan nga." "Sige pa, medyo i-bend mo pa." Instructions ko habang tuloy-tuloy kami ni sa pagsasayaw. Fever ng ENHYPEN ang sasayawin namin dahil nakita kong trend ito ngayon. Tuloy-tuloy lang kami sa pag-p-practice ng mapansin ko si Kier na nakaupo lang sa kama ko at panay ang laro ng ML. Huminto na muna ako sa pagsasayaw at tinapik ko sa braso si Aldi para patigilin muna siya saka ko pinatay ang tugtog na nakaconnect sa bluetooth speaker ko. "Oy, ano ba 'yang ginagawa mo? Kailangan nating mag-practice." tawag ko kay Kier. "Ten minutes break." mabilis niyang sabi. "Nagbreak na tayo kaninang mga ten minutes ago." giit ko. "Huwag ngayon Dashton, pakiramdam ko sinaksak ako ng isang kaibigan patalikod." poker face na sabi ni Kier saka ako nilingon. Natigilan ako dahil doon. Dinidibdib niya pa rin pala ang tungkol sa ear pods. "Tama na 'yan tulungan mo na lang ako. Sobrang importante nito sa'kin." sabi ko saka lumapit sa kanya na panay pa rin ang laro ng ML. "Hindi lang naman ako sasayaw, kakanta rin ako ng confession song pagtapos natin sumayaw." paliwanag ko at mukhang nakuha no'n ang atensyon ni Kier. "Nasisiraan ka na ba?" takang tanong ni Kier. "Kapag ginagawa mo 'yan ngayon sinasabi ko sa'yo iba magiging effect n'yan. 'Yong mga gan'yang event para lang 'yan sa sure na may makukuhang sagot hindi kagaya sa sitwasyon niyo ni Ash, baliw ka." mahabang sabi ni Kier na bumango na mula sa higaan ko at dumiretso sa ref para kumuha ng soda. "Sa tingin ko rin..." sang-ayon naman ni Aldi. "Exactly. Kaso 'tong kumag na 'to mali-mali sa timing e, kahit no'ng una pa lang." singit din ni Fren. Natawa na lang ako sa mga pinagsasabi nila. "Tsk! Tsk! Wala man lang kayong alam kung anong nangyari sa'min ni Princess Ashanna no'ng nakaraang araw na maulan, hay!" ngisi ko. "Ramdam ko nagugustuhan na rin ako ni Princess Ashanna, kaya 'yang mga sinasabi niyo wala 'yan." "Hoy, kakasabi lang ni Ash kanina ng papiliin siya ni Minchi sa 0 out of 10 kung ilang percent ang chance na makipagdate siya sa'yo ang sagot niya 0." pangbabasag ni Kier sa maganda kong mood. Kaya ako heto parang natameme at nawalan ng gana sa lahat ng bagay dahil doon. "Anong ibig mong sabihin?" "Hindi ko na dapat sasabihin sa'yo 'to kasi alam ko ma-d-disappoint ka lang pero narinig ko sila Minchi kanina habang nagkwkwentuhan sila pinapaamin nila si Ash sa feelings niya sa'yo, at 'yon nga 0 out of 10, 0 ang sagot niya." paliwanag pa ni Kier na mas lalo kong kinalumbay. "A-ano...syempre sasabihin niya 'yon kasi tinatago niya pa 'yong feelings niya para sa'kin sa mga kaibigan niya." pangungumbinsi ko sa kanila. "Tanga..." dinig kong bulong ni Kier habang si Fren at Aldi naman ay nagkatinginan na lang. Sandaling naging tahimik ang buong bahay ko hanggang sa tumunog ang cellphone ko. Agad ko 'yong tinignan at hindi ko napigilang mapangiti dahil sa nakita ko. Si Princess Ashanna nagchat sabi niya lumabas daw ako. "Oh, nagchat si Princess Ashanna, sabi niya lumabas daw ako." sabi ko saka pinakita sa kanila isa-isa ang chat niya sa'kin. "Pa'no ba 'yan nagmumukha na naman akong mayabang nito. Ayan ba 'yong 0? Huh?" dagdag ko habang natatawa sa istura ng tatlong kumag na halatang nagulat. Matapos 'yon ay binulsa ko na ang cellphone ko at dumiretso palabas ng apartment ko. Mabilis akong bumaba ng hagdan at paglabas ko ng gate isang babaeng hindi ko kilala ang nadatnan ko roon. Hindi ko lang siya pinansin at naghintay na lang kay Princess Ashanna kaso tingin ng tingin sa'kin 'yong babae kaya napapatingin din ako sa kanya. Nakita kong tinanggal niya ang talo ng buhok niya saka ako nilapitan. "Kuya, ikaw ba si Dashton?" tanong niya. "H-huh? Oo pero sino..." hindi na niya ako pinatuloy. "Kapatid ko si Asha---" putol niya sa sarili niya. "Ahh, bunso akong kapatid ni ate Ash, sabi niya ibigay ko raw sa'yo 'to." sabi niya saka inabot sa'kin ang isang paper bag. Inabot ko 'yon at tinignan kung anong laman nakita ko rito ang jacket ko na pinahiram ko sa kanya no'ng nakaraang araw. "Ahh...ito." "Wala ka po bang ibibigay sa'kin?" tanong niya kaya naalala ko naman ang hoodie na pinahiram ng ate niya sa'kin. Agad akong bumalik sa loob ng apartment at bumungad sa'kin ang tatlong kumag. "Anong sabi niya? Niyaya ka ba niyang makipagdate?" bungad ni Aldi. "Nakita mo si Ash, pero ba't ka nakasimangot d'yan?" tanong naman ni Kier. "Gan'yan talaga magiging reaction niya kung ang ineexpect niya is si Ash, pero ang nakita niya is 'yong kapatid nito." singit ni Fren kaya agad akong napatingin sa kanya. " Nakita ko 'yan sa vision ko." ngiti pa ni Fren na sinundan ng nakakaasar na pagtawa ni Kier at Aldi. Mas lalo akong nainis kaya isa-isa ko silang tinignan at ang mga sapatos nilang nasa sahig. Unang kong nakita ang pares ng sapatos ni Kier, sunod ang kay Fren at ng sunod ay kay Aldi pero isang sapatos lang niya ang nandon. Agad akong napatingin sa paa niya at kagaya ng inaasahan ko suot niya 'yon at mukhang nakalimutan niyang tanggalin dahil sa pagmamadali. "Alam niyo ang napaka niyo... privacy naman." inis kong sabi at tuluyan ng pumasok at kinuha sa cabinet ko ang hoodie ni Princess Ashanna at nilagay 'yon sa paper bag at lumabas ulit. "Pakisabi sa ate mo salamat, nagamit ko 'yan ng maayos." sabi ko habang inaabot ang paper bag. Inabot niya 'yon. "Sa'kin po 'to." sabi niya kaya natigilan na naman ako. Aish. Puro disappointments ako ngayong araw ahh. /// Ash "'Te, dito na 'ko!" sigaw ni Nicole habang papasok sa kwarto ko habang naglalaro ako ng COD. Nilingon ko siya at nilapag niya sa tabi ko ang isang paper bag. "Bayad." sabay pakita niya sa'kin ng palad niya. Agad kong kinuha sa bulsa ko ang 200 pesos saka inabot sa kanya. Para talagang ibang tao kailangan may bayad, kainis. "'Te, kaibigan mo lang talaga ba 'yon? 'Yong totoo?" tanong niya. "Pinagsasabi mo?" pagbabalewala ko sa kanya. "Ngayon ka lang nagpahiram ng damit sa isang lalaki, so ano nga?" pangungulit niya pa. "Kung ano man 'yang iniisip mo hindi 'yon gano'n." sabi ko. "Talaga? Pero halata naman na may gusto siya sa'yo." aniya. Agad ko siyang tinignan. "Sinabi niya ba sa'yo?" "Nah." ngiti niya. "Pero tignan mo 'to. I mean, bakit kailangan pa niya ilagay sa box 'tong hiniram niya sa'yo...nakakatawa lang." sabi pa niya saka tumawa ng tumawa. "Wait... 'te, amuyin mo ang bango oh. Grabe, iba na 'to 'te." hindi makapaniwala niyang dagdag. Sinamaan ko siya ng tingin. "Gagi 'te, nakakakilig pati ako kinikilig!" sabay yakap niya sa box ng hoodie. "Edi i-date mo siya." walang gana kong sabi na nagpatigil sa kanya. "Kawawang Dash. Bakit ba siya nagkagusto sa isang Princess Ashanna?" disappointed na sabi ni Nicole habang binabalik sa paper bag ang box ng hoodie kaya nawalan na talaga ako ng gana maglaro. /// "Akin na dali!" sabi ni Ahra sabay kuha sa mga maleta namin ni Minchi at pinasok niya 'yon sa lagayan ng mga bagahe sa bus. "Princess Ashanna!" Hay! Ayan na naman siya. Nilingon ko siya at nagulat ako ng may ibato siya buti na lang agad kong nasalo 'yon. Tinignan ko 'yon at peanuts 'yon na nakalagay sa canister. "Kainin mo 'yan habang nasa bus ka kapag nabored ka, okay 'yan para sa acne." sabi niya nagulat naman ako ng biglang kunin 'yon ni Ahra sa kamay ko. "Wow, napakathoughtful mo naman!" tuwang-tuwa sabi ni Ahra na niyakap pa ang binigay ni Dashton. "Para kay Princess Ashanna 'yan." ngiti ni Dashton sa kanya kaya agad 'yon sa'kin binalik ni Ahra na halatang nainis. "Tsk, kainis. Tara na nga, Minchi." tawag ni Ahra kay Minchi saka nauna na silang umakyat sa bus kaya sumunod na rin ako. Nang makasakay na kami sa bus saka lang din umalis si Dash at pumunta na sa bus ng section nila. Naging mabilis lang ang byahe namin dahil hindi gaanong matraffic at linggo pa. Puro puno ang mga nadadaanan namin kaya ang refreshing nito tignan. "Ash, smile." sabi ni Minchi sakay tinutok sa'kin ang camera niya. Ngumiti ako ng kaonti at lumingon ulit sa labas ng bintana. Kaming dalawa ni Minchi ang magkatabi habang si Ahra naman ay si Kier ang katabi kaya panay ang bangayan nila sa likod naming dalawa ni Minchi. "Ayusin niyo na ang mga gamit niyo malapit na tayo location." announce ni Sir. Manbait kay agad na inayos ng mga kaklase ko ang mga gamit nila. Ilang minutes pa nga ay nakababa na kami sa bus at pinapila kami sa gitna ng field per section. "Everyone put your hands on your heads!" nagulat ako ng biglang sumigaw ang isa sa mga instructors kaya sinunod ko na lang 'yon. "Close your eyes!" sigaw pa niya kaya pumikit na lang ako. "I ask all the students hiding forbidden objects to reveal them now, voluntarily." sabi niya. "If they're found after investigating your belongings, there will of course be a penalty points but also an excruciating physical training." paliwanag pa niya. "Alright, at ease!" sigaw ulit niya kaya inalis ko na ang kamay ko sa ulo at dumilat. Sigaw siya ng sigaw hindi ba siya naririndi? Nang makadilat na kaming lahat nagsilapitan na sa'min ang mga advisers namin at isa-isanh chineck ang mga maleta namin. Tapos nang i-check ang maleta ko pati kay Ahra at Minchi. Napansin kong natagalan na i-check ni Sir ang maleta ni Fren at ng buksan niya ang isang canister ng chips at itapon ang laman no'n sa lupa ay tumambad ang maraming stick ng sigarilyo. "Sigarilyo? Bakit ang dami nito? Ano ka operator ng sigarilyo?" tanong ni Sir sabay amba na ipapalo niya ang canister kay Fren. Binalik ko na lang ang atensyon ko sa pag-aayos ng gamit ko isasara ko na sana 'to kaso napansin kong parang may kulang. "Hay! Hindi ko pala nadala." bulong ko. "Alin?" tanong ni Ahra na may subong lollipop. "Cleansing foam." sagot ko. "Gamitin mo na lang 'yong sa'kin. Gumagamit din ako ng hypo-allergenic." sabay pakita naman sa'kin ni Minchi sa cleansing foam niya. "Sensitive balat ko e, lalo na kapag may tagyawat. Isang product lang pwede kong gamitin sa mga ganitong panahon." giit ko. Tsk! Bahala na nga. /// "Anong trip ni Sir. Manbait? Halos lahat nagpapahinga na habang tayo heto kakarating lang dito, kairita." angal ni Ada. "Dinner time na hay, pipila na naman tayo sa initan." angal din ni Minchi. "All students are to stand out in the hallways against the wall. We will take the attendance." dinig naming announce mula sa labas kaya sabay-sabay kaming napabuntong hininga na lang. Ano na naman bang meron? "Attendance na naman? Kakaattendance lang ahh!" angal na naman ni Minchi. "Apparently may nawawalang estudyante!" bungad ng bagong dating lang na si Ahra. "Nawawala?" tanong ko. "Mmm, tingin ko si Dash, 'yon. Kasi hinahanap siya sa'kin ni Kier kanina." sagot ni Ahra na nagpatayo sa'kin. "Si Dashton, nawawala?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD