Minchi Napagdesisyonan namin pumunta ng karaoke bar pagkatapos ng event sa academy kaya heto pinapanood namin si Ahra na panay ang kanta at sayaw na para bang wala siyang kapaguran. Maya-maya tumigil na rin siya at agad na lumapit sa lamesa naming puno ng pagkain kinuha niya ang isang canned coke pero natigilan siya. "Sino?" tanong niya habang pinapakita sa amin ang canned coke na wala ng laman. Maya-maya biglang tumawa si Kier na busy ss cellphone niya. "Sa'yo pala 'yan. Sorry." sabi niya habang tumatawa at inabot kay araw ang isang canned juice naman. "Oh, ayan na lang sa'yo." Agad 'yong kinuha ni Ahra nang akmang iinom na siya natigilan siya at muntik ng ihampas kay Kier ang latang 'yon. "Walang lamang 'to!" parang pusang angil ni Ahra kay Kier kaya natawa na naman siya. "Bibilhi

