Jessa Zarossa’s POV Bigla akong kinabahan para kay Levi dahil isa ito sa mga nambugbog kay Gilbert. Paano kung si Levi naman ang ipabugbog ng mga Fuentebella? Mas lalo akong na-stress na pakiramdam ko ay puno’t dulo ako ng gulo. Lalo yata na magiging malala ang hidwaan ng dalawang pamilya dahil sa akin. Hindi na lang tungkol sa business ang labanan ng Del Fiero versus Fuentebella, naging personal na rin. Pero bakit ko pa ba kailangan na stress-in ang sarili ko? Wala naman na akong kinalaman sa dalawang pamilya. Tapos na ang pagkukunwari namin ni Levi at hindi na rin ako dapat ma-involve sa kung anong war ang meron sa dalawang pamilya. Basta ang alam ko lang ay may utang na loob ako kay Gilbert Fuentebella dahil sa pagtatanggol nito sa akin. Kailangan ko lang siguro na dalawain ito hangg

