Jessa Zarossa’s POV “In my mom and dad’s mansion,” sabi ni Levi na agad na nagpalaki ng mata ko at nagpabuka nang husto sa bibig ko. “Anong ginagawa ko dito?” tanong ko nang makabawi mula sa pagkabigla. Mahirap talagang tutulog tulog sa byahe eh. “And who gave you the permission na dalhin ako kung saan mo gusto?” Hindi ko na maiwasang itaas ang boses ko. Parang kahit kakukuha lang sa akin ng dugo ay bigla yata akong na-highblood. Nabawasan na nga ang pagkahilo ko pero pasasakitin naman ng lalaking kasama ko ang ulo ko. “Hey,” narinig kong sambit ni Levi. Parang bigla itong nag-worry sa nakitang reaksyon ko. Pero binalewala ko si Levi. May sinabi pa ito at hindi ko na inintindi dahil hawak ko na ang seatbelt at hindi magkanda-ugaga kung paano iyon buksan dahil naunahan na ako ng taran

