Jessa Zarossa’s POV "What the hell!" sa utak ko ay napapasigaw na ako. Levi wants me to wear this kind of swimming wear? Bigla akong na-shock sa itsura no’n dahil sobrang sexy at ‘yung kulay ay matingkad pa na red at sigurado na ma-enhance ang kutis ko. Agad kong ibinalik sa paperbag ang swimsuit at inilapag sa kama. Napahawak ako sa dalawang pisngi ko na nag-iinit na. Napatayo na lang ako sabay punta sa bag ko kung saan naroon ang mga damit at matapos ay nilagay ko sa kama at tiningnan kung ano ang magandang isuot. ‘Yung kumportable ako! May dala naman akong beach shorts na pwedeng suotin, tapos mga t-shirts. Hindi ko alam kung ilang minuto ako naghahanap ng maisusuot nang bigla naman na narinig ko ang pagbukas ng pinto sa bathroom kaya lumingon ako roon. Si Levi na nakalabas na. Ugh!

