Jessa Zarossa’s POV “Levi!?” Tawag ko sa kawalan pero hindi ko alam kung nasaan na nagpunta ang lalaking ‘yun. Tumawag muli ako pero walang bakas ni Levi sa paligid. Bigla tuloy akong kinabahan na iniwan ako dito na mag-isa ng lalaking ‘yun. Tinanong ko pa naman ito kanina kung bakit parang walang tao dito at sinabi nga nito na dalawa lang kami dito sa isla. Pagkarating kasi namin dito sa cottage ay pinagpahinga lang ako nito at iniwan mag-isa sa loob. Ako naman ay nakatulog ng wala pang isang oras. Siesta lang. At nang gumising nga ako ay wala ang bakas ni Levi kaya nga ngayon ay lumabas na ako para hanapin ito. Nagulat na lang ako nang mula sa kung saan ay lumitaw si Levi. Nasa may gilid lang pala ito ng cottage na hindi ko natatanaw. Pero ang mas ikinagulat ko ay dahil topless ito a

