Jessa Zarossa's POV "Uy, Jessa!" Napakislot pa ako sa gulat nang bigla akong nilapitan ni Mia habang narito sa may lobby ng hotel na tinutuluyan namin ni Levi. "Nasaan si Sir Levi?" tanong nito. "Ha? Ahm... may kinuha lang saglit sa kwarto niya." Sobrang tense na sabi ko kay Mia. Ramdam ko pa ang pag-iinit ng mukha ko kaya alam kong namumula ako. "Bakit parang namumula ka?" At napansin nga tuloy ni Mia ang pamumula ko. Nahihiya naman akong sabihin kung bakit. "W-wala lang ito. N-nagpunta kasi ako kanina sa may arawan... ang init eh," pagsisinungaling ko sabay kunwari ay nagpaypay ng kamay sa mukha ko. Ayoko naman kasi na sabihing si Levi ang dahilan nang pamumula ko. Paano ba naman kasi ay papunta na kami sa pump boat na sasakyan namin para sa island hopping ay bigla na lang huminto m

