Jessa Fuentebella’s POV Narinig ko rin ang tawag nila daddy pero pakiramdam ko naman ay hindi na nila ako sinusundan. Kilala naman nila ako na kapag ayoko nang makipag-argue ay ako na ang iiwas at magkukulong na lang sa kwarto. Halos lakad takbo ang ginawa ko para lang makabalik sa room ko. Pagkarating doon at sumubsob na ako sa kama at doon umiyak nang umiyak. Umiiyak ako dahil sa inasta ni Levi, pati mga kapatid ko ay pinagbintangan niyang nagsisinungaling. Mukhang hanggang ngayon ay abot langit pa rin ang galit niya sa mga Fuentebella. Sobrang possessive niya na akala ay ganon lang kadali ang kalimutan at patawarin ang ginawa niya sa akin. Akala niya ay kami pa rin! Ano pa ba ang kailangan niyang ipaliwanag sa akin? It’s obvious sa narinig at nakita ko na may nangyari sa kanila ni

