Jessa Fuentebella’s POV “Hmmm…” bigla akong naging conscious nang may maamoy na masangsang sa may ilong ko. Hindi ko pa rin maidilat ang mata ko. “She’s conscious now…” I heard someone… “My princess!” narinig ko ang boses ni daddy na nag-aalala. Dahan-dahan ko nang minulat ang mata ko dahil naaamoy ko pa rin ang kakaibang amoy na masakit sa ilong. “D-dad?” anas ko. Nakita ko rin ang isang staff ng hotel na katabi ni Daddy. Siya yata ang nagpapa-amoy sa akin ng something. Napabangon ako. “Are you okay, sis?” Napalingon ako sa nagsalita. Si Kuya Gilbert 'yun. “A-anong?...” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla kong naalala ang pangyayari. Nahimatay ako. “D*mn him! I’ll make sure na makukulong siya habambuhay sa pagtatangka niya sa’yo!” sambit ni daddy. Hindi ko muna ini

