Part 14

1881 Words

“MAGHAHAIN na ba ako ng tanghalian?” kaswal na tanong ni Mariolle kay Manong Gil nang bumalik ito sa kitchen. Ang totoo, parang nadagdagan pa ang kaba niya buhat kaninang tumungo ang matanda sa cabin ni William. Ang lakas ng kutob niya na tungkol sa kanya ang dahilan kaya ipinatawag nito ang matanda.             “Ako na ang bahalang maghanda ng tanghalian,” wika ni Gil.             “Manong, ako ba ang napag-usapan ninyo?” hindi nakatiis na tanong niya.             “Kasali ka na rin,” tila paiwas na sagot nito. “Siyangapala, ikaw naman ang pinapunta niya doon. May ipapagawa raw siya sa iyo.”             “Sa cabin ho niya? Sa loob?” May mahihimigan agad na panic sa tinig niya.             “Oo.”             “Manong, ninenerbyos ako!”             “Mabait si William. Hindi ka aanuhin n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD