“IKAW?” bagaman may hinala na si Mariolle ay parang gusto pa rin niyang mabulunan sa gulat nang makita si William sa gitna ng kanilang sala. Naroroon din si Riza—minus her kids na tila napatulala na lang sa reaksyon niya. “Ako nga,” kaswal na sabi ni William. “Miss Mariolle Marcelo, I’m William de la Riva. The brother in-law of your best friend here, Riza.” Yumukod pa ito at kinuha ang kamay niya. Bago iyon nadala sa mga labi nito ay hinaltak na niya. “Sinet-up mo ba ako?” sita niya kay Riza. “Hindi,” sagot nito. “Magkakilala na pala kayo?” Authentic ang gulat nito pero duda siya roon. Sa kanilang dalawa ni Riza, ito palagi ang star ng theater club. “Kaaway ko ito, eh!” tila batang maktol niya. Ikinibit lang ni Riza ang balik
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


