Part 19

1162 Words

PAYAPA na ang buhay ni Mariolle. Nang makauwi siya sa San Sebastian, bumawi lang silang mag-ina sa matensyong mga araw na dinanas nila. Doon niya nadamang talagang mahal na mahal siya ng ina. Ito pa mismo ang nagtulak sa kanya para idemanda si Lamberto.             Nang magpasya siyang idedemanda si Lamberto, pinakilos na rin ni Alicia ang koneksyon nito upang madaling madakip ang lalaki. At bumigat pa ang kaso nito dahil nang matagpuan ito sa isang liblib na baryo kung saan may maliit na lupaing pag-aari ang pamilya nito ay nahulihan ding may tanim doon na m*******a. Mayroon pa nga itong buyer kaya nagkapatong-patong na ang kaso nito.             Itinuturing na lang iyon ni Mariolle na isang masamang panaginip sa buhay niya. Napahinuhod na rin siya ni Alicia na sa San Sebastian na mamal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD