Part 18

1460 Words

“HINTAYIN mong magising si William,” wika ni Gil na malaki ang pagtutol sa ginawa niyang pagpapaalam. “Hindi ka dapat umalis na hindi nagpapaalam ng personal sa kanya.”             “Manong, alam na rin naman niya na sa oras na dumaong ang barko ay aalis na rin ako. Malaki ang pagpapasalamat ko sa inyong lahat dito. Hindi ko ito makakalimutan.”             “Pero baka ikagalit ni William na malamang umalis ka na.”             Nginitian niya ito na nagpapaunawa. “Kailangan ko na rin hong umalis. May aayusin pa ho ako. Saka baka nag-aalala na rin sa akin ang mama ko. Maraming-maraming salamat, Manong Gil. Tatandaan ko ang barkong ito. Ayokong ipangako, Manong Gil pero kapag naiayos ko ang dapat kong harapin, gagawa rin ako ng paraan para makita ko kayo uli. Malaki ang utang-na-loob ko sa in

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD