NAALIMPUNGATAN si Mariolle sa ingay ng isang tila umungol. Bago pa niya naidilat ang mga mata ay agad na niyang naalala si William. Buhat sa couch kung saan siya nakahiga ay mabilis siyang bumangon upang daluhan ito. Nginingiki si William. Pati baba ay nangangatog sa sobrang panginginig. Mabilis siyang nag-isip. Naghagilap pa siya ng kumot upang itabing sa katawan nito. Pero pagkatapos niyang gawin iyon at lumipas ang ilang sandali ay tila hindi man lang naibsan ang ginaw nito. Nailang man sa ideyang pumasok sa isip niya ay hindi na rin siya nag-atubili. Nang sumampa siya sa kama, sinabi niya sa sariling kaya lang niya iyon gagawin ay para sa kapakanan ni William. Para maibsan ang ginaw na nararanasan nito. Isang malalim na buntunghininga ang ginawa n

