Nang marinig ko ang tunog ng gate sa labas ay halos lumundag ang puso ko sa kaba at nagbukas ang aking mga mata. Sila balae na ba iyon?
Kaagad akong napatingin sa tabi at natagpuan si Jeco. Mahimbing ang tulog nito habang nakadagan ng bahagya ang braso sa bewang ko. Hindi ko alam paano kami nakapasok sa kwarto nito kanina pero isa lang ang sigurado ako. Yun ay kailangan ko ng umalis dito at kailangan ko itong gawin ng mabilis.
Dahan-dahan kong inalis ang braso ni Jeco sa akin. Thankfully, hindi ito nagising sa paggalaw ko at ng kama.
Kaagad akong tumayo, nagbihis, at tahimik na lumabas ng kwarto nito. Habang papalakad papunta muli sa guest room, ramdam ko ang sobrang bilis ng t***k ng puso ko na para bang sasabog ito sa sobra sobrang kaba. Bakit ba hinayaan ko na namang mangyari iyon sa amin? Ganoon na ba ako karupok pagdating sa gwapong lalaki?
Malapit na ako sa guest room nang bigla kong marinig ang isang boses.
"...hindi nila malalaman. Walang makaalam ng sikreto natin."
Napatigil ako sa paglakad. Hindi ko masyadong maintindihan ang mga sinasabi ng taong tila may isa pang kausap. Hindi ko rin alam kung bakit pero para bang hinahatak ako nito palapit sa boses na iyon. Hindi nagtagal ay hindi ko namalayang nasa kabilang hallway na ako at dahan-dahang sinusundan ang pinagmulan ng boses.
"Mawawala ang lahat sa akin. Hindi pwede. Hindi ko hahayaang mawala lahat sa akin!" - sambit pang muli ng boses.
Ito ay boses ng isang babae. Ngunit, sino nga ba iyon at bakit niya nasabi ang mga salitang iyon?
Napakunot noo ako. Ilang hakbang pa ay malapit ko ng malaman kung sino ang babaeng nagsasalita... nang bigla na lamang may nagsalita sa likuran ko na halos magpalundag ng buong kaluluwa ko palayo sa katawan. Napahawak ako sa aking dibdib at napatingin sa likod.
"What are you doing?"
Of course, it was none other than Jeco.
Napabuntong hininga ako nang makita ito. Naka-bathrobe lamang itong tumayo, pinagkrus ang mga braso, at tinignan ako ng may halong ngisi at pag-mock sa mukha. Gayunpaman ay nakahinga ako ng maluwag nang malamang siya lamang at wala ng iba pa ang nakakita sa akin.
"Iniwan mo ko na para akong bayarang lalaki and for what, para manood ng teleserye with our house helper?" Sambit nito.
Teleserye…? Anong ibig sabihin…
“Hayop ka, Raul! Hindi kita mapapatawad kahit kailan! Sinira mo ang pamilya natin! Walang hiya ka! Isinusumpa kita at ang buong angkan mo! Babangon ako at dudurugin ko kayong lahat!” - sambit pang muli ng babaeng nagsasalita kanina.
Lumaki ang mga mata ko sa narinig at natuklasan. Sabay namang tawa ng bahagya ni Jeco sa reaksyon ko. Akma ako nitong hihilain na naman papunta sa kanyang katawan nang biglang marinig namin pareho ang ilang mga pamilya na boses.
“Next time, dapat i-deliver na lang ang mga ganong foods. I’m telling you, hon. Hindi magandang wala tayo sa bahay pag mga ganitong okasyon,” ani ni balae Jesse.
“Okay, let’s do better next time,” ani naman ng asawa nitong si Leo.
Nagkatinginan kami ni Jeco. Hindi ko na ito hinintay pang magsalita at kusa ng gumalaw ang mga paa ko at kaagad nagtungo sa pinakamalapit na restroom.
Bago ko tuluyang isarado ang pinto at narinig ko pa ng kaunti ang pag-uusap ng mag-asawang del Valle.
“For this coming new year, ano kaya kung sa villa na lang tayo?”
“Mukhang maganda nga yan. Jeco will like it for sure… Oh, Jeco?”
Mukhang nakita na nila nito si Jeco dahil nagsimula na rin itong magsalita. Di kinaluanan ay unti-unting nagiging mahina na ang mga boses nila, indikasyong papalayo na sila ng papalayo.
Napabuntong-hininga ako at napatingin sa loob ng comfort room. Minabuti kong mag-hugas ng kamay pagkatapos ay tumingin sa salamin. Napatitig ako ng bahagya sa sarili.
May mga marka sa leeg ko.
Pulang pula ang mga ito.
Halos hindi ako makapaniwala. Alam kong kagagawan ito ni Jeco.
Dali dali ko itong sinubukang tanggalin ngunit hindi ito mabura. Sa huli, minabuti kong ilugay ang buhok ko at takpan na lamang pansamantala ang mga markang iniwan ni Jeco sa leeg ko. Kahit anong mangyari ay walang pwedeng makaalam rito.
Pagkatapos kong ayusin ang sarili ay lumabas na ako ng comfort room. Tuluyan na sana akong lalabas nang mahagip ng mga mata ko ang trash bin at ang laman nito.
May isang maliit na hugis parihaba at kulay puti ang nakalagay rito. Mag-isa lang nito kaya’t kaagad itong pumukaw ng pansin ko…
Napatigil ako sa nakita.
Hindi ako maaaring magkamali. Isa iyong pregnancy test kit…
At ang kit na iyon na nasa tapunan ay may dalawang guhit.
Bahagyang huminto ang t***k ng puso ko. Hindi ko mapigilang mapa-isip at magtanong. May… May buntis sa pamamahay na ito. Ngunit sino iyon?
Biglang may kumatok sa pinto na siyang nagpatigil sa aking paghinga.
“Ako ‘to. Open the door,” sambit na mahina ni Jeco sa kabilang bahagi ng pinto.
Napalunok ako at kaagad itong binuksan. Pumasok si Jeco kaagad. Tinignan ako nito ng isang beses at saka napatingin sa trash bin sa gilid. Tila alam na nito kaagad ang nilalaman ng isip ko dahil nagsalita ito.
“Nakita mo?’ tanong nito.
Hindi ko mapigilang tumango. “K-Kanino ang test kit na ‘yun?”
Tinitigan ako ni Jeco sa mata na para bang may gustong sabihin ngunit hindi niya ito tinuloy. Bagkus ay sinabi na lamang nito, “May mga bagay na mas magandang wala ka na lang alam. Believe me, mas mabuti yun.”
Kumunot ang noo ko. “Anong ibig mong–”
“Focus on me,” sambit nito.
“Huh?”
Nilapitan ako nito at saka tinitigan ng may kakaibang paka-seryoso, ang boses nito ay marahan ngunit malalim. “Ibaling mo lang ang atensyon mo sa akin. Don’t think of anything else.”
Napatitig ako rito. Pero hindi ko rin mapigilang mapatingin ulit sa basurahan na iyon. Pero bago ko pa man ulit tignan ay naramdaman ko ang biglang paghila sa akin ni Jeco.
“Jeco!” mahina kong sambit.
Hinawakan ako ni Jeco sa pisngi at leeg bago nito tinabi ang ilang hibla ng buhok ko. Nakatingin ito sa leeg ko. “...Hmm, sinusubukan mo bang takpan ‘to?” Tumingin ito sa akin, ngayon ay may ngiti na sa labi na para bang nang-aasar.
Bahagya ko siyang tinulak ngunit mas lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa akin.
“Jeco!” Tawag ko rito. “Walang dapat makaalam nito…” Banggit ko ng mahina.
“Hmm? But mom already agreed though?” pilyong sagot nito na may ngiti sa labi habang ni-rurub ng pa-unti unti ang leeg ko. Ang malalagkit niyang titig ay pumupunta sa mga mata ko, sa leeg, at sa labi.
Alam ko ang gusto niyang gawin pero alam ko ring hindi na pwede.
Bago pa man ito lumusong na naman sa akin ay minabuti ko nang magsalita at sinabing kailangan na naming lumabas. Binanggit ko ring hinahanap na ako ni Jane. Fortunately, naintindihan ako ni Jeco at saka pinakawalan.
“Sagutin mo tawag ko,” sambit nito bago kami tuluyang lumabas.
Hindi ko ito tinignan. Sa isip isip ko, may parte pa ring nagsasabi sa akin na hindi na dapat mangyari ang mga ito. Ngunit nang hawakan ako ni Jeco at saka hinalikan sa labi ng mariin at mabilis, alam kong hindi ko na rin kayang pigilan pa ang nararamdaman.
Pinakawalan ako ni Jeco at saka tinignan muli sa mata habang hawak ang pisngi at leeg ko. “Sagutin mo, okay?”
Sa huli ay napatango na lang ako ng marahan.
As expected, ngumiti ito at nagkusa nang buksan ang pinto. “You go first… Tita.”
Hindi ko na ito tinignan pang muli at saka dali-dali nang lumabas habang wala pang tao sa labas at paligid. Mahirap na, baka makita pa kaming dalawang magkasama.
Habang nasa labas ay hindi ko mapigilang mapaisip muli sa nakita sa loob ng CR na iyon.
Kanino ang test kit na yun…?