7 - Sandra

1380 Words
Nagdaan ang mga araw at natapos na ang bakasyon kaya’t umuwi na kami ng asawa ko sa bahay namin. Alam kong mali ang nagawa ko. Hindi ko maitatangging may kakaiba akong naramdaman sa maikling panahong nagkatagpo kami ni Jeco, pero alam kong hanggang doon na lang iyon. Hindi na maaaring magpatuloy pa ang ganong klaseng pagtatagpo o koneksyon. O sa maikling salita at makabagong termino, hindi ito mag-wowork. Dahil ilang beses man naming itanggi, maraming dahilan kung bakit hindi pwede. Una na nga dito ay ang dahilang may asawa pa ako, kahit na hindi na talaga kami tunay na mag-asawa. “Ninang, mukhang ang lalim na naman ng iniisip natin dyan ah. Nag-away ba kayo ni Ninong Oscar?” Tanong ng inaanak at assistant ko sa laundry shop na si Nerissa. Nasa late 20s siya at kasama ko sa shop ng mahigit anim na taon na. Nginitian ko ito at nagpatuloy sa pag-aayos ng mga damit na idedeliver namin sa mga customers. “Hindi kami nag-away. H’wag kang mag-alala.” Walang nakakaalam na nagpasya na kami ni Oscar na mag-hiwalay. Ilang taon na rin iyon pero hanggang ngayon, hindi alam ni Jane at ng ninuman ang tunay na relasyon namin. “Sure ka, Ninang ah. Grabe ang tagal na nung huling bisita ni Ninong dito. Sayang, hihingi pa naman ako ng pam-birthday,” pagbibiro nito. “Ang laki laki mo na, hihingi ka pa ng regalo sa ninong mo?” Siya namang bungad ni Alex, isa ko pang assistant sa shop. Mas matanda ito ng ilang taon kay Nerissa at may nobyong nasa isang bansa. Mag-pinsan sila ni Nerissa kaya naman malapit sila sa isa’t isa. “Ano naman kung may edad na ako? Inaanak pa rin niya ako!” sambit ni Nerissa. “Teka, ano ba yang mga dala mo? Galing ba sa boyfriend mo yan?” Inirapan ni Alex si Nerissa, “Wala ka ng pake doon.” Naglakad ito papunta sa akin at binigay ang isang bag. “Ninang, para po sa inyo.” “Naku, nag-abala ka pa. Hindi ko naman birthday,” sambit ko na may nahihiyang ngiti. Ngumiti si Alex. “Wala ‘yun, Ninang. Please tanggapin nyo na.” Nginitian ko ito pabalik habang tinitignan ang bag. Ito ay branded at mukhang mamahalin talaga. “Thank you, Alex.” “Walang anuman, Ninang. Alam kong mahilig ka sa bags, kaya sana magustuhan mo yan. Kung may gusto ka pang iba, sabihan mo lang ako.” Bakas sa mga mata nito ang kasiyahan at awa sa akin. Siguro nga ay sobrang nahahalata na nila na hindi kami okay ni Oscar. Sa lahat ng mga taong nakakasama ko araw-araw, sila Nerissa at Alex ang naging katuwang ko at pinaka-naging malapit sa akin. Kaya alam kong kahit papaano, kahit ang daming nangyaring hindi maganda sa pagitan namin ni Oscar, nakayanan ko dahil sa dalawang dalagang walang sawang sumoporta sa akin sa business ko. Bago pa man ako maging mas emosyonal ay nagsimula na kaming ayusin ang mga iba pang i-dedeliver namin. Sa kalagitnaan ay biglang tumunog ang phone ko. Dinampot ko ito at nakitang isang hindi kilalang numero ang tumatawag. Sino kaya ito? Sinagot ko ang tawag. “Hello?” “Hi,” bungad ng isang pamilyar na boses sa kabilang linya na siyang nagpatigil ng t***k ng puso ko. “Paano mo nakuha ang number ko?” Tanong ko rito – kay Jeco. Bago na ang sim card na gamit ko. Simula ng pagtatagpo naming iyon sa bahay nila balae, natuto na ako sa kapilyuhan ni Jeco. Alam kong tatawag siya anytime, kaya minabuti kong palitan ito para na rin hindi na maulit pa ang pagtatagpo namin. Pero bakit nakuha pa rin niya ang bago kong number? Paano at saan? Natatawang sumagot ito, “Hulaan mo kung paano.” Napakunot ako ng noo. Hindi nakaktuwang biro ang ginawa nito. Paano kung marinig siya nila balae? Siya namang lapit ni Nerissa. “Ninang, may problema ba? Sino yang kausap mo?” Nakatingin sila ni Alex sa akin na may pagkabahala. “Hm? Sino daw ako. Why don’t you tell them the truth?” panunukso ni Jeco sa kabilang linya. Halos mabitawan ko ang phone na hawak ko sa kaba. “S-Sorry, pero wrong number ho kayo.” Naguguluhang sumagot si Jeco, “Huh? Anong wrong number–” Ngunit bago pa man niya ituloy ang sasabihin ay binaba ko na ang telepono ko. “Ninang? Okay ka lang ba?” nababahalang tanong nila Nerissa sa akin. Tumango ako at iniwasan na lang ang mga tingin nila. “O-Oo naman. Okay lang ako. Maling tao ang natawag nila, hehe. Tara, i-deliver na natin itong mga damit. May rushed pa naman dito.” Sa kabutihang palad, hindi na nila ako tinanong pa muli. Ngunit bago pa man kami makalabas ay siyang tunog na naman ng cellphone ko. Nilabas ko ito at binasa ang isang message galing kay Jeco. “Let’s meet up. I miss you.” Hindi ko alam ang dapat maramdaman. Pero siguro nga, tama ang sabi nila. Hindi madaling diktahan ang puso. Dahil kahit anong laban ko, hindi ko mapigilang mapangiti ng bahagya sa huling linya nito. Pagkatapos ng pag-deliver namin ay umuwi na kami sa kanya-kanyang bahay. Bago pa man kami maghiwa-hiwalay ay lumapit si Alex sa akin. “Ninang, ito oh, movie tickets,” nilagay nito ang dalawang tickets sa kamay ko. Tumango si Nerissa sa gilid, “Tama si Alex, Ninang. Mag-date kayo ni Ninong. Para masuot mo rin yung bag mo at mas masaya, dumiretso na rin kayo ng hotel– Ouch! Ano ba, Alex!” “Huwag kang masyadong nakikisawsaw,” pagalit na sabi ni Alex kay Nerissa pagkatapos nito itong kurutin. Natatawa na lang akong pinasalamatan sila. After a while, nagpaalam na rin kami sa isa’t isa at umuwi na nga ako sa bahay. Napaisiip ako sa mga sinabi nila Alex at Nerissa. Tinignan ko ang sarili sa harap ng salamin. Ilang beses sinabi ni Jeco na maganda ako at gusto niya ako habang hinahalikan. Marami rin akong natatanggap na papuri sa ibang tao na nagsasabing mas bata akong tignan at malayo sa tunay kong edad. Pero bakit sa loob loob ko, parang may kulang pa rin? Habang nag-iisip ay hindi ko namalayang nakapag-ayos na ako, naligo, at nagbihis. Siguro ay nadala ako ng mga sinabi nila Nerissa at Alex. Huli na nang mapagtanto kong nakasuot na ako ng dress panlabas. Nag-heels din ako at naglagay ng konting makeup sa mukha. Tinignan ko muli ang sarili sa salamin. Ilang taon. Malimit kong tignan ng buo ang sarili ko. Ngayon, dahil sa sinabi ni Jeco… Parang mas nagkaroon ako ng kompyansa sa sarili ko. Tumunog ng bahagya ang telepono ko. Dinampot ko ito at tinignan ang mensahe. Isang text message galing kay Oscar. “Hindi ako uuwi ng tatlong araw.” Anim na salita. Iyon lang ang laman ng mensahe niya. Walang dahilan o sa madaling salita – hindi na nito sinabi ang dahilan. Gaya ng iba pang mga araw na ginawa niya ito sa nagdaang mga taon. Nireplyan ko ito gaya ng nakagawian, “Okay.” Pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto. Bitbit ang bagong bag na bigay ni Alex at suot ang isang dress na matagal kong binagbawalan ang sariling suotin noon. Sumakay ako ng bus at naglakad hanggang makarating sa mall. Hapon na rin kaya ang dami ng taong pumapasok. Gayunpaman, kaagad kong nakita ang isang matipunong lalaking nakatayo malapit sa entrance. Maraming napapatingin sa kanya siguro ay dahil na rin sa gwapo talaga siya. Siya iyong tipong parang makikita lamang sa mga magazines o di kaya ay sa mga ads print ng pribado o tanyag na institusyon. Fortunately, hindi niya suot ang kanyang uniform at naka-casual polo shirt lang siya ngayon. Nang makita niya ako ay kaagad itong ngumiti, naglakad papunta sa akin at kaagad akong binati na may excitement. “Tita.” Sabay napatingin ito sa akin mula ulo hanggang paa. “Wow. You look beautiful with that dress. Ang ganda mo, Tita.” Dahil maraming tao ay ngumiti na lamang ako kahit medyo naiilang. Magsasalita na sana ako nang bahagya itong lumapit pa lalo at bumulong sa akin na may pilyo pero nakakaakit na boses, “Too bad aalisin ko rin yan mamaya.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD