Lumakas ng lumakas ang t***k ng puso ko sa narinig na pagtawag ng pangalan ko.
Paglingon ko, tumambad sa akin si Theo, ang pangalawang anak nila balae. Agad akong napabuntong hininga at binati ito nang may ngiti sa labi.
Nagkamustahan saglit at umalis rin ito kaagad. Umiiling na lang ako sa sariling pag-ooverthink. Pumatak ang oras para sa hapunan at lahat ay pumwesto na sa kanya-kanyang upuan sa mesa. Maging si Jeco ay nakita ko rin at tahimik lang na binati kami ni Oscar na ikinapanatag ko ng kalooban.
Nagkekwentuhan ang lahat at umiinom ako ng tubig nang biglang magsalita si Jeco na halos maibuga ko na ang tubig sa bibig ko.
"By the way ma, okay lang bang makipag-date kami sa mas matanda sa amin?" tanong nito.
Binaba ko ang baso ng tubig at hindi mapigilang mapatingin sa direksyon ni Jeco.
"Ma, okay ka lang?" Tanong ni Jane.
Tumango ako agad at pilit ngumiti at saka tumingin sa ibang direksyon.
"What do you mean, anak? Mas matanda ba sayo ang girlfriend mo ngayon?" tanong ni balae Jess.
Palakas ng palakas ang t***k ng puso ko. Tumingin sa direksyon ko si Jeco at ngumiti ng kakaibang ngiti bago tumingin sa kanyang mommy at sumagot. "Well, hindi ko siya girlfriend. Not yet. But I like her."
"Is that so? Hmm, wala namang kaso sa amin ng dad mo yan. Basta maayos at hindi ka sasaktan anak," malambing na sabi ni balae sa kanya. "Sino ba yan anak? Kilala ko ba siya?"
Ngumiti si Jeco sa mama niya, "Kilala?" at biglang tumingin ito sa akin. "Opo ma, kilala mo siya."
"Really? Sino? Anong pangalan at pamilya, anak?" tanong muli ni Jess.
Nanlamig ang buong katawan ko sa sobrang kaba.
Hindi ko na napigilan ang damdamin at tumayo ako agad. "E-Excuse me, kailangan kong mag-CR," sambit ko nang nauutal sa sobrang kaba. Dali dali akong naglakad patungo sa cr na medyo malayo sa kitchen. Bawat yapak ko ay halos wala akong marinig at parang nablanko ang isip ko.
Hindi ako makapaniwala. Ano ba talaga ang gustong gawin ni Jeco? Talaga bang sasabihin niya ang nangyari sa amin sa pamilya niya? Takot at nanginginig akong pumasok sa loob ng cr at saktong isasara ko na sana ito nang biglang may pumigil dito. Pagtingin ko, si Jeco.
Tinulak ako nito papunta sa loob ng cr at nilock kaagad ang pinto.
"Anong ginagawa mo?!" pabulong ngunit pagalit kong tanong sa kanya.
"Ikaw dapat tinatanong ko nyan. Why are you avoiding me?" pagalit din nitong tanong sa akin.
Kinakabahan akong tumingin sa pinto bago hinarap si Jeco, "Jeco, nagkamali tayo. Okay, I'm sorry. Nagkamali ako. Hindi dapat.... Hindi dapat nangyari yun, okay? I-isang malaking pagkakamali lang yun."
"What? Pagkakamali?" halos hindi makapaniwalang sambit ni Jeco.
"Jeco..." napabuntong hininga ako. "We were both drunk. Lasing lang-"
"No, we're not! Look, ginusto mo rin yun. Alam ko gusto mo rin yun," pag-pilit ni Jeco at hinawakan ako sa balikat.
"Jeco!" mahina kong tawag rito.
"Hindi ka na gusto ng asawa mo. Ikaw mismo nagsabi sa akin. So bakit pati ako kailangan mong iwasan?" Sambit nito habang nakatingin sa akin nang kakaibang tingin.
"Jeco, ano ba? Kailangan mo ba talagang gawin to?" gulong gulo na ang isip ko. Pakiramdam ko ay magkakasakit ako sa sobra sobrang emosyong narararamdaman ko. At mas lalo pa akong naguluhan nang marinig ko ang sunod na linya ng binata na si Jeco.
"I like you," biglang sambit ni Jeco na nagpatigil sa paghinga ko. Tinitigan ako nito na may nag-aalab at kumikinang na mata. Mga matang nagsasabing hindi ito nagsisinungaling, mga matang nagsasabing mula sa puso ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya. "I like you. Sobra." Huminto siya saglit sabay tanong, "...Masama bang magka-gusto sayo?"
Unti unti lumapit si Jeco sa akin. Paurong ako ng paurong hanggang napansin kong pader na ang nasa likod ko.
"Ayaw mo ba ako?" tanong ni Jeco ng mahina at may malungkot na expression sa mukha.
"No... Hindi sa ganun," sambit ko na naguguluhan. Rinig na rinig ko ang pintig ng puso ko. Tila sasabog ito kung hindi ko masabi ang tunay na nararamdaman. Kaya't sinabi ko ito. "Gusto rin kita, Jeco..."
"Then don't leave me, don’t avoid me," sambit ni Jeco. "Kung gusto mo rin ako, huwag mo ko iwasan, huwag mo akong layuan na parang wala lang ako sayo," pag-susumamo ni Jeco habang hinahaplos ang mukha ko.
Nagkatitigan kami at biglang uminit ang mga katawan. Hindi na namin pinatagal pa at naglapat ang aming mga labi. Halos makagat ni Jeco ang mga labi ko sa sobrang init at lalim ng paghalik nito sa akin. Maging ako rin ay hindi na nakapag pigil pa.
Pumulupot ang mga kamay ko sa leeg ni Jeco at mas lalong naging malalim ang paghahalikan namin.
"Hmm, no... mali ito..." habol ang hininga kong sambit habang hinahalikan si Jeco.
Pinasok ni Jeco ang kamay niya sa loob ng damit ko at kinakapa kapa ang hinaharap ko habang hindi tinitigil ang pag-hahalikan namin.
"Gusto kita, gustong gusto kita..." bulong nito sa akin at mas lalong naging mapusok ang paghahalikan namin. Haplos haplos ang katawan at lasang lasa namin ang bawat isa.
Naramdaman ko ang pamilyar na init ng katawan. Ang bugso ng damdamin at labis na kagustuhan na higit pang mas mapalapit sa taong nasa harap ko. Tinitigan ako ni Jeco na may parehong intensyon at pagkasabik.
Iaangat na sana ni Jeco ang damit ko nang bigla kaming nakarinig ng katok sa pinto.
"Mama? Nandyan ka ba?" ito ay boses ng anak kong si Jane. "Okay ka lang ba, ma?"
Tinulak ko si Jeco palayo at sinabihang huwag siyang maingay. Naguguluhan at sobrang bilis ng t***k ng puso akong natulala ng bahagya.
Bago pa ako makapag-isip ng wasto ay hinawakan ni Jeco ang kamay ko.
"Hihintayin kita. Sa balcony," sambit nito ng may malalim, mahina, ngunit puno ng emosyong boses.
Tinignan ko lamang ito at saka inalis ang kamay niyang nakahawak sa akin. Inayos ko ng mabilis ang damit at hindi na lumingon pang muli nang buksan ko ang pinto at agad itong sinara.
"Okay lang ako, medyo sumama lang pakiramdam ko," tugon ko sa anak ko pagkalabas.
"Parang may narinig ako sa loob. May kausap ka ba ma?" tanong ni Jane na mas lalo pang nagpakaba sa akin.
Kaagad kong nilayo ang tingin nito sa CR. "A-ah, wala. Tumawag lang yung kaibigan ko. Halika na, baka mag-alala sila balae dahil pareho tayong wala," ngingiti ngiti ko itong hinila palayo sa cr at naglakad na pabalik sa dining area.
Nilingunan ko saglit ang nakasarado ng pinto na may hindi makontrol na bilis ng pagtibok ng puso. May mabigat man na damdamin at magulong isip, pinilit ko na lamang muling kalimutan ang nangyari at bumalik na sa pwesto sa hapagkainan at umaktong parang walang nangyari.