Nag aantay na ako Kay Kuya Eric dahil bibili kami ngayon Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko dahil Hindi ko Naman alam kung anong nasa listahan.
" Ba-kon? Ano Yun?" Wika ko Naman habang nakakunot ang noo ko dahil sa nilista dito.
" Pagkain kaya Yun?" Tanong ko Naman sa sarili ko.
" Oh ano Inday? Ready kana ba ?" Tanong Naman sakin ni kuya Eric.
Ngumiti Naman ako at tumango, binuksan Niya na Ang pinto ng kotse papasok na sana ako ng pigilan Niya Ako.
" Wag mong huhubarin yang tsenilas mo! " Paalala Niya naman sakin.
" Opo" sagot ko Naman at agad ng pumasok sa loob ng kotse.
Pumasok na din si Kuya Eric at agad Niya ng pinaandar Ang sasakiyan.
" Bakit po maraming selopin at tisyu dito?" Sambit ko Naman habang naka kunot Ang noo.
" Eh Kasi baka masuka ka ulit atleast handa ako, may tubig na din diyan saka bagong damit baka Kasi masukahan mo na Naman yang damit mo atsaka... akin na yang mga listahan para Hindi mo malagay kung saan saan " wika naman ni kuya Eric sakin at agad ko namang ibinigay sakaniya Ang listahan.
" Nga pala Kuya Eric, ano po ba Yung Ba- bakon ba Yun?" Tanong ko Naman.
Agad namang kumunot ang noo niya at tiningnan ang nakalista sa listahan.
" Wala namang bakon dito ah?" Sambit Niya habang binabasa ang nakalista.
Agad ko namang kinuha ang listahan na nasa kamay niya at agad ko naman itong itinuro.
" Ayan po oh, Ba-kon BAKON " sambit ko Naman at klinaro ko talaga Yung pagka bigkas ko.
Agad Naman siyang natawa.
" Anong bakon, Bacon yan. Ulam Yan Inday" sambit Naman Niya sakin.
"Bacon pala ito Akala ko po Kasi bakon. Pasensya na po Ngayon ko lang po Kasi ito nakita walang ganiyan sa probinsya hotdog lang tiyaka longganisa" wika ko Naman Kay Kuya Eric.
" Okay lang Yan, Tara na bilisan na natin para makabili kana ng mga pagkain ni sir " wika naman Niya at dire diretso na kaming nag tungo sa mall.
Habang nasa daan kami ay agad naman akong tumingin sa labas ng bintana, marami kaming nadadaanan na mga magagandang Bahay o mga building.
" Grabe Ang taas, sa tingin niyo po ba mabubuhay po ba kayo pag tatalon kayo Mula sa itaas?" Tanong ko Naman Kay Kuya Eric.
" Siguro, subukan mo kaya at ibalita mo sakin kung mabubuhay ka pa ba pag tatalon ka diyan" sambit Naman Niya sakin.
Tiningnan ko naman ito at napa isip.
" Sa susunod na Lang po pag gagala kami ni auntie" seryuso ko namang sambit Kay Kuya Eric.
" Oyy, wag mong gawin Yun jusko Naman Inday. Nag jo-joke lang ako hihi syempre mamatay ka ang taas pa Naman niyan" wika naman Niya sakin.
Tatango tango nalang ako ng dahil sa sinabi niya sakin.
" Ang Dami namang matataas na Building dito" wika ko Naman habang nakangiti natutuwa din ako sa mga sasakiyan sobrang Dami.
" Hindi ka paba naka punta dito noon, kahit noong bata ka pa?" Tanong Naman Niya sakin.
" Ay, Hindi po. Wala po kaming Pera papunta sa Siyudad Ngayon lang po ako nakarating dito" wika ko naman habang nililibot Ang paningin ko.
Tatango tango naman si Kuya Eric at nag dahan dahan naman siya sa pagmamaneho.
" Ayan, sulitin mo muna Ang oras na ito para tingnan Ang bawat sulok ng building na nakikita mo " wika naman Niya sakin.
Natuwa Naman ako dahil maganda Ang mga building sa paligid.
" Grabe Ang tataas Naman po " wika ko Naman habang namamangha.
" Kung bibigyan ko po kayo ng isang milyon tatalon po ba kayo diyan?" Tanong ko Naman Kay Kuya Eric.
" Syempre Hindi, sulitin mo nalang Ang panonood mo sa mga building dahil tutungo na Tayo mamaya sa mall" wika naman Niya sakin.
Tumango Naman ako bilang tugon sa sinabi niya. Ilang minuto Ang ginugol ko sa pag masid at sa pag puri sa mga nakikita kung building at sasakiyan.
" Tara na" wika naman Niya sakin.
" Sige po"
Dali dali naman kaming nag tungo sa mall at Ilang minuto lamang Ang nakalipas ay nakarating na kami sa malaking Building.
" Grabe may building ulit, sobrang lawak Naman nito Ang laki" manghang wika ko habang nakatingin sa mall.
Nag tungo Naman kami ni kuya Eric patungo sa loob at agad naman niyang pinarada Ang kotse at bumaba na din kami.
" Ang Dami pong sasakiyan" wika ko Naman habang namamangha.
" OO Kasi parkingan ito ng sasakiyan" wika naman Niya sakin.
Tatango tango naman ako at sumunod na Kay Kuya Eric, nakarating na kami sa loob at agad namang lumapit si Kuya Eric sa isang parang hagdan na ibababa kalang, para siyang yero tingnan pero umaandar Siya.
Nakatingin lang ako at natatakot na baka madulas ako.
" Inday!" Tawag sakin ni kuya Eric ng makita niya ako na Hindi pa ako naka baba.
Binalikan Naman Niya agad ako at inalalayan, pumasok na kaming dalawa sa loob ng malaking tindahan sobrang daming mga pagkain dito nakakatuwa Naman, Yung tindahan Kasi ni Aling Perla dun samin maliit lang tapos inuutangan pa namin.
" Ang Dami naman ng nga bilihin dito" wika ko Naman habang nililibot Ang paningin ko.
" Ganun talaga Kasi grocery store ito, oh Ikaw na mag tulak ng kariton dahil bibili na Tayo ng mga kailangan ni sir" wika naman Niya sakin at agad agad naman siyang kumuha ng mga nakalista sa papel.
Lumipas ang Ilang oras ay natapos na din Ang pag bili namin ng mga kailanganin ni sir at nag tungo na kami sa pila.
" Mag antay ka nalang dun sa harapan dahil mag papacounter lang ako." Sambit Naman sakin ni kuya Eric.
Tango lang ang isinagot ko at agad naman akong nag tungo sa harapan, Maya Maya pa ay agad naman akong nakakita ng Isang Jollibee.
" Hala!! Yun Ang Sabi nila Kumir sakin na napuntahan nila Nung bata pa sila.
Dali dali naman akong tumakbo dun, at ng makita ko na umakyat Yung Jollibee sa Isang hagdanan na umaandar ay natakot Naman ako at Hindi ko alam kung anong gagawin ko.
Sinubukan ko Naman na ilagay sa hagdanan Ang paa ko ng bigla Naman akong dinala sa taas naka taas Ang Isa kung paa at Yung Isa Naman ay nasa ibaba nakahawak ako sa gilid para di ako matumba. Maraming tao Ang nakatingin sakin habang Yung iba ay natawa.
Dali dali naman akong pinuntahan ng gwardiya at tinulungan nila ako dahil delikado daw ang Lagay ko.
" Miss, ano bang ginagawa mo. Dapat nag patulong ka kung Hindi mo kayang umakyat" wika naman Niya sakin.
" Aba Malay ko ba sa hagdanan niyo isisi niyo sa hagdan na yan, pinapahirapan Niya lang Ang mga tao " wika ko Naman habang nagagalit.
"Pambihira, Ikaw lang ata Yung nahihirapan sumakay ng escalator " wika Naman ng Isang gwardiya.
Napakamot Naman sa ulo Ang gwardiya habang nakatingin sakin. Mag sasalita pa sana Siya ng biglang dumating si Kuya Eric.
" Inday naman, bakit ka umalis sa pwesto mo!" Wika naman Niya sakin.
" Eh Kasi po sinundan ko Yung Jollibee" wika ko Naman Kay Kuya.
" Halika na nga, madidisgrasya ka pa e" wika naman Niya sakin at agad na Niya akong hinila pababa.
Nag hagdan na lang kaming dalawa at agad na Ang tungo sa parking lot.
" Buti di napasok Yung paa mo sa escalator" wika Naman Niya sakin.
" Muntik na po" wika ko Naman habang nakatingin sa paa ko.
" Pumasok kana sa kotse jusko Inday, mamomoblema kami sayo" wika naman ni kuya Eric.
Pumasok na Siya sa loob ng kotse at dali dali Niya na itong pinaandar, Maya Maya pa ay umalis na din kami.
Tiningnan ko nalang ang mall habang papalayo kami ng papalayo.
Kahit ganun Ang nangyari Masaya naman ako! Hehe, sa wakas! nakita ko na din si Jollibee ipagmamayabang ko ito pag uwi ko!