Pag gising ko sa umaga ay si papa agad Ang hinahanap ko, tumayo na ako at agad ko namang inayus Ang buhok ko tiyaka nag hilamos na din ako.
"Pa..." Bigla naman akong natigilan ng mapagtanto kung Hindi ko na pala ito Bahay at Wala na pala ako sa probinsya namin.
Wala na din pala Ang Tatay ko, bigla Naman akong napa upo at umiyak nalang dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko.
"Pa, Ang hirap po" wika ko Naman habang umiiyak.
Iyak lang ako ng iyak dahil miss na miss ko Ang papa ko pero Wala na akong magawa, bigla namang may kumatok at agad naman akong napatingin sa pintuan.
"Ayy pasensya na, Ikaw ba si Inday?" Tanong naman ng Isang babae na kasing ka edad ko lang kulot Ang kaniyang buhok at kayumanggi Ang kulay ng balat niya, bilog Ang kaniyang mga mata at may makapal at mahabang pilik mata siya makapal din Ang kilay niya. Sobrang ganda niyang tingnan.
" Ayy pinatawag kana ng tiyahin mo, busy Kasi Siya sa pag aayus ng lamesa dahil kakain na si senior Arthur" wika naman Niya sakin.
Ngumiti Naman ako bilang tugon sakaniya.
Tumayo na ako at nag hilamos na muna para Hindi mahalata ni auntie na umiyak ako.
" Ilang taon kana pala?" Tanong Naman Niya sakin.
" 23" sagot ko Naman habang nag hihilamos.
" Ahh ganun ba, nga pala ako si Karyl Taga probinsya din ako." Wika naman Niya sakin.
Agad Naman akong humarap sakaniya at ngumiti.
" Pareho pala tayong Taga probinsya mabuti at Hindi ka nawala dito sa maynila" wika ko Naman Kay Karyl.
" Ayy muntikan na Buti nalang andiyan si Kuya Eric para tulungan ako" wika naman Niya sakin.
Lumabas na kami sa kwarto na tinutuluyan ko at sabay na kaming nag lakad sa hallway.
" Ang laki ng Bahay nila ano, tapos Siya lang nakatira dito Wala ba siyang pamilya? Wala bang Asawa si sir Arthur?" Tanong ko Naman Kay Karyl.
" Meron pero Ang narinig ko ay matagal na silang hiwalay" sambit Naman sakin ni Karyl.
Tatango tango na lamang ako ng dahil sa natuklasan ko marami pa akong dapat malaman tungkol sa magiging amo ko.
" Nga pala Kilala mo ba Ang anak ni senior Arthur?" Tanong ko Naman Kay Karyl.
Agad Naman siyang namula at agad naman siyang tumili ng bahagya.
" Bakit ka tumitili?" Tanong ko Naman Kay Karyl.
" Eh Kasi, Hindi mo naitatanong super gwapo ng anak ni sir!" Wika naman Niya habang Sayang saya.
" Talaga? Ako pa Naman Ang nakatoka dun sa kwarto Niya" sambit ko Naman Kay Karyl.
" Ayy Ang swerte mo Naman!!" Masayang wika niya habang hinahampas pa ako ng dahil sa sobrang kilig Niya.
" Hindi ko din alam kung maswerte Ako o Hindi, Basta Ang gusto ko lang ay makapag trabaho ng maayus at tiyaka maipagawa Ang Bahay namin ni papa" sambit ko Naman.
Maya Maya pa ay nakarating na din kami sa kusina nila, sobrang ganda din ng kusina nila puro ginto Yung Makikita mo may mga ibang kulay din Naman katulad ng abo at puti pero karamihan talaga ay ginto.
"Nakakamangha talaga Ang Bahay na ito, sino kaya Ang pumili ng kulay sobrang ganda Kasi" wika ko Naman habang Hindi maalis Ang tingin ko sa mga gamit na nasa loob ng kusina.
Mas Malaki pa ito sa Bahay namin e, Yung kusina nila sobra pa sa laki ng Bahay namin.
" Si Senior Ang pumili ng kulay nito dahil paborito daw ito ng ex wife Niya" wika naman sakin ni Karyl.
Tatango tango naman ako, nabaling lang ang atensyon ko ng tawagin ako ni auntie Grace.
" Iha, halika dito ipapakilala Kita sa mga katulong dito" wika naman Niya sakin habang nakangiti.
" Ito si Alecia Yung tinawag ni senior noong dumating Tayo dito" wika naman ni auntie.
Ngumiti Naman ako at inabot Ang kamay ko.
" Ang Gandang bata nitong pamangkin mo Grace" wika naman Niya sakin.
" Ayy Hindi po " wika ko Naman habang hinahawak hawakan Ang buhok ko.
" Ito naman si Malou, Delia, Alisa, Gorna at ito si Karyl" wika naman ni Auntie sakin.
" Yung iba busy pa at tiyaka wag kang makikipag kaibigan kay Jusan at Precy mga marites Yun sa mansion " wika naman sakin ni Ate Gorna.
" Totoo, alam mo ba grace chinismiss ka ng mga yun Ang Sabi sipsip ka daw Kay sir Kasi nag papa cute ka daw, e Ang Dami mo daw barikos may gana ka pa daw mag pa cute!" walang ano anong sabi ni Ate Delia.
" Delia naman jusko, yang bunganga mo Wala talagang break " wika naman ni Ate Alecia.
" Pag pasensyahan mo na Ang mga ito Inday talagang ganiyan Ang mga Yan" wika naman ni Karyl sakin.
Ngumiti na lamang ako dahil Hindi na Bago sakin Ang ganiyan.
Agad Naman akong pina upo ng mga Kasama namin dito at hinandaan ako ng pagkain.
Para Naman akong asong ul*l dahil nag lalaway ako sa mga pagkain na sobrang Dami na nasa harapan ko.
" Kainin mo lang yan iha, wag kang mahiya" wika naman ni auntie sakin.
" Okay lang po ba? Wala bang magagalit sakin?" Tanong ko Naman sakaniya.
" Wala Sige kainin mo na yan Bago ko pa Yan atakehin" wika naman ni ate Malou.
Wala na akong pasabi Hindi narin ako nakapag dasal dahil nagutom na lamang ako bigla, kumain lang ako ng kumain Hanggang sa mapuno Yung bibig ko.
"Ang... Cha...charap..namawn ng pawgkawin naw itow" wika ko habang Puno Ang bibig.
Nakanganga lang silang nakatingin sakin habang Ako ay walang tigil parin sa pagkain.
Nakalipas Ang Ilang minuto ay nasimot ko na Ang mga hinanda nila sakin. Bigla Naman akong dumighay ng malakas.
" Salamat lord, pasensya na hehe busog lang" wika ko Naman.
Nag tinginan Naman Sila at Hindi makapaniwala sa nakita nila.
"I-iha,h-hindi pa kami kumain, a-akala Kasi namin Hindi mo mauubos" wika naman ni auntie habang napilitang ngumiti.
"Ayy naku po, pasensya na nagutom lang po Kasi ako" wika ko Naman.
" Naku Inday Ang lakas mo palang kumain, dadalhin Kita sa eat all you can ilalaban Kita dun para makakuha ako ng voucher na free meal for 1 year" masayang wika Naman ni ate Malou sakin.
" Ayy naku Malou, mabuti pa mag luto ka ulit ng makakain natin" wika naman ni Ate Delia.
" Pasensya na po talaga kung naubos ko Ang pagkain niyo, Hindi ko Naman po-"
" Ayy okay lang Yan Inday, marami pa namang pagkain dito wag kang mag alala" wika naman nila sakin.
Tatango tango naman ako bilang tugon.
FAST-FORWARD>>
Pintawag ako ni senior dahil may sasabihin Siya sakin tungkol sa gagawin ko sa Bahay ng anak niya.
" Inday, mabuti naman at nakabihis kana dahil may ipapagawa ako sayo" wika naman Niya sakin.
" Ayy ano po Yun?" Tanong ko Naman habang handang handa na sa iuutos Niya.
" Eto Ang mga dapat mong bilhin Ngayon dahil Wala ng stock Ang anak ko, bilhin mo ito at mag punta kana sa Bahay Niya at linisin mo." wika naman Niya sakin.
Bigla Naman akong nanigas sa kinatatayuan ko dahil Hindi ko alam kung Aling tindahan Ang pagbibilhan ko dahil Wala Naman akong nakita na tindahan na malapit sa Bahay nila.
" Ano? Okay ka lang ba? Kaya mo ba?" Tanong Naman Niya sakin.
Nag dadalawang isip man ay kinuha ko na agad Ang listahan dahil mahirap na kung mawawalan ng tiwala si Senior Arthur sakin.
" Eto gamitin mo Ang card na ito, si Eric na Ang bahala sayo Kasama mo Naman Siya wag kang mag alala" wika naman Niya sakin.
Tatango tango naman ako ng pilit at tumalikod na, Bago ko pa ihakbang Ang kamay ko ay bumuntong hininga na muna ako.
Eto na talaga!! Lalabas na ako sa Bahay na ito!! Kaya mo ito Inday!!