CHAPTER 1: BUROL

1610 Words
Nagising ako sa tapik sa bandang balikat ko. " Ano ba Yan matutulog pa ako gusto mo atang bumulagta diyan e!" Inis ko namang wika. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa kakahintay Kay Tatay. " Boss, gising na andiyan na sila dala dala ang Tatay mo" wika naman ni Balagtas. Agad Naman akong tumayo at ng makita ko ang sasakiyan bumuntong hininga ulit ako at binuksan ng mabuti ang pinto. Ayukong tingnan Ang kabaong baka Kasi bangonin ko nalang bigla si Papa diyan sa loob. Pinasok na nila si Papa sa loob ng maliit na Bahay namin, Sumabay pala si Doc sakanila para tingnan Ang Bahay. " Susmaryusep Inday!! Bakit may mga manok diyan" wika naman Niya habang nakatingin sa mga manok na tinali ko. "Eh Kasi mas gusto ni papa Yan kaysa bulaklak, santan lang at duranta meron dito sa Bahay" wika ko naman. Napakamot nalang si doc sa ulo niyang walang buhok. " Kayo, kunin niyo nga yang mga manok at ibalik niyo sa kulungan" Sambit Naman niya sa mga ka brother ko. " Pambihira ka talagang bata ka nakakabaliw ka" wika naman ni doc sakin. Iiling iling pa Siya at natatawa. Kumunot na lamang ang noo ko ng dahil sa sinabi ni Doki. Kinuha na ng mga ka brother ko ang lahat ng manok na tinali ko at naka lapag na din ang kabaong ni papa, bumuntong hininga naman ako Hindi ko parin tanggap Ang lahat ng mga nangyayari ngayon. " Okay na lang ba?" Tanong Naman ni Doc sakin. Umiling naman ako bilang tugon Kay doc. " It's okay, marami kang karamay dito Inday" sambit Naman Niya sakin. Tumingin Naman ako sakaniya at nangilid Ang mga luha ko. " Eh kasi Doc, Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa buhay ko Wala akong Plano sa buhay ko Kasi buong buhay ko si papa Ang laman nito at Siya lang ang dahilan kung bakit may saysay Ang buhay ko" wika ko Naman habang umiiyak. Niyakap Naman ako ni doc. " It's hurt pero Wala na tayong magagawa, people come and go" wika naman niya sakin. Di ako marunong mag English at Hindi ko rin Siya masyadong naiintindahan. Tumango Naman ako kahit Wala akong maintindihan sa mga sinabi ni Doc sakin, nag kukunwaring may alam na Lang ako sa sinabi niya sakin. Nag tungo na ako sa harap ng kabaong ni Papa at tiningnan ang mukha niya, hinawakan ko Naman ito habang nakangiti ng mapait. " Sabi mo sakin Hindi masakit Yung ulo mo? Pero bakit ganun matagal mo na pala yang tinitiis tapos Hindi mo man lang sinabi sakin Ang lahat. Akala ko ba mag bestpren tayo pa? Ang Daya mo Naman " wika ko Naman habang Ang mga nga luha ko ay nag uunahan na sa pag Agos. Agad ko naman itong pinunasan at tumingin ako sakaniya ng nalulungkot. Natigil lang ako sa pag iyak ng biglang may tumapik mula sa likuran ko. " Boss, inom ka muna ng kape chill ka muna" wika naman Niya sakin. Umiling naman ako dahil Wala akong oras sa pag inom ng kape. Ilang minuto lang at nag si datingan na din Ang ibang ka brother ko, madalas lalaki Ang mga Kasama ko sa grupo at konti lang kaming babae may mga bading din kaming Kasama inampon namin dahil inaabuso Sila ng iba. May iba't iba silang dala ng pagkain at mga gagamitin dito sa Bahay. " Boss, Condense po" wika naman ng Isa kung Kasama. Tumango naman ako dahil naririnig ko Naman lagi yang Condense na yan sa mga tao na namatayan. Agad Naman silang tumingin sakin na naawa. " Ano ba wag niyo nga akong tingnan ng ganiyan!" Inis ko namang wika sakanila. " B-boss nag aalala lang kami sayo alam namin kung gaano kayo ka close ng papa ninyo at alam namin na sobrang nasaktan kayo Ngayon" wika naman ni Elias sakin. Bumuntong hininga naman ako ng dahil sa sinabi niya dahil totoo Ang lahat, Hindi ko alam kung paano ako mag sisimula. Wala akong kaalam alam kung anong mangyayari sakin ngayong Wala na Ang Tatay ko. " Kung kailangan mo ng tulong sabihan mo lang kami handa kaming tumulong sayo boss, Isang pamilya Tayo kaya isusugal namin kung anong kaya naming isugal para sayo" wika naman Niya sakin. Tumango Naman ako bilang tugon sa sinabi niya sakin. Nag si upuan na lamang Sila sa upuan dahil Wala akong ganang umimik ngayong Araw na ito gusto ko nga mapag Isa pero ayuko Naman. " Tay, nalilito na po ako. Ano bang dapat kung gawin kayo Kasi e nag mamadali Naman kayo gusto niyo agad makita si San Pedro e!" Wika ko Naman habang umiiyak na nakatingin Kay papa. Bumuntong hininga na lamang ako. Umalis na muna ako sa harapan ng kabaong baka Kasi Hindi ko matiis at papasok ako dun para yakapin Siya. Gusto kung mayakap si Tatay pero Hindi daw pwede Sabi ni doc sakin e. " Boss kape muna kayo, kung ayaw niyo ng kape bibilhan ko po kayo ng Gin" Sambit Naman ni Kumir sakin Wala Naman akong pakealam na nakatingin sakanila. Wala akong nararamdaman Ngayon, palibhasa Wala si Tatay. FAST-FORWARD>> Ika dalawang araw na ito ni Papa, Wala din Naman akong alam na kamag anak niya bukod sa Auntie kung nasa Siyudad na nag papadala lagi samin ni Papa. " Hindi ba dadating dito Yung Auntie mo boss na laging nag papadala ng tsokolate ?" Tanong Naman ni Balagtas sakin. " Hindi ko din alam e" sambit ko Naman habang malungkot na nakatingin sa kabaong ng Tatay ko. " Naku boss, alamin mo paano kana niyan Wala kang kamag anak " wika naman ni Kumir sakin. " Sige lang, andiyan Naman kayo para din Naman kayong kamag anak samin ni Tatay. " Wika ko Naman habang nakatingin sakanila. " Sabagay, parang kapatid kana namin Yun nga lang bossing ka namin" wika naman Niya sakin. Iiling iling na lamang ako. FAST-FORWARD>> Ngayon na ililibing si Tatay hawak hawak ko Ang litrato niya. " Wala na bang ibang titingin dahil isasara na namin to" sambit naman ni kuya Marco. " Sandali!!" Bigla Naman akong napatingin sa sumigaw. Sino Ang babae na ito, Ngayon ko lang Siya nakita dito. " Wag muna ninyong tatakpan gusto ko muna makita Ang kapatid ko" wika naman niya. Kumunot Naman Ang noo ko, may kapatid pala si Papa? B-baka Naman Siya si Auntie Grace. " Andoy!!! Ano ba Naman,bakit mo ako iniwan!!" Iyak nitong sambit. " Dong!! Bangon dira !! ( Dong bumangon ka diyan!!)" Umiiyak parin niyang wika. Agad Naman akong lumapit sakaniya at hinawakan Siya sa balikat. " Tama na po yan, kailangan na po naming ibaba si Manong Andoy" wika naman ni kuya Marco. Umiyak parin ng umiyak Ang babae . Nakatingin lang ako sa kabaong ni Tatang, tumulo na Ang mga luha ko. "P-paalam papa" wika ko Naman at inihagis Ang bulaklak na may kasamang balahibo ng manok. " Paalam dong, di mo man lang ako hinintay!" Wika naman ng babae na umiiyak parin sa gilid ko. Medyo may katandaan na Siya pero Hindi Naman sobrang matanda. Nang naibaba na ang kabaong at sinimulan na itong takpan ng lupa ay bumuntong hininga ulit ako dahil alam na alam ko talaga na Hindi ko na makikitang muli si Tatay. Humagulgol na ako ng iyak niyakap Naman ako agad ng babae na ito na kapatid daw ni Tatay. " Shhh, Inday wag ka ng umiyak andito ako. Matagal na naming pinag usapan ng Tatay mo na sa oras mawala Siya ay kukunin Kita at sasama ka sakin" wika naman Niya sakin. Nabigla naman ako ng dahil sa sinabi niya sakin. " S-sino po ba kayo?" Tanong ko Naman sakaniya habang nag tataka. " Ako to, Si Auntie Grace mo" wika naman Niya sakin. Niyakap ko Naman agad Siya ng mahigpit dahil Ngayon ko lang Siya nakita at nayakap. " Wag kang mag alala ako na Ang bahala sayo, Dong, ipapangako ko sayo na aalagaan ko Ang anak mo. Wag kang mag alala dahil Ako na Ang bahala sakaniya " wika naman ni Auntie Grace. " Mahal na Mahal Kita Dong at mamahalin ko din si Inday katulad ng pagmamahal at pag aalala mo sakaniya " wika naman ni Auntie Grace habang umiiyak. FAST-FORWARD>> Natapos na Ang libing at agad naman kaming bumalik sa Bahay dahil tapos na din naming sinunog Ang mga damit ni Papa, tradisyon Kasi Yan dito Ang pag sunog ng damit. " Ano, sasama ka ba sakin Inday. Alalahanin mong Wala kang Kasama dito" wika Naman ni Auntie Grace sakin. " Ayuko kasing iwanan Ang Bahay na ito dahil nandito Ang ala ala ni Papa, auntie. Sana maintindihan niyo ako kung ayaw kung sumama sa inyo" wika ko Naman sakaniya habang nakatingin ng seryuso. " Inday, alam mo kailangan mong mag move forward. Wala ka ng dapat pag pilian sumama kana sakin dahil nangako ako sa kapatid ko na Ako Ang mag aalaga sayo at Wala kanang magagawa dun" wika naman Niya sakin. " Auntie, wag po kayong mag alala madami Naman silang mag aalaga sakin dito, Yung mga kabrother ko po at mga Kapitbahay namin" wika ko Naman habang kinukumbinsi ko Siya na Hindi muna ako aalis. " Hindi pwede Inday iba parin kung kadugo mo Ang mag aalaga sayo, kailangan mo ng umalis sa Bahay na ito. Wag kang mag alala dahil pag mamimiss mo Naman Ang Tatay mo pwede Naman tayong bumalik dito para makita siyang muli." Wika naman Niya sakin. Bumuntong hininga naman ako bilang tugon sakaniya. " Sige po pag iisipan ko po muna, mag papahinga lang po muna ako" wika ko Naman at agad na umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD