Hindi ako makatulog ng mabuti ng dahil sa offer ni Auntie sakin. Alam ko Naman talaga na ayaw ni papa na nakikita akong nahihirapan lalong ayaw naman niyang makita na aalis ako sa Bahay na ito.
" Pa, kung sakaling nakikita niyo po ako ngayon sana naman po mag bigay po kayo ng patandaan na kailangan kung lisanin Ang bahay na ito" sambit ko Naman habang mabigat Ang dibdib ko.
Bigla na lamang tumulo Ang luha ko dahil buong pagkatao ko ay dito na talaga sa lugar at Bahay na ito, Hindi ko lubos ma isip na aalis ako dito.
" Pa, Kasi...Ang hirap po iwanan Ang lahat ng mga ala ala dito. Mahal na Mahal ko po Kasi kayo at Mahal na Mahal ko Ang lugar na ito" wika ko Naman habang umiiyak habang kinaka usap Ang litrato Niya.
Agad ko namang pinunasan ang luha ko dahil sunod sunod na Ang luha na umagos galing sa mata ko.
" Pa, pag ba aalis ako dito. May magandang mangyayari po ba sakin? Katulad ng sinabi mo sakin noon na dapat iiwanan ko yung comfortableng buhay kung gusto ko ng totoong kalayaan. Hindi ko alam kung anong ibig mong sabihin siguro ngayon ko na yun maiintindahan" wika ko Naman habang iniisip ang mga pangaral Niya sakin noon.
Bumuntong hininga naman ako Bago ako pumikit at niyakap Ang litrato niya.
FAST-FORWARD>>
" Papaa!!" Sigaw ko habang habol habol ang pag hinga ko.
Napabangon din ako habang pinagpawisan at bigla na lamang akong umiyak.
" Papa" wika ko habang umiiyak.
Bigla namang bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si Auntie.
" Inday, Inday" wika naman Niya habang nag aalala.
" Anong nangyayari sa iyo?" Tanong Naman Niya sakin habang tinitingnan ako at niyakap ako ng mahigpit.
" Papa" wika ko parin habang umiiyak ako nanginginig pa ako dahil sa sakit na nararamdaman ko.
Ang sakit lang na makita si papa na lumalayo ng dahan dahan sakin. Ang sinabi niya lang ay sundin ko kung anong sinisigaw ng puso ko at laging piliin Ang tamang landas para sa ikakabuti ko dahil Wala na daw Siya para gabayan ako sa lahat.
" Inday, okay ka na ba?" Tanong Naman ni Auntie Grace sakin.
Iyak parin ako ng iyak kaya Naman lumabas muna siya para kumuha ng tubig sa kusina.
Agad ko namang pinunasan ang luha ko at ng pumasok na si Auntie ay uminom agad ako ng tubig para mabawasan Ang sakit na nararamdaman ko.
" Inday, wag ka ng umiyak. Hindi Yan ma reresolba sa pag iyak iha" wika naman Niya sakin.
" Pasensya na po Auntie, Hindi ko po Kasi alam kung paano ko ilalabas Ang sakita sa dibdib ko" wika ko Naman Kay Auntie.
" Shh, wag muna yang isipin. Matulog ka ng muli" wika naman Niya sakin.
Humiga na ako at binantayan Naman Niya ako. Hinihimas himas Niya Ang buhok ko para makatulog ako ng mahimbing.
Bumigat Naman Ang talukap ko at agad naman akong nakatulog.
FAST-FORWARD>>
Nagising Naman ako sa mahinang pag yugyog sakin.
" Iha, Gising na" wika naman ni Auntie sakin.
Agad Naman akong napatingin sakaniya, may dala dala siyang kanin at sinabawang isda.
" Humigop ka muna ng mainit na sabaw alam kung Hindi maganda Ang pakiramdam mo" wika naman Niya sakin.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko Ngayon, natutuwa naman ako pero nalulungkot din ako dahil Hindi na si papa Ang nakikita ko tuwing Umaga.
Kadalasan Kasi ay Siya Ang Nag gigising sakin.
" Lagyan mo ng mainit na sabaw yang tiyan mo para mahimasmasan ka sa lungkot na nararamdaman mo ngayon " wika naman ni Auntie sakin.
Ngumiti na lamang ako alam ko namang Hindi parin mababawasan Ang lungkot ko kahit kakainin at uubusin ko Ang lahat ng ito pero kinain ko nalang ang mga dinala Niya sakin na pagkain para Hindi Siya mag tampo sakin.
Iniisip ko parin Yung papa ko pero agad ko nalang winaglit Yun para Hindi ako mawalan ng gana sa pagkain.
" So, Inday ano na Ang iyong pasya?" Tanong Naman Niya sakin habang umupo sa harapan ko.
Bumuntong hininga lang ako at Wala akong maisagot.
" Kasi aalis na ako bukas, uuwi Kasi Yung amo ko galing sa pribinsya may hinatid sila na tulong kaya Naman kailangan ko pa siyang asikasuhin. Alalahanin mo na walang gagastos sayo dito at kung nasa pangangalaga Kita matustusan mo pa ang sarili mo atsaka mapa ayus mo pa ang Bahay niyo." Wika Naman Niya sakin.
Nakikinig lang ako sa mga sinasabi ni Auntie sakin.
" Yan Naman Ang pangarap ng Tatay mo ang ayusin Ang Bahay niyo. Kaso nga lang kapos na kapos Siya kaya Naman Wala siyang nagawa kundi mag hintay na lang " wika naman Niya.
Gusto ko na namang umiyak dahil totoo Ang sinabi ni Auntie. Pangarap ni Tatay na may magandang Bahay kami dahil ayaw niyang nahihirapan ako sa pag tulog tuwing may ulan bigla nalang Kasi tutulo Ang mga tubig na nanggagaling sa bubong kaya nababasa ako pag natutulog.
" Inday, kailangan mong mag sikap para may maganda kang buhay. Iwan mo Ang lugar na ito at baguhin mo ang buhay mo at ayusin mo " wika naman Niya sakin.
Napabuntong hininga naman ako ng dahil sa sinabi ni Auntie Grace sakin.
Nag isip ako ng malalim at agad naman akong nag desisyon.
"S-sige po, sasama na po ako sayo" wika ko Naman.
Ang bigat ng nararamdaman ko ngayon hindi ko alam kung dapat ko ba Yung sabihin o Hindi.
" Mabuti naman Inday, wag kang mag alala Hindi Naman Kita pababayaan nangako ako sa Tatay mo na aalagaan Kita wag kang mag alala" wika naman Niya sakin at niyakap ako.
" Sige na, mag Paalam kana muna sa mga kasamahan mo dito para mamamayang Gabi mag iimpake ka nalang ng mga gamit mo" wika naman Niya sakin habang nakangiti.
Ang bigat ng nararamdaman ko ngayon, pero di bale na Basta matupad ko lang Ang mga pangarap ni Tatay para sakin. Isa din sa pangarap Niya ay Makatapos man lang sana ako kahit elementary lang.
" O-opo" wika ko Naman at malungkot na tumayo at nag tungo na sa labas ng Bahay.
Tiningnan ko Naman Ang buong Bahay at ngumiti ng mapait.
" Iiwanan na Kita, wag kang mag alala babalikan din Kita pag napa ayus na Kita. Wag ka sanang mag sawang hintayin ako" wika ko Naman habang nakangiti sa Bahay namin.
Umalis Naman ako at agad naman akong nag tungo sa mga Kapitbahay namin.
" Oh, kumusta pakiramdam mo?" Tanong naman ni Ate joy sakin.
" Ito po nag papagaling parin, nga pala gusto ko po sana na bantayan niyo Ang Bahay "wika ko naman habang nakangiti.
" Bakit, San ka ba pupunta?" Tanong naman Niya sakin habang may hinahawakan na walis.
" Aalis na po ako pupunta na po ako ng Siyudad" sambit ko Naman.
" Ayy naku Naman Inday, wag kang mag bibiro ng ganiyan" wika naman Niya habang maiiyak na.
" Mga Kapitbahay Ang Inday natin aalis na!" Wika naman Niya.
Napakamot na lamang ako sa ulo dahil Ang lakas ng boses niya dahilan upang lumabas Ang mga ibang Kapitbahay namin.
" Inday naman, wag kang umalis dito kaya Naman namin mag bigay sayo ng pagkain tiyaka mag ambagan na din kami para may pang tustos ka sa Araw Araw" Sabi Naman ni Nanay Evelyn.
Umiling naman ako habang nakangiti.
" Wag na po, sasama na po ako Kay Auntie Grace. Salamat sa mga tulong niyo sakin. Pakibantayan niyo po Yung Mga manok ni papa" wika ko Naman sakanila.
" Mag ingat ka ha, bukas ihahatid ka naming lahat sa terminal, bawal umayaw" wika naman Niya sakin.
Iiling iling naman ako ng dahil sa sinabi niya sakin. Maya maya pa ay agad naman akong nag paalam sakaniya dahil pupunta muna ako sa hideout namin.
Ilang minuto lamang ay nakarating na ako sa Bahay samahan at sinalubong Naman ako ng mga kasamahan ko
" Baklesh, andiyan na Ang mother natin!" Wika naman ni Yoshang.
" Yoshang, tawagin mo nga silang lahat dahil may sasabihin akong importante" wika ko Naman sakaniya.
" Yes Mother!" Sambit Naman niya habang maarteng nag aayus ng buhok at tinawag na Ang buong Gang ko.
Nag tungo na ako sa upuan na nasa harapan at Maya Maya pa ay kumpleto na din kaming lahat.
" Oh bossing, anong sadya mo? Okay ka lang ba?" Tanong Naman ni Kumir sakin.
Sumenyas Naman ako na umupo muna silang lahat at nag iba naman ang expression ng mukha nila dahil seryuso ko silang tinitigan.
"Makinig kayong lahat" wika ko Naman habang nakatingin sakanila ng seryuso.
" Aalis na muna ako at siguro matagal pa tayong magkikitang muli" wika ko Naman.
" Boss Naman, HAHAHA nag bibiro Ang boss namin!" Wika naman ni Balagtas habang tumatawa.
Nag tawanan na din silang lahat, bigla ko namang ibinagsak Ang kamay ko sa lamesa. Natahimik Naman silang lahat at nakatingin sakin.
" Hindi ako nag bibiro, alam niyong Wala na si papa... Ngayon aalis na ako, Ang gusto ko lang mangyari ay alagaan niyo ang Gang natin at alagaan niyo ang libing ni Tatay. Wag sana kayong mag away away " wika ko Naman.
Bigla Naman silang tumalikod at Yung iba ay nakatingala na dahil maiiyak na sila.
" Wag kayong mag alala kung Minsan Naman ay dadalaw rin ako dito" wika ko Naman habang nakangiti.
" Boss, Naman pabigla bigla kayo " wika naman ni Kumir habang pinupunasan Ang luha.
" Wala akong choice Kumir kundi gawin Ang lahat ng ito, babalik ako dito pangako ko Yan. Alagaan niyo ang isa't isa at wag niyong baguhin Ang nakasanayan. Wag kayong mag away away at intindihin niyo lagi Ang isa't isa" wika ko Naman.
Nag iyakan na silang lahat, kahit lalaki Ang mga andito umiyak parin Sila.
Nag group hug Naman kaming lahat.
" Isang pamilya!! Di papatinag, dahil laging Matatag!!" Sigaw Naman naming lahat at nag yakapan at nag iyakan Naman ulit kami.