Habang iniimpake ko ng mga damit ko Hindi ko na napigilan Ang mga luha ko na papatak, gusto kung pigilan at pakalmahin Ang sarili ko pero Kasi Hindi ko talaga alam kung paano dahil sobrang nasasaktan ako.
" Inday, ano? Hindi mo ba gusto sumama sakin wag mong pilitin Ang sarili mo. Ayuko na masaktan ka Lalo pag dating natin sa Siyudad" wika naman ni Auntie Grace sakin.
Agad Naman akong tumingala at agad ko ng pinunasan Ang mata ko tiyaka ako ngumiti sakaniya.
" H-hindi po, buo na po Ang desisyon ko. Hindi ko lang po talagang maiwasan na isipin Ang mga tao sa paligid ko nakakamiss po Kasi Sila" wika ko naman Kay Auntie Grace.
Ngumiti Naman Siya sakin at bumuntong hininga. Agad Naman siyang lumapit at umupo sa tabi ko tiyaka Niya Ako niyakap ng mahigpit.
" Inday, alam mo ba na mawawala yang pagka miss mo sakanila pag andun kana sa Siyudad, Ang daming magagandang bagay dun " wika naman niya sakin.
Nag taka Naman ako at nag isip kung ano ba Ang magandang Bahay sa Siyudad, rinig ko kasi Ang usap usapan ni kuya Marco at Yung mga kapatid Niya na Hindi daw maganda sa Siyudad, Yung hangin Hindi sariwa at maingay daw.
" Pero po marami po Kasi akong narinig na Hindi daw maganda sa Siyudad" wika ko Naman Kay Auntie.
" Ano kaba naman, Hindi ka pa nga nakarating dun. Wait until you see" wika naman niya.
Agad namang kumunot ang noo ko ng dahil sa sinabi niya sakin.
" Ano po Yun? " Tanong ko Naman dahil Hindi ko Siya maintindihan.
Iiling iling naman siya sakin habang natatawa.
" Pambihira Naman yang si Andoy, Hindi ka man lang Niya pinag aral! Nga pala Hindi mo ba pupuntahan Ang puntod ng Tatay mo?" Wika naman Niya sakin.
" Ako po Yung ayaw, Hindi na po ako pinilit ni Tatay. Ayaw Niya kasing makita na nahihirapan po ako. Ayuko po, ayukong mag Paalam sa puntod ni Tatay baka Kasi Hindi ako makaalis." wika ko Naman.
" Iha, mas maigi kung may pinag aralan ka. Hayaan mo pagkarating natin sa siyudad ay pag aaralin Kita...irerespeto ko Ang desisyon mo Sige mag impake kana" wika naman ni Auntie sakin.
Aayaw sana ako sa Plano niyang paaralin ako pero agad Naman niyang pinigilan Ang bibig ko na mag salita.
FAST-FORWARD>>
Maaga akong nagising dahil ngayon na kami aalis ni auntie.
" Ang bango naman nitong niluluto ko, swak na swak to sa babaunin namin" wika ko naman habang nakangiti at inaamoy Ang niluluto ko.
Madaling Araw kanina ay naka handa na ako at tapos na din akong naligo.
Ala syete na pala ng Umaga kaya Naman nag mamadali na akong nag tungo sa loob ng kwarto ni Auntie at agad naman siyang ginising.
" Auntie, gising na po kayo" sambit ko Naman habang pilit siyang ginigising.
" Ahhh!!" Wika naman Niya habang humihikab at nag unat unat pa ng kamay.
" Anong oras na ba?" Tanong Naman Niya sakin.
" Ala syete na po ng Umaga" wika ko Naman.
Nang mapatingin Siya sakin ay nagulat Naman Siya. Naka suot ako ng jacket na may nakalagay na Varsity, Sombrero na itim naka palda din ako ng mahaba at naka sapatos ng itim at pinaresan ko ng mahabang medyas.
" Susmaryusep Naman iha!! Anong klaseng kasuotan ba yang sinuot mo" wika naman Niya sakin.
Tumayo Naman Siya agad at dinala ulit ako sa loob ng kwarto ko at nag hanap Siya ng masusuot ko.
" Isa lang ang pantalon mo?" Wika Naman Niya habang nakatingin sa pantalon kung luma.
Tumango Naman ako bilang tugon sa sinabi niya sakin.
" Ay naku naman talaga, bahala na luma ito nalang suotin mo wag ka ng mag jacket sobrang init sa pilipinas ngayon tapos Yan pa ang susuotin mo!" Inis na wika ni Auntie.
Agad ko namang hinubad Ang damit ko, at sinuot na Ang puting damit na may kalumaan na din, pinahubad na din ni auntie ang medyas kung mahaba. Paborito ko pa naman Ang medyas na ito may iba't ibang kulay kasi.
" Ayan mas maigi tingnan kesa sa suot mo kanina" wika naman Niya at agad na lumabas.
Inayus ko na lang muna ang hinubad kung mga damit at agad na nag tungo sa kusina.
Sabay na kaming kumain ni Auntie. Nag mamadali na din siyang kumain dahil maliligo pa siya. Ewan ko sa Auntie kung ito sobrang bagal niyang kumilos parang ewan talaga ito.
" Tao po!!"
Bigla Naman akong napatingin sa pintuan, Kay aga aga nag sisimula na silang nag sisigawan aba!
Agad Naman akong nag tungo sa pintuan at binuksan ito ng dahan dahan, naninigurado lang ako na Hindi ito mga sira ulo.
" Bossing!!"
Napaka malas ko mga sira ulo pala Ang mga ito.
" Bossing, ito oh dalhin mo nag ambagan kami para makabili ng Alak para sayo" wika naman ni Balagtas sakin.
Napangiti Naman ako at agad na kinuha ang binili nilang alak.
" Ayus to ah, may tubig na ako patungong Siyudad" wika ko Naman habang nakangiti.
" Ito pa boss, pulutan para di po kayo mainip sa byahe" wika naman ni Kumir at ibinigay Ang tatlong balot ng Ding dong.
" Salamat naman" wika ko habang nakangiti.
" Sasamahan na namin kayo patungo sa terminal, mag hihintay po kaming lahat dito sa labas" wika naman niya sakin.
Tumango lang ako bilang sagot sakaniya.
Maya maya pa ay natapos na din si Auntie Grace sa pag aayus niya. Agad agad naman kaming umaalis.
Habang nag lalakad kami ay tiningnan ko na lang Ang Bahay namin ni papa, Ang Bahay na maraming masasayang ala ala.
" Paalam na muna, Mahal na Mahal Kita" wika ko naman at tumalikod na.
" Inday, mag ingat ka. Dalhin mo itong mga prutas at Gulay para may makain ka dun sa Siyudad" wika naman ng mga Kapitbahay ko.
Inabutan Naman nila ako ng Gulay at prutas may Native na kape pa at mga kakanin.
" Salamat, bantayan niyo Yung Bahay ko" wika ko Naman habang nakangiti.
" OO, pasensya na Hindi kana namin mahahatid sa terminal" wika naman nila habang naiiyak.
Tumango na lamang ako at niyakap Sila Isa isa.
Sumakay na ako ng tricycle Kasama si Auntie Grace, Yung mga ka brothers ko Naman ay sa jeep Sila sumakay.
" Talagang Mahal na Mahal ka ng mga tao sa inyo, Sabi Naman ng Tatay mo matigas Ang ulo mo at Isa ka sa laging laman ng barangay hall niyo" wika naman ni Auntie Grace sakin.
" Totoo po Yun, lagi akong laman ng barangay hall dahil binugbog ko kung sino mang mag tangkang mag nakaw o may gagawing kahayupan sa barangay namin, walang niisang nag lakas loob na mag nakaw dahil pag nakita ko Sila uuwi silang maraming bukol" wika ko Naman.
" Talaga namang napaka basagulera mo!" Wika naman ni Auntie.
FAST-FORWARD>>
Nakarating na kami sa terminal at Isa isa na silang nag paalam sakin. Gusto kung umiyak pero pinigilan ko na lamang Ang sarili ko.
" Mag ingat ka boss, wag kang nakikipag basag ulo dun " wika naman ni Balagtas sakin.
" Sus, wag kayong mag alala dahil kaya ko naman Ang sarili ko" wika ko naman habang natatawa. Aba ako nga Ang sumasalo sa mga sapak ng mga kalaban namin.
" Sige na aalis na ako, wag niyong pabayaan Ang mga sarili niyo. Ang pamilya natin at Ang Bahay ko " wika ko Naman.
Agad Naman silang gumawa ng linya at pangalawang beses na parang kinatok Ang dibdib.
" Paalam boss!!" Sigaw nila.
Nakisali na din Ang ibang konduktor na kakilala ko.
Yumuko Naman silang lahat sakin. Ngumiti na ako at tumalikod na.
Pumasok na kami ni Auntie sa loob ng bus at Dahan dahan na itong umandar.
" Tsk, tsk. Pambihira para kang Reyna sa ginagawa nila" wika naman Niya habang natatawa.
Natawa na lamang ako, naiisip ko Naman na normal lang Yun. Simula Kasi noong 11 years old ako ganun na sila simula nung iniligtas ko ang Anak ng kapitan namin sa barangay.
Dalawang oras pa ang lalakbayin namin patungo sa Siyudad kaya, tumitingin tingin na lamang ako sa mga daan at magagandang tanawin.
" Nga pala pagdating natin dun, wag kang mahihiya. Mababait ang amo natin at Hindi ka nila papabayaan lalo't alam nila na pamangkin Kita" wika naman ni Auntie sakin.
Napanatag Naman Ang loob ko ng dahil sa sinabi niya sakin, mas maigi kung mabait ang magiging amo ko.
" Ang gagawin mo lang dun ay sundin Ang utos nila sayo, tapos wag na wag kang kukuha ng ano mang bagay na makikita mo at alam mong Hindi sa iyo" wika naman Niya sakin.
Tumango Naman ako bilang tugon sa sinabi niya.
" Tapos, wag ka talagang gala ng gala" wika naman ni Auntie sakin.
Napabuntong hininga na lamang ako dahil Wala Naman akong balak na gumala pag Hindi Siya Kasama.
Ilang oras palang kaming nasa byahe pero yung mata ko ay Hindi ko na kinakaya.
Unti unti ng bumigat Ang mga talukap ko at agad na akong nakatulog.
FAST-FORWARD>>
Ginising na ako ni auntie at Dahan dahan naman ako nag mulat. Kinusot kusot ko na din ang mata ko at hinawakan Ang bibig ko kung tumulo na Ang laway ko.
" Andito na Tayo, bumaba kana diyan baka susunduin na tayo ni eric" wika naman Niya sakin.
Sumunod na lamang ako sakaniya at agad na tumayo at nag lakad palabas.
Ang ingay pala talaga dito. Mukhang tama nga si Kuya Marco maingay Ang Siyudad.
" Grace!!"
Bigla Naman akong napalingon sa tumawag Kay Auntie Grace at nakita ko Ang Isang lalaking ka edad niya lang.
" Oy Eric, salamat Naman at andito ka. Eto pala Ang pamangkin ko si Inday" pakilala Naman ni Auntie sakin.
" Ay hello, iha pumasok na kayo at Tayo'y tutungo na sa Bahay " wika naman Niya.
Nang bubuksan ko Ang pinto ng kotse ay di ko ito mabuksan, si Auntie Naman ay nakapasok na sa loob.
" Dito kana sa kabila pumasok" wika naman Niya sakin.
Agad agad naman akong nag tungo sa kabila, ng makita ko ang malinis na kotse ay dali dali ko namang hinubad Ang sapatos ko at iniwan na ito. Nakakahiya naman sa amo namin na si Eric.
Pumasok na ako sa loob at umalis na Ang kotse patungong Bahay ng amo namin.