Chapter One (continuation)

1097 Words
"Tita Guada naman! Hindi naman ako Panget ha?!" Reklamo ni Carol sa kanyang tita Guada. Kaibigan ito ng kanyang Mommy. "Hija.. Diba kailangan mo ng trabaho ngayon? Sige na please?" "Pero sabi mo kailangan ng boss mo ng panget na secretary? Di mo ba nakikita tong mukha ko Tita? Ako yata ang pinaka-maganda sa barangay natin!" Pagmamaktol ni Carol sa tita Guada niya.. Ito ang nagpalaki sakanya at nagpa-aral. Kahit hindi sila magka-ano ano inalagaan siya nito simula mamatay ang kanyang magulang nuong bata pa lamang siya.. "Baka tangalin ako ng Boss kong halimaw kapag wala akong nahanap na Ugly Secretary! Nakakaloka anak. Sige na pumayag kana?" Napasimangot si Carol sa sinabi ng kanyang Tita. "Grabe ka na talaga Tita ha?! Panget ba ako ha?" Parang bata na nagmamaktol si Carol "Fifty Thousand ang sahod mo.. Ayaw mo ba?" "What?!" Namilog ang kanyang mata sa sinabi ng tita niya. Kasalukuyan silang nag hahapunan sa kanilang bahay "Yes Hija.. Tumataginting na Fifty thousand a month! Kaya nga naisip ko ikaw nalang ang kunin ko.. Tutal kaka-Graduate mo lang sa College at matalino ka naman, Papapangitin mo lang ang itsura mo araw araw.." Oh my gosh! fifty thousand?! Gooooooooo!!! Napainom agad ng tubig si Carol dahil muntik na siya mabila-ukan sa sobrang excitement sa sweldong narinig "Tita naman! Bakit di mo agad sinabi yung sweldo? Madali naman akong kausap!" Todo ngiti pa ni Carol sa kanyang tita Guada "Hay nako mukha ka talagang perang bata ka!" Natatawa ito sa reaksyon niya "Kailan ba ako magsisimula tita?" Excited na tanong niya "Bukas na" "What?! Paano ako papanget tita?" ganda ganda ko kaya haha paano ako mag-papapanget? Makinis ang mukha ko.. Palagi pa akong Muse sa school namin dati.. Ako din ang Campus sweetheart sa school namin.. Chinita ako at maganda ngipin ko. may dimples pa ako! Tell me paano ako papanget? "Use Makeups!" Todo ngiti nitong sabi saknya "Di naman ako nag memakeup tita" Nag-iisip padin si Carol kung paano siya magpapanget . Umakyat naman ang Tita Guada niya pagkatapos nilang kumain ng hapunan. Naghugas naman siya ng pingan at nag ligpit ng kinainan nila.. Di padin bumababa mula sa second floor si Tita Guada niya kaya inakyat na niya ito "Tita? Tita?" kumatok siyang mahina sa kwarto nito "Pasok ka anak dali.." Pumasok naman agad siya sa kwarto nito. Ang gulo ng kwarto nito. Lahat halos ng damit nito nakakalat sa kama nito. "Anong ginagawa mo tita?" Nagtatakang tanong niya dito "Come here.. papahiramin kita ng pang Manang na damit.. Kailangan mo maging baduy sa paningin ni Boss para maisip niyang panget ka" May ibinigay sakanya itong damit. Isang Kulay dilaw na blouse at kulay itim na paldang mahaba. "S..Sure ka dito tita?" Napangiwi si Carol sa damit na ipapasuot sakanya. ewww ang baduy naman nito? Likas ang pagiging maarte sa katawan ni Carol. Halos dalawang oras kung maligo siya. At napaka-fashionista din niya. Mahilig siya sa mga crop tops dahil sexy siya at mahilig din siya sa mga revealing na damit dahil malaki ang kanyang dibdib at pinagmamalaki niya ito palagi "Oo Sure ako.. Yan ang isuot mo bukas okay?" Inabot naman sakanya nito ang isang makeup kit.. "Bukas Kapalan mo kilay mo eto ang gagamitin mo" Inilabas nito ang isang black eyeliner "Tita hindi naman yan pang kilay eh? Pang check-eye yan!" Reklamo ni Carol "Basta ito ang gamitin mo para maging kamukha mo yung nasa T.V" mahina itong natawa "Sino dun tita? Wala akong kamukha sabi ng mga classmates ko unique ang beauty ko no!" "Si betty Lafea gagayahin mo" tumawa na ito ng tuluyan mukhang enjoy si tita guada sa ginagawa niya sakin ha? "Fine! Sige na nga!" Napa-irap nalang siya sa hangin "Kapalan mo din blush on mo.. Tapos Eto Mag salamin ka." Binigyan siya nito ng salamin "Hindi naman malabo mata ko tita!" "Walang grado to.. Suotin mo na wag na maraming tanong" "Okay Fine!" Kinuha na niya ang salamin "Bukas ng umaga 7am palang kailangan naka-ayos kana.. Ayaw ng boss ko ng mga taong Late. Nga pala May Rule siyang pinapasabi sayo" "Rule? Ano naman yun?" "Hindi ka pwedeng magkagusto sakanya! Kukurutin ko yang singit mo pag nagkagusto ka sakanya mawawalan ka ng trabaho." "What?" duh? Feeling gwapo naman pala yung boss na yun! "Sobrang gwapo ng boss natin. Ako na nagsasabi sayo anak.. Kahit lalaki ata magkakagusto sakanya eh. Paano Half Korean Half Pinoy siya kaya umayos ka!" "Don't worry tita.. I'm sure naman di ako maiinlove sakanya dahil may boyfriend na ako no!" ang gwapo kaya ni Alex! "Naku walang walang sinabi si Alex sa Boss ko. Pag nakita mo yun para kang nakakita ng tunay na kasabihan ng gwapo" Napa-irap si Carol sa sinabi ni Tita Guada niya. Na-intriga siya kung sino kaya ang Boss niya "Fine whatever tita! Basta makaka-asa yang boss mo na hindi ako maiinlove sakanya. Yun lang ba rules niya?" "Oo basta sundin mo lang lahat ng iuutos niya.. Be effective and efficient okay? Magandang Kompanya ang pagtatrabahuhan mo kaya tiisin mo na lang yung ugali ng boss natin" "Fine Fine Fine tita.. Ako ng bahala tita don't worry okay?" "Osige na matulog kana.. Bukas agahan mo ang gising ha.. Mag Alarm ka" "Okay Tita.. Good night I love you! Ganda ng interview mo sakin ha.." "Swerte ka Head ako ng H.R.. Nga pala wag mo sasabihin kaano ano kita okay? sabihin mo isa ka sa mga nag apply kahapon ng hapon" "Oo na tita ako na bahala" She kissed her tita guada before she went out of her tita guada's room Nakahiga na siya sa kama niya ng mag text ang nobyo niya one message from Alex: busy baby ko? Napataas naman kilay ni Carol sa text ni Alex.. Hindi baby ang tawag nito sakanya kundi Loves.. she replied may work nko. Start ako bukas, Anyway bkit baby ang tawag mo skin? wrong semd ka ba? Matagal bago ito nag reply from Alex : siyempre baby kita at loves kita. Congrats Napa-irap naman sa hangin si Carol.. Tatlong beses na kasi niya itong nahuling nambabae kinutuban nanaman siya ngayon. Pero binalewala na lang niya dahil ayaw na niya mastress. To Alex : ok good night from alex: Good night loves. love you baby ko Alam ni Carol na nagpapalusot lamang si Alex panigurado may kinakausap nanaman itong ibang babae.. Hindi niya din maintindihan ang kanyang sarili kung bakit okay lang sakanya sa tuwing nambababae ito.. Hindi naman siya nasasaktan Ipinikit nalang niya ang kanyang mata para maghanda ng energy bukas. Dahil First Day niya sa First Job niya! Yahooooo! Excited siya sa sweldo niya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD