Chapter two

993 Words
"Huminga ka ng malalim bago ka pumasok sa kwarto na yan" Bulong sakanya ni Tita Guada niya. gosh nakaka-tense pala! Lahat kasi ng tao kanina nakatingin sakin.. Yung iba panget-na-panget sakin.. Halos isang oras nag ayos si Carol upang mag-iba lamang ang kanyang itsura. Pinakapal niya ang kanyang kilay na parang linta.. Pinakapal niya din ang eyebags niya nilagyan niya ng eyeshadow ang ilalim ng mata niya upang magmukhang puyat siya.. Actually mukhang Adik sa kanto! "Tita Bakit ang susungit ng mga tao dito?" Bulong niya sa tita niya habang naglalakad sila patungo sa Private Room ng magiging Boss niya. "Hindi sila masungit.. Takot lang sila mag-ingay" bulong pa din nito sakanya "Ay Bawal madaldal dito?" "Oo bawal kaya umayos ka.." Hmmm Paano naman ako magiging maayos? Ang panget panget ko ngayon! Naka-suot ako ng kulay dilaw na blouse ni tita na maluwag sakin at Paldang itim na mahaba.. Tapos yung blush on ko pa parang sampung kilo! Inayos ni Carol ang kanyang salamin dahil baka malaglag.. Hindi siya sanay mag salamin Mula umalis sila ng bahay nila kanina madaming tao ang napapatingin sakanya. Ang iba pinagtatawanan siya.. Gusto niya irapan ang mga ito. Pero deep inside her nalungkot siya. Ganito pala pakiramdam ng pangit? Masyado palang harsh ang mundo para sa mga pangit.. Para sakanya mas pangit pa yung mga taong ginagawang katatawanan ang pagiging panget ng iba.. Mga walang puso "Prepare yourself.." Sabi ni Tita guada niya bago ito mahinang kumatok sa pinto Parang kinabahan naman siya dahil ito ang unang trabahong papasukan niya. Sana magtagal siya sa kompanya dahil malaki ang sahod "Come in" Isang baritonong boses ang nag salita sa loob ng Private room shet bakit ang ganda ng boses? Dahan dahan binuksan ni Tita Guada niya ang pintuan ng Private office ng kaniyang magiging boss. Nasa likuran lang siya ng kanyang Tiyahin "B..Boss kasama ko na po yung bagong secretary niyo" The moment she step inside his private room parang napako naman ang paa niya at di siya makagalaw! Napalunok siya ng Tatlong beses at Sampung beses siyang kumurap! T...Tao ba siya?! Ohhh Sheyt! Ang gwaaaapo!!!! Siniko siya ng kanyang tiyahin kaya napigilan niya ang sariling mapatulala dito. Yumuko nalamang siya.. hindi sinabi ni tita guada na nakakapanghina pala ang kagwapuhan niya.. "G..Good morning B..Boss" Napalunok si Carol ng muntik na siya ma-utal Alam niyang titig na titig ito sakanya. kahit nakayuko siya ramdam niyang nakatitig ito sakanya "Good morning.. Good Job Mrs,Guada" Napangiti naman ang Boos nila ng mapagmasdan siya. Ohhh Shet Loooord bakit niyo siya pina-ngiti? Hihimatayin nako! tama si tita guada.. Walang wala si Alex sa kagwapuhan nito.. "She is Carol Chua.. Fresh graduate of Techno Makati University---" "Let her introduce herself Mrs.Guada, Makakalabas kana" Nawala na yung ngiti nito nanging seryoso na uli ito "O..Okay Boss" Yumuko lang ang tita niya at pasimple siyang pinandilatan Napalunok naman siya ng tuluyang makalabas si tita Guada ng Private room "Tell me about Yourself" Pinaupo siya nito sa harap ng table nito nanginginig ang tuhod niya bago siya dahan dahan nakaupo sa upuan nakaharap dito Gosh nasaan ang dila ko? "G..Good morning Boss.. I'm Carol Chua twenty years old, Graduated from Techno Makati University. I took up bachelor of science in Business Administration Major in Financial management" Hindi padin makatingin ng deretso si Carol sa mukha ng Boss niya dahil napakagwapo nito "Why you can't look at me?" Tila napansin nito na hindi siya maktingin dito "A..Ah eh.. Kasi po kinakabahan ako.. First Job ko po kasi ito" Nakakapang-hina ng buto ang kagwapuhan nito.. kung sa ibang pagkakataon niya lamang ito nakilala panigurado nilandi na niya ito hihi "Do you find me attractive?" Nakakunot nuong tanong nito "Po? N..Naku hindi po Boss.. M..Malabo po yun dahil may boyfriend na po ako" Nataranta si Carol sa tanong ni Gavin kaya ninerbyos siya "Are you sure?" "O..Opo naman Boss.. At kailangan ko po ng trabaho ayaw ko po mawalan ng trabaho kung mag....Mag... magkakagusto ako sayo Boss" Napalunok si Carol dahil nanlalamig na pati lalamunan niya "Good" Tinitigan siya nito kaya napyuko siya dahil baka mapansin nitong maganda talaga siya "M..Makaka-asa po kayo boss. Trabaho lang po walang personalan" Ngumiti siya dito para pakalmahin ang sarili "You are Very Ugly but you have perfect set of teeth" Naka-kunot nuong sabi nito Napa-ubo naman si Carol sa sinabi nito "E...Eh Siyempre boss eto na nga lang maganda sakin.. Siyempre inaalagaan ko po ang ngipin ko.. Kayo din naman po maganda ngipin niyo" "You praise me?" Lalo nakunot ang nuo nito "Na..Naku hindi po sa ganon. Ang ibig ko po sabihin maalaga kayo sa ngipin katulad ko.. Wala pong halong malisya yun boss" gustong kutusan ni Carol ang sarili sa mga pinagsasasabi niya "Fine.. malinaw naman sayo ang Rules ko diba?" "Opo Boss! Hinding... hindi ...ako ....magkakagusto ...sayo" Pahina ng pahina yung boses ni Carol at napayuko siyang muli dahil napatitig nanaman siya sa mukha nito his face... Perfect... Paano ako hindi magkaka-Gusto sayo?! Nakita mo na ba sarili mo sa salamin Boss?! Nakakapang hina ka ng brain at ng heart my gosh! "Okay.. Chinese ka ba?" "Half chinese half pinay po" "Bawas-bawasan mo yang makeup mo.. Lalo na yung kilay mo.. It's very Distructive" Seryoso padin ito "N..Nako Boss A..ayaw ko po.. Fashion ko ito walang paki-alamanan!" Natakpan ni Carol ang bibig niya.. Nasobrahan ata siya sa daldal! "S..Sorry po Boss!" Napansin niyang medyo napangiti ito. pero seryoso padin ang mukha.. "You can start to work now... Ayun ang magiging area mo" Ngumiti ito sakanya at tinuro sakanya ang table na malapit sa pwesto nito.. for real?! Araw araw kaming magkaharap?! torture itoooooo!!!!! "O..Okay Boss" Inumpisahan na ni Carol ang kanyang trabaho tinuro na sakany kanina ni Mrs.Guada kung ano ano ang mga gagawin niya Hindi maiwasan ni Carol ang mapatingin kay Gavin habang nagtatrabaho sila. Nag-uumapaw kasi sa kagwapuhan ang binata. Hindi niya maiwasan titigan bawat kilos nito.. I think... Crush ko agad siya.. Patay ako kay Tita Guadaaaa!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD