Chapter three

1062 Words
"Titaaaaa Guadaaaa!!!" Sigaw ni Carol sa tiyahin niya ng makauwi siya ng bahay nila Mabilis na umakyat siya sa second floor dahil wala ito sa ibabang bahagi ng kanilang bahay Nasa kwarto ito at nagbibihis ng damit. "Ano? Kamusta first day mo?" Tanong nito habang nagpapalit ng damit "Tita naman eh! Di mo naman sinabing mala-adonis pala si boss Gavin!" Nagmamaktol na reklamo ni Carol habang kinukuha niya ang wipes sa kanyang bag upang burahin ang kanyang makapal na makeup "So? Diba sabi ko sayo gwapo ang boss ko? Kaya umayos ka kung gusto mo ng malaking sweldo magtino ka anak ha!" nilapitan siya nito at tinangal nito ang pagkakatirintas ng kanyang buhok.. "A..Aray tita masakit! dahan dahan naman po." reklamo niya dahil nasaktan ang kanyang anit sa pagtangal nito ng tirintas ng kanyang buhok huhu sayang yung rebond ko! Paano ba naman kaninang umaga tinirintas pa ni tita guada yung buhok ko. "Kasi naman tita hindi naman siya gwapo lang basta basta eh.. Grabe yung mata niya kulay brown.. Sa unang tingin para siyang korean superstar na sobrang gwapo! Oppa talaga!" Naputol ang pag imagine ni Carol ng hilahin ng tita guada niya ang kanyang buhok "Naku ka anak! Hindi ka nga pwedeng magkagusto sa boss natin! Malalagot tayo pareho niyan eh" Hinimas himas naman ni Carol ang kanyang anit "Aray ko tita masakit yun ha. hindi naman ako magkakagusto sakanya. May boyfriend nako tita remember!" Iniwasan ni Carol mapatingin sa mata ng kanyang tita dahil baka masilip nito sa mata niya na nagsisinungaling siya "Osige na magpahinga ka na at may pasok pa tayo bukas.." "Good night tita i love you" hinalikan niya sa pisngi ang kanyang tiyahin bago siya lumabas nang kwarto nito Mag-isa lamang si Carol habang nag mumuni muni siya sa kanyang kwarto. haaay.. Makikita ko uli siya bukas.. Kaso hindi naman ako makapag-pacute sakanya Ngunit naisip din agad niya na sayang ang trabaho niya kung uunahin niya ang paglalandi kaya natulog na lamang siya at susubukang kalimutan ang pagkahumaling niya sa boss niyang super hot! Days passed by... Mabilis dumaan ang mga araw.. Nanatili siyang ugly secretary ni Gavin sa loob na ng Isang Buwan. Mabilis siyang magtrabaho kaya nagustuhan nito ang work performance niya. Kinalimutan nalang ni Carol ang pagkakaron niya ng crush kay Gavin dahil unang una may boyfriend na siya at gustong gusto niya ang trabaho niya. Kahit isang buwan na siyang nagtatrabaho sa Phil techno motor parts and services Inc, bilang ugly secretary ni Gavin hindi pa din niya ito nakakausap ng maayos. Pakiramdam ni Carol isa siyang robot na utus utusan lamang ni Gavin. Araw araw siyang nag-eeffort para magpa-panget ang kanyang itsura. Bumili pa siya sa ukay ukay nang mga damit na luma at baduy para lamang gampanan ang pagiging panget niya Nandito siya ngayon sa isang coffee shop, kakagaling niya lang sa kanyang trabaho, sweldo niya ngayon kaya naisipan niyang makipagkita kay Alex "Alex?" Napatingin si Carol sa lalaking nasa gilid ng coffee shop at tila may hinahanap. Tumayo siya at nilapitan ito.. Tinapik niya ang balikat nito "Late ka nanaman thirty minutes nako naghihintay sayo" Nakakunot nuo ito ng tignan ang itsura niya "Who are you?" Nakasimangot itong nakatingin sakanya Natampal ni Carol ang kanyang nuo ng maalala ang kanyang itsura! Hindi pala siya nakapagpalit ng damit at hindi pa niya nabubura ang kanyang makeup "Ay sorry nakalimutan ko magbura ng makeup" Hinanap ni Carol yung wipes sa loob ng bag niya "Shut up.. Layuan mo nga ako miss baka akalain pa ng mga tao dito girlfriend kita" Tinulak pa siya nito at nagmadaling lumabas ng coffee shop. Nahulog pa ang suot niyang salamin sa sahig dahil sa impact nang pagtulak nito sakanya Napatulala nalang si Carol sa inasal ni Alex. Hindi mo ako nakilala?! Gosh alex? Ganito ka pala mag-trato ng ibang babae? Napaka-Ungentleman mo! maya maya pa nakatangap siya ng tawag mula kay Alex. Sinagot niya agad ang tawag nito. Labis na pagkainis ang nararamdaman niya para dito "f**k Carol nasan ka ba? Kanina pa kita hinahanap dito sa coffeeshop! Halos isang oras nako dito pero wala ka padin! Isang buwan na nga tayong hindi nagkikita tapos nang-indian ka pa? f**k!" Lalong nagpintig ang tenga ni Carol sa mga sinabi ni Alex. First of all sinungaling ito kakarating lang nito kanina wala pang limang minuto! Ang kapal!!! "Makinig ka Alex.. Hindi nako makikipag kita sayo! Kahit kailan! Break na tayo! Ayaw na kitang makita Alex!!" Halos sigawan na niya ito habang tahimik lang itong nakikinig sa mga sinabi niya. "What? Carol naman----" end call.. She already ended the call Sobrang inis na inis siya sa kanyang boyfriend! Errr ex-boyfriend.. Nakilala na niya ang ugali nito. Kaya naman niyang tiisin ang pagiging babaero nito ngunit hindi niya kayang tiisin ang masamang ugali nito. "Carol?" Isang baritonong boses ang nagpalingon kay Carol.. Halos malaglag naman ang panga niya ng makita kung sino ang tumawag sa pangalan niya "B..Boss" Nanlaki ang mga mata niya dahil hindi niya inaasahan makita ito ngayong after work hours "Anong ginagawa mo dito?" tanong nito sakanya.. "Ah. Eh.." hindi niya maisip kung anong isasagot mabuti nalang pala hindi pa siya nagbubura ng makeup. Ngunit hindi niya napansin na wala siyang suot na salamin sa mga oras na ito dahil nalaglag iyon sa sahig. "I saw what your jerk boyfriend did" Seryosong sabi nito habang titig na titig sa mukha niya Ngumit nalang si Carol upang pagtakpan ang kanyang pagkapahiya "Hehe.. Nakipag break kasi ako sakanya boss.. Hindi niya matangap.. Kaya tinulak niya ako" Napakamot siya sa kanyang kilay Yumuko naman si Gavin at pinulot ang salamin niya sa sahig upang isuot sakanya "Here" "T..Thank you boss" Halos napatigil naman ang pag hinga niya sa ginawa nito. Bumilis din ang t***k ng kanyang puso "If a man treats you that way, you should let him go.." Humikab ito at parang antok na antok na.. Paano ba naman sobrang workaholic nito. Halos wala na nga itong ginawa kundi magtrabaho ang sipag.. Ang gwapo na nga masipag pa! "T..Thank you boss, first sahod ko po ngayon baka gusto niyo nalang po ako samahan mag..kape?" Tumingin lang ito sakanya. hindi ito sumagot sa alok niya. please say yes boss gavin! minsan lang akong manglibre! "D..Don't get me wrong boss, Hindi kita type remember?" Napangiti ito ng konti sa sinabi niya "Fine.." OMG PUMAYAG SIYANG MAG COFFEE WITH ME?!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD