Rain's POV, "Hindi ka pwedeng lumabas Rain! And that's final!" Napangiwi ako sa sigaw ni Thunder sa loob ng unit namin. Ayaw niya kasi akung payagan na lumabas. Sinabi ko naman na sasama ako sa mission ni Nix. Hindi ko sinabi na mission ko. Magtatanong pa ang kulog na to. "Babalik din kami ka agad. Pumunta na din sina Kate at Pink dito. Kaya payagan mo na ako." Sinabi na sa akin ni Kuya Slyde na alam na ng lahat sa special agent ang sekreto ko. Kaya tutulong sila hindi lang ipapaalam na sa taga TDR sila. Masangkot pa sa gulo ang TDR. "Kaya mas lalong hindi kana sasama. Sina Pink at Kate ang tutulong kay Nix." Sagot nito at iniwan ako sa sala. Naman. Kahapon pa eh. Ayaw niya talaga. Nakabusangot ako habang kinakain ang cake na binili namin kahapon. Malamig pa galing ref eh. Paano na to

