Rain's POV, Napasapo ako sa ulo ko ng matamaan ako ng siko ni Thunder. Mabilis naman itong bumaling sa akin at hinimas ang ulo ko na natamaan niya. "Sabi ko naman sayo na huwag makulit." Saad nito sa akin at pinaupo ako sa sofa. "Sa kwarto lang kasi ako ni Nix. May pag-uusapan lang kami. Jan lang naman sa kabilang unit." Dabog ko sa kanya. Dalawang araw na kami dito sa unit na tinutuluyan namin. At bored na ako. "Babalik ako ka agad. Pag-uwi ko kukunin na kita doon. Aayusin ko pa ang trabaho ko dito." Wika nito kaya napangiti ako. Yes!magkakausap na kami ni Nix. Kailangan ko ng tapusin ang problema nato habang hindi pa malaki ang tiyan ko. Nag pa check up na kami, tama nga buntis talaga ako. "Diba sabi mo nandito ang Daddy mo?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko pa kasi kilala ang Daddy niy

