Unconditionally Yours

1452 Words
Nakangiting humarap si Thea kay Yuhan. “I love you.” Sa wakas kaya na niyang bitiwan ang katagang iyon. “I love you too.” Hinila siya ni Yuhan at niyakap nang mahigpit. Ang suwerte niya dahil may lalaki pang handang tanggapin siya at mahalin. Isiniksik ni Thea ang sarili sa nobyo, amoy na amoy niya ang pabangong siya mismo ang pumili at bumili, suot din ni Yuhan ang relong ibinigay niya kahapon. Yuhan saved her from death, kung hindi ito naligaw noon ay hindi siya nito natagpuang duguan. Naging magkaibigan sila pagkatapos niyang nakalabas ng hospital. Tinulungan siyang bumangon muli. “Happy 1st anniversary, mahal,” bulong ni Thea kay Yuhan. Wala na siyang mahihiling pa. “Yuhan, please, let me explain, first,” pagmamakaawa ni Thea. Noong isang araw lang masaya pa nilang ce-ni-lebrate ang 1st anniversary nila. “Explain? For what, Thea? Hindi ako g*go!” galit na singhal ni Yuhan sa kaniya. Ang maamong mukha ni Yuhan ngayon ay parang papatay ng tao. Ang suot na puting long sleeve nito ay may bahid ng dugo, magulo rin ang lagpas tainga na buhok. Nagkalat ang mga bubog ng flower vase sa malamig na marmol na sahig, parang dinaanan ng ipo-ipo ang sala. “P-please, Yuhan.” Humakbang si Thea palapit kay Yuhan. “M-magpapaliwanag ako,” dagdag ni Thea. Biglang sinipa ni Yuhan ang maliit na center table. “Get out of my house! Baka makalimutan kong babae ka, Thea.” Hindi na kilala ni Thea ang kaharap ngayon, nabulag si Yuhan sa matinding galit. Kahit hinang-hina pinilit ni Thea na ihakbang ang mga paa palabas ng bahay ni Yuhan. “Thea!” malakas na tawag ni Tita Margaret, sa labas ng kuwarto niya, wala siyang ganang kumain o kahit kumilos ngayon. “Iiwan ko lang dito ang breakfast mo, Thea,” dagdag ni Tita Margaret. Halos isang linggo ng ganito siya, kahit ano’ng payo sa kaniya ng tiyahin na lumabas, mag-unwind o magbakasyon muna ay binaliwala niya ito. Napaigtad si Thea nang biglang nag-ring ang cell phone niya, mabilis na dinampot niya ito. “Hello,” sagot niya sa tumawag kahit hindi pa niya tiningnan kung sino. “Thea,” mahinang sambit ng nasa kabilang linya. Parang nanayo ang mga balahibo ni Thea sa katawan, inilayo niya ang hawak na cell phone at tiningnan kung sino ang tumatawag. Private number ang nakalagay sa screen. Masama ang kutob ni Thea, napahawak siya sa kaniyang tiyan. “C-Claire?” paninigurado ni Thea sa kausap. “I-I’m s-sorry, T-Thea,” hinging-paumanhin ng nasa kabilang linya. “Sorry? Bakit? May kasalanan ka ba sa akin Claire? At paano mo nalaman itong number ko?” nagtatakang tanong ni Thea sa dating kaibigan. Claire was her only friend noong nasa America pa siya, nilayuan ni Thea ito para hindi maramay sa problemang kinakaharap niya noon. “I-I was the one who sent the video to your boyfriend… M-Magnus threaten me, he will kill me, I’m sorry, Thea,” pag-amin ni Claire, parang sasabog ang utak ni Thea sa nalaman. She ended the call. Mabilis na kumilos si Thea at nag-impake ng mga gamit niya. Sigurado siyang nasa Pilipinas si Magnus ngayon at alam nito kung saan siya nagtatago. Mabuti na lang at umalis ang tuyahin niya mas safe ito kung walang alam kung saan siya pumunta. Hindi si Thea nag-aalala sa kaligtasan ni Yuhan. He was a former navy seal at nagpapatakbo ng sariling security service ngayon. Hindi na nagtaka si Thea kung bakit walang nalaman si Yuhan tungkol sa nakaraan niya. All about her background, was fake. Tinapon ni Thea ang cell phone na ginaganit niya. Alas-tres na ng hapon at hindi pa rin dumarating ang sundo ni Thea. She contacted her half-sister Faith using a burn phone.Ang mahabang kulay brown niyang buhok ay pinutulan at kinulayan niya ng kulay itim kanina, tinanggal niya rin ang suot-suot na contact lenses. Napaayos ng pagkakaupo si Thea nang may huminto na itim na SUV. Nang dumungaw sa bintana si Faith ay mabilis na tumayo si Thea at sumakay sa sasakyan ng kapatid. “Wow! Ang ganda talaga ng blue eyes mo, Ate,” litanya ni Faith na aliw na aliw pa. “Claire was the one who sent my intimate video scandal with Magnus to Yuhan, and they’re here in the Philippines right now,” imporma ni Thea sa kapatid. Natahimik naman si Faith sa nalaman nito. Kahit half-sister niya lang si Faith mahal na mahal ni Thea ang kapatid, pagod na siyang magtago. “Paano si Yuhan, Ate?” nanghihinang tanong ni Faith sa kaniya. Sinabi niya lahat dito ang mga plano niya para matapos na rin ang lahat. Yuhan POV Nilamon ng galit ang pagmamahal ni Yuhan kay Thea. Papunta na sana siya sa bahay ng tiyahin ni Thea nang nakatanggap siya ng video sa isang private number. It was Thea intimate video with another man. Nandilim ang paningin ni Yuhan, imbes na puntahan si Thea umuwi siya sa bahay niya at doon nagwala. “Ang lalim, ah,” pukaw ni Brix sa kaniya. Nakita niyang siniko ito ni Alden. “Maiba tayo,” panimula ni Alden. “Kinabahan ka ba? Kantiyaw ni Brix kay Alden, kauuwi lang nito galing America. “Hindi pa kaya ka nandito para humingi ng tulong kay Yuhan?” asar na turan ni Alden kay Brix, nabanggit ni Brix sa tawag nito kanina na may kailanagn ito sa kaniya. “Magnus Martin,” sambit ni Yuhan. Pamilyar sa kaniya ang pangalang Magnus Martin. “The only son of Kristoper Martin,” si Brix. Naalala na ni Yuhan kung bakit ito pamilyar sa kaniya. “He raped my cousin, Margo,” dagdag ni Brix. “Naalala ko na,” saad ni Yuhan. “Margo was working as a undercover agent last 2013, and Magnus discovered about it and raped my cousin, Tito Alfer got killed while saving Margo, nakatakas si Margo at hanggang ngayon wala akong lead kung nasaan siya ngayon, tatlong taon na rin ang nakalipas, kaya kailangan ko ng tulong mo, Yuhan, kakapalan ko na ang mukha ko,” si Brix. He said, yes, to Brix at ipinagpatuloy nila ang kanilang inuman, kailanagn niya ng pagkakaabalahan para makalimutan si Thea. “Baka nasa America lang ang pinsan mo, Brix,” sabat ni Alden sa usapan, nakikinig pala. “I doubt that, sana nagpakita na iyon sa akin,” sagot naman ni Brix. “May picture ka ba niya? Baka makatulong ako,” turan ni Alden. Mukhang pariwara lang itong si Alden pero marami rin itong koneksyon. “Here.” Inabot ni Brix ang kinuhang picture sa wallet nito. Nagtaka silang pareho ni Brix nang parang tinuklaw ng ahas si Alden. “Patingin nga!” Hinablot ni Yuhan ang hawak na picture ni Alden. Nanlamig ang buong katawan ni Yuhan sa nakita. Kamukha ni Thea ang pinsan ni Brix. “Bakit para layong tinuklaw ng ahas? Pinsan ko lang iyan,” natatawang komento ni Brix. “K-kamukha ni Thea,” narinig ni Yuhan na bulalas ni Alden. Nanginginig na binuksan ni Thea ang pinto. “Ate!” gimbal na bulalas ni Faith nang nabungaran siya. . Seven months ago, bumalik si Thea sa America para tapusin ang lahat at mailayo sa panganib si Yuhan. She lured Magnus at kumagat naman ito, she gambled her safety for her planned, nagtagumpay ang plano ni Thea. Magnus got killed while fighting against the FBI. Anim na buwan si Thea sa America nang naisipan niyang umuwi sa Pilipinas. She was ready to reveal her true identity to Yuhan… but she saw Yuhan, happily hugging his ex. Girlfriend, Seline. “She’s okay right now,” sabi ng doktor na tumingin kay Thea. “Kulang lang ako sa pahinga at kain, kaya huwag kang mag-aalala Faith,” pampalubag-loob ni Thea sa kapatid. Ayaw niyang pumunta sana ng hospital pero makulit itong si Faith kaya pumayag siya para na rin sa ikakapanatag ng loob nito. “May bisita ka pala, Ate,” sabi ni Faith, at tumayo sa pagkakaupo sa kama niya. Kumunot ang noo ni Thea, bukod kay Tita Margaret ay wala na siyang naisip na puwedeng maging bisita niya at nasa Boracay ngayon ang kaniyang tiyahin. . Hawak-hawak ni Yuhan ang kaliwang kamay niya. “Hinanap kita.” Ngumiti si Thea kay Yuhan. “Alam ko.” “I-I’m s-sorry,” garalgal hinging patawad ni Yuhan. Hnawakan ni Thea ang pisngi ni Yuhan, kahit na may karapatan siyang magalit dito, mas nanaig ang pagmamahal niya para dito. “Mahal na mahal kita,” mahinang wika ni Thea. Mas humigpit ang pagkakahawak ni Yuhan sa kamay niya. Love is a song that never ends, gaya ng pagmamahal niya kay Yuhan. Wakas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD