Broken

784 Words
PILIT niyang binabaliwa ang sakit ngunit kahit ano ang gawin ni Lea. hinding-hindi niya maloloko ang kaniyang sarili. Ikinuyom niya ang mga palad. Tahimik na lumuluha sa loob nang kaniyang silid tulugan. "Ang unfair niya!" humihikbing sabi ni Lea. sa sarili. "Mapanakit!" Kinuha niya ang kaniyang cell phone at pinatay ito. Dahan-dahan niyang ipinikit ang mga mata kasabay nang pagbalik-tanaw niya sa nakaraan. "Hi!" Nakita niyang nag-pop up sa notification ng kaniyang messenger ang mensahe. Maiksi pero nagdala ito ng kakaibang emosyon sa kaniya. Napangiti siya lalo nang nababasa kung kanino galing ang mensahe. Agad na binuksan niya ang mensahe galing sa espesyal na lalaki sa kaniyang buhay. Mabilis na tumipa siya ng kaniyang sagot para dito. "Hello! Kuya Jade kumusta po?" sagot niya sa mensahe ng lalaki. Nakita niyang nabasa na nito ang kaniyang sagot at gumalaw-galaw ang tatlong gray na tuldok senyales na tumitipa ito ng reply sa mensahe niya. "Good morning eat your breakfast then, drink your medicine, Lea!" Nakangiting bigkas niya sa nabasang mensahe nito. "Nasa trabaho na ako at may meeting kami mamaya bandang 10:00 am baka hindi kita maka-usap sa chat." Napangisi siya isang kasunod na mensahe nito. Nakalipas ang ilang buwan na nagpapalitan sila ng mensahe ay mas lalong nahulog ang loob niya sa lalaki. Hindi niya pa ito nakita ng personal at wala itong larawan na kahit isa sa social media. Nakilala niya ito sa isang writing platform. Naging magkaibigan sila dahil pareho silang mahilig magsulat ng kuwento. Alam niyang marami ang nagkakagusto rito at marami ang gustong makita ang totoong mukha nito. Tuwing may nakita siyang nakaka-usap nito sa mga post's sa f*******: ay nakakaramdam siya ng panibugho o selos. Hanggang isang araw naglakas loob siyang magtapat rito nang kaniyang nararamdaman. Nabigla ito sa nalaman at ang mas lalo siyang natuwa nang malaman niya na pareho sila nang nararamdaman sa isa't isa. Niligawan siya nito at hindi na siya nagpaliguy-ligoy at sinagot ang binata. Mahal niya ito kahit wala siyang ideya sa anyo o mukha nito. Nakalipas ang dalawang buwan ay mas lalong niyang minahal ang lalaki. Ramdam niya rin na mahal siya nito at kung gaano siya ka-espesyal para dito. Nagulat siya isang umaga at bigla na lamang itong nagpadala ng larawan sa messenger. Sa wakas nasilayan niya na rin ang mukha nito. "May tiwala ako sa iyo kaya pinakita ko ang larawan ko sa iyo, baby," ani nito. Tama nga ang hula niya na guwapo ito, may pagka-singkit, matangos ang ilong at mapupulang labi na kay sarap hagkan. Matangkad at may magandang pangangatawan. Umabot ng isang taon ang kanilang relasyon. Away-bati, tampuhan at selosan ay napagdaanan nila—pero sa huli naayos naman. Masasabi niyang perfect couple sila. Pero mayroong agam-agam sa kaniyang sarili, bakit parang wala itong balak na magpakita sa kaniya sa personal. Nasa Manila lamang ito at siya nasa Cavite lang, dalawang oras na biyahe ang itatagal. Kating-kati na siyang yayain itong magkita sila pero tuwing bubuksan niya ang ganitong usapin ay bigla itong nanahimik. Sa hindi inaasahang pangyayari namatay ang kaniyang tiyahin na nakatira sa Tondo, Manila. At lumuwas silang mag-anak. Matandang dalaga ito at tanging nag-iisang pinsan niya ang kasama nito sa bahay. Habang abala sa pag-aasikaso sa mga bisita hindi sinasadyang may nahagip ang kaniyang mata. "Ang guwapo talaga ng boyfriend ni, Carla!" rinig niyang sabi ng isang dalaga malapit sa kaniya. Galing siyang kusina at kumuha ng mainit na tubig. Si Carla ay pinsan niya. Parang kakapusin siya ng hangin sa nakita. Nanlalabo ang kaniyang mga mata dahil sa nakita. Si Jade at Carla ay magkasintahan! Bigla niyang naibagsak ang hawak na thermos. Napasinghap ang lahat dahil sa malakas na pagbagsak. At kitang-kita niya kung paano nanlaki ang mga mata ni Jade nang nakita siya nito. Kitang-kita niya ang pagkagulat sa mukha ng lalaki. Mabilis na tumakbo siya palabas ng bahay. Kaya siguro ayaw nitong magpakita dahil natatakot ito. Of all people bakit ang pinsan niya pa ang kasintahan nito. Pilit niyang pinapakalma ang kaniyang emosyon. Kailangan niyang maka-usap si Jade. Akmang tatayo siya mula sa pagkaka-upo ay may biglang yumakap sa kaniya. Hindi na niya kailangang hulaan kung sino ito. "I'am sorry!" garalgal na sabi nito. "Sino ang nauna sa amin!" galit na tanong niya. Napabitiw ito sa pagkakayakap sa kaniya. "Pinaglalaruan mo lang ba ako? Sumagot ka!" At sa galit niya, nasampal niya ito. Napayuko ito at hinimas ang nasaktang pisngi. "Ang unfair mo!" Napahagulhol siya. "I'm sorry at tinatapos ko na ang kung ano man ang mayroon tayo, Lea at kalimutan mo na ako." At tinalikuran siya nito ng walang pag-alinlangan. Maliwanag pa sa sikat ng araw na hindi siya nito minahal nang totoo. Nang dahil sa pagmamahal nadudurog ang puso niya ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD