Unwanted

987 Words
KATAHIMIKAN ang bumabalot sa buong paligid, ang malamyaw na liwanag ng buwan ang siyang nagbibigay liwanag sa madilim na silid, nakabukas ang dalawang bintana. Inilibot niya ang kaniyang paningin, napakunot-noo siya nang maaninag niya ang nakatayong bulto ng lalaki sa gilid ng bintana. Mas lalo siyang sumiksik sa kaniyang higaan at nagtalukbong ng kumot. Pilit na pinipigilan ang paghinga, rinig na rinig niya ang pagkabog ng kaniyang dibdib. Gustohin niya mang sumigaw ngunit wala siyang lakas ng loob, natatakot siya, nanghihina. “Alam kong gising ka!” Biglang umalon ang malambot niyang kama. Humigpit ang kapit niya sa kumot. Ramdam na ramdam niya ang presensiya nito sa kaniyang likuran. Napa-igtad siya nang maramdaman ang magaspang na palad nito sa kaniyang braso, hindi niya namalayan ma unti-unti na pala nitong hinawi ang kumot na nakabalot sa kaniya. Paano nga ba siya humantong sa situwasyon niya ngayon? _________ Nanakit ang buo niyang katawan, napahawak siya sa sumasakit na ulo. Ang huling naalala niya ay pauwi na siya galing sa trabaho, habang naglalakad siya sa madilim na eskinita ay bigla na lamang may humarang sa kaniya at hindi na niya nasundan o maalala ang mga sumunod na pangyayari. Nakahiga siya sa malapad na kama ng magising siya, may maliit na sofa at malaking salamin sa bandang kanan niya halos walang gamit dito. Magulo ang kaniyang buhok na para bang hindi nakapagsuklay ng ilang araw. Namamaga ang kaniyang manipis na labi at punit-punit ang suot niyang blusang itim. Akmang tatayo siya mula sa pagkakaupo sa kama nang may biglang nagsalita. “Pumasok ka sa pintuan na nasa kaliwang bahagi ng kuwarto,” utos nito sa malamig na boses. Takot ang nangingibabaw sa kaniya. Hinanap niya ang pinanggalingan ng boses, pansin niyang parang may maliit na speaker na nakapatong sa lamesita. “Faster!” Napatayo siya dahil sa sobrang kabang nararamdaman, nanginginig ang mga tuhod niya habang naglalakad patungo sa pintuan. Pinihit niya ang seradora at bumukas ito. Tumambad sa kaniyang paningin ang puting kama at may lalaking nakahubad at nakahiga roon, nanlaki ang kaniyang mata ng mapansin na gawa sa salamin ang naturang silid. “Close the door, Maricar!” Tila natuklaw siya ng ahas. Paano nito nalaman ang kaniyang pangalan? Maingat na isinara niya ang pintuan at sa nanginginig na boses siya ay naglakas-loob na magsalita,"S-sino ka? A-ano ang kailangan mo sa akin?” Napayuko siya nang maramdaman na parang may tumutulo sa kaniyang paa. Halos lumuwa ang kaniyang mata ng makitang may dugong umaagos mula sa kaniyang mga hita. Bago pa man siya makapagsalita ay may naramdaman siyang matulis na bagay na tumusok sa kaniyang leeg, at sa tantiya niya wala pang isang minuto ay nandilim na ang kaniyang paningin. Ramdam niya ang mainit na hininga na lumalapat sa kaniyang leeg, gustohin niya mang gumalaw pero— wala siyang lakas. Ang mainit na palad ng kung sino ay walang-habas na humahaplos sa buo niyang katawan. Hindi niya maipaliwanag kung bakit tila gising na gising ang kaniyang diwa ngunit hindi niya kayang igalaw ang buong katawan. “You are mine, Maricar! You are mine! At ngayon na wala na ang hadlang para tuluyan kitang maangkin!” Ramdam niya ang magaspang na palad nito sa kaniyang dibdib. Marahas na pinisil-pisil nito. Gusto niyang sumigaw! Gusto niyang manlaban ngunit— paano? Alam niyang wala siyang suot na damit, tumigil sa pagpisil ang lalaki sa kaniyang dibdib. Naramdaman niyang bumangon ito. “Open your eyes, Maricar!” dumagundong ang malakas na sigaw nito sa buong silid. On that moment, ay biglang niyang naidilat ang kaniyang mga mata at nagkaroon ng lakas ang kaniyang katawan. Bumungad sa kaniyang paningin ang isang lalaking may kahabaan ang buhok, nakasando itong itim at naka-boxer lang, matipuno ang pangangatawan nito at namumula ang mga mata. “S-sino ka?” nauutal na tanong niya dito. Hindi niya masyadong naaninag ang buong wangis nito. Sa isang iglap ay nandito na ito sa kaniyang tabi. Parang huminto bigla ang kaniyang paghinga pati na rin ang pagpintig ng kaniyang puso. Biglang sumikip ang paligid tila lumiit ang silid, kakaiba ang kaniyang naramdaman na hindi niya maipaliwanag kung ano ito! Nakipagtitigan siya sa lalaki, umuwang ang kaniyang mga labi nang mapagtanto kung sino ito. “C-Carlos,” aniya. “P-patay ka na h-hindi ba?” hindi makapaniwalang bulalas niya. Ngumisi ito at hinawakan nang sobrang higpit ang kaniyang braso, hindi niya alintana ang sobrang sakit sa pagkakahawak nito dahil sa takot at kaba. Humalakhak ito na tila demonyo. “Patay! Akala mo ganoon lang kadali akong patayin, Maricar? Tingin mo hindi ko malalaman ang plano ninyo ng pinsan ko? Ha?” Naglalakad-lakad ito. Tumigil ito sa paanan ng kama. “Ano ang ginawa mo kay, Marcus!” sigaw niya dito. Umigting ang panga nito, bigla siyang kinabahan nang makitang lumabas ang matulis na pangil nito, pulang-pula ang mga mata na tumingin ito sa kaniya. Sa isang iglap lamang ay nasa ibabaw na niya ito. “ Isang banggit pa ng pangalan niya, hindi ako mag-aatubiling paslangin ang pinakamamahal mong pinsan ko!” Mabilis na na sinunggaban siya nito nang maparusang halik. Walang ingat na inangkin siya nito nang paulit-ulit. Tanging pag-iyak lamang ang kaniyang nagawa. Si Carlos napili ng kaniyang mga magulang na pakasalan niya ngunit— nobyo niya ang pinsan nitong si Marcus. The only way para hindi matuloy ang kasal niya kay Carlos ay ang mawala ito, pinagplanuhan nilang magnobyo na patayin ito. Para kapag nawala ito ay hindi na siya mapipilitang pakasalan ang lalaki. Buong akala niya ay nagtagumpay sila ni Marcus pero— hindi pala. “Hanggang hindi mo ako kayang tanggapin sa buhay mo, mananatiling bilanggo ka rito sa mansyon ko!” Bigla nawala ang presensiya nito. Napahagulhol siya ng maalala kung bakit siya nasa ganitong sitwasyon ngayon. Halos anim na buwan na siyang nakakulong sa impyernong ito! At tuwing madaling-araw ay takot at pagkamuhi ang kaniyang nararamdaman. Napahawak siya sa umuumbok na tiyan niya, she was pregnant again!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD