Unexpected

892 Words
“H-hi! V-Vanessa!" nauutal na bati niya sa dalaga. Napatigil ito sa pakipagdaldalan sa mga kaibigan at liningon siya nito. Labis na galak ang kaniyang naramdaman, sa wakas nakuha niya ang atensyon ng magandang dalaga. "May kailangan ka?" tanong nito. Pagkakataon na niya ito na ibigay ang regalong matagal na niyang gustong ibigay sa dalaga. Unang nakita niya ito ay agad na nabighani ang puso niya sa dalaga. Matangkad ito at kutis porselana. Kilalang-kila ito sa buong campus. "P-para sayo!" nauutal na sabi niya dito at iniabot ang hawak na regalo. Agad naman nitong kinuha. "Salamat, Alex!" pagpapasalamat nito. Labis na tuwa ang kaniyang naramdaman sa mga oras na iyon. Sa wakas nakalapit na rin siya sa dalaga. Nagpaalam na ito na babalik sa mga kaibigan nito. Matapos ang maiksing pag-uusap ay nakangiti siyang naglakad patungo sa kaniyang klase. Nasa huling taon na sila ng high school. At ang tanging dasal niya ay makalapit at mapansin ni Vanessa. Pagkatapos ng kaniyang huling klase ay naisipan niyang dumaan sa classroom ni Vanessa magkaiba kasi sila ng section at medyo may kalayuan ito sa kaniyang silid. Napatingin siya sa kaniyang pambisig na relo. "Mag-a-alas singko na pala ng hapon," mahinang sambit niya. Nagmamadali siyang pumunta sa kaniyang pakay. Habang papalapit siya sa classroom ng babae ay rinig na rinig niya ang malakas na tawanan ng mga kaibigan nito. Kabisado na niya ang mga boses ng mga ito sa tagal ba naman niyang sinusundan at binabantayan ang mga ito. "Seriously Vanessa? Tinanggap mo ang bigay na regalo ng nerd na iyon?" rinig niyang tanong ng isang kasama ni Vanessa. "Bakit? Masama ba? Mayaman iyon at patay na patay sa akin!" sagot naman ni Vanessa. Medyo nasaktan siya dahil sa narinig. Pero ang mahalaga ay tinanggap ng dalaga ang kaniyang ibinigay. Isang set ng hikaw at kuwentas ang kaniyang regalo. Tunay na ginto ang mga iyon walang halaga sa kaniya ang pera basta para sa babaeng mahal niya. Nerd ang tawag sa kaniya. Nakasalamin na makapal na hindi naaayon sa modernong panahon. Mahiyain at walang bilib sa sarili. Mayaman nga sila pero tampulan naman siya ng tukso rito sa kanilang school. Marami ang nagsasabi na may ibubuga naman siya kung mag-aayos siya bukod sa hindi makinis at maraming pinples ang kaniyang mukha ay sobrang kapal pa ng kaniyang kilay. Hindi na siya tumuloy sa pagpunta kay Vanessa mas pinili na lamang niyang umuwi. Lumipas ang mga araw at araw-araw siyang nagbibigay ng manahaling regalo sa dalaga pati na rin sa mga kaibigan nito. Minsan niyaya siya ng mga ito na sumama sa kanilang bonding. "Sasama ka ba mamaya sa amin, Alex?" tanong ni Vanessa, nasa canteen sila ngayon at nilibre niya ang mga ito. "O-oo naman," sagot niya. May usapan ang mga ito na mag-overnight sa isang resort malapit lang sa lugar nila. Wala pang sampung minuto ang biyahe mula sa labas ng kanilang subdivision. Alas-siyete ang kanilang usapan na magkikita-kita sa labas ng resort. Nagpahatid siya sa driver nila sa naturang resort. "Inom pa, Alex!" At agad na nilagok niya ang inabot sa kaniyang alak ng kasama. Siyam silang lahat na narito at apat na babae at limang lalaki na pawang kamag-aral din niya. Alam niyang bawal pa silang uminom ng alak pero dahil maloko ang mga ito at nagdala pa talaga rito. "Iihi lang ako," biglang paalam niya sa mga ito. Pabalik na siya nang mapansin na wala na ang kaniyang mga kasama. Naikot na niya ang buong resort pero wala talaga. Pati ang tatlong staff ay wala rin. Abot-langit ang kaniyang kaba. Biglang bumigat ang pag-ihip ng hangin. Pakiramdam niya naninikip ang kaniyang dibdib sa hindi maipaliwanag na dahilan. Tumakbo siya papasok ng kaniyang silid. Pagmamay-ari ng pamilya ni Aldrin ang naturang resort at solo nila ito ngayon gabi at bukas ay sabado naman at walang pasok. Hinihingal na napaupo siya sa sahig pagod na pagod na siya sa kakaikot sa buong resort pero wala talaga ang mga ito. Bigla siyang napaayos ng upo ng maramdamang may malamig na bagay na nakalapat sa kaniyang batok. Dahan-dahan siyang lumingon. "V-Vanessa!" nauutal na wika niya. Namumula ang mga mata nito langhap na langhap niya ang malansang amoy mula rito at— puno ng dugo ang damit at sariwa pa. "Mahal ko!" nakangising demonyong sambit nito. Nanindig ang kaniyang mga balahibo sa boses nito. "A-ano ang nangyari sayo? At bakit may dugo?" kinakabahang tanong niya dito. "Ano ka ba mahal nakalimutan mo bang naglalaro tayo?" malungkot sa sagot nito. "Hindi ba mahal na mahal mo ako?" dagdag pa nito. Tumango siya bilang pagsang-ayon sa sinabi nito. "Ganoon naman pala! Halika ka! Tulungan mo akong kunin ang mga mata nila!" masayang wika nito at hinila siya patungo sa likurang bahagi ng resort. “Please check your internet connection!” Naitapon niya ng wala sa oras ang hawak na cellphone. “Nandoon na! Buwesit naman oo! Malalaman ko na kung ano ba talaga ang nangyari!” Tumayo siya at nilapitan ang kabigan na masama ang tingin sa kaniya at parang papatay ng tao. “Baliw ka ba, Drei? Bakit mo itinapon ang cell phone ko? Kabibili ko palang niyan!” galit na galit na sigaw ni Chen. Napatakbo siya sa ikalawang palapag ng apartment. For sure makakatikim na naman siya ng karate ala Jackie Chan mula sa kaibigan. Nakalimutan niyang hindi pala sa kaniya ang naibatong cell phone.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD