"Hunter. Did you catch him?" Kasalukuyan na siyang nasa loob ng hospital kung saan dinala si Dean. Kasalukuyan na itong inaasikaso ng mga doctor para maalis ang bala ng baril na tumama sa likod nito na dapat ay para sa kanya. Ngayon lang niya naisip na tawagan si Hunter dahil kanina habang papunta sa hospital ay kaligtasan lang ni Dean ang nasa isip niya lalo at nawalan ito ng malay. She's so damn worried because she didn't know how deep the gunshot was or how his body was handling it. Alam niyang unang beses makaranas ng ganoon ni Dean kaya labis siyang nag-aalala! And yes... She's afraid to lose him. It makes her terrified thinking that she would lose him and it's because of her! Ni hindi na nga siya makapag-isip ng matino kanina na pinaka-unang beses nangyari sa kanya. "We're sti

