Kinabukasan ng gabi ay isinama naman siya ni Dean sa bar ng kaibigan nito dahil na rin sa pamimilit niya. Gusto niya kasing makipagkilala sa mga ito ng maayos lalo at nagkaunawaan at nagkasundo na sila ni Dean na magpapakasal sila. Umalis rin muna ulit si Hunter para ayusin ang ilang transaksiyon sa negosyo nila at para na rin kunin ang mga kinakailangang dokumento niya para sa kasal nila ni Dean. "Honey, this is Clinton, this is Bruce Axell, this is Luke and this is William." Isa-isang itinuro sa kanya ni Dean ang mga kaibigan nito at ipinakilala kahit kilala naman na niya ang mga ito. May kulang pa nga sa mga iyon na isa at alam niya ring busy na iyon sa pamilya nito. "Hi, I'm Deborah. You can call me Debbie or Deb for short." confident niyang pagpapakilala sa mga ito habang nakangiti

