First Day,
"Namiss kita!" Simpatikong ngiti pagkatapos sambitin ng binata ang mga kataga sa dalagang nasa harapan nya.
Hindi naman makapag salita ang dalagang naka upo mula sa isang upuan sa loob ng isang silid na iyon. Mahinhin nyang inipit sa kanyang tenga ang tumikwas na mga buhok sa kanyang mukha. Ngumiti sya at nilingon ang nag mamay-ari ng boses na iyon. Ngunit bago pa man nya masilayan kung sino ang lalaki ay nagising na sya mula sa napaka gandang panaginip na iyon dahil sa malakas na paghampas ng kanyang ina sa isang malaking kaserola.
"Madam! Hoy! Gising napo! Nakahanda na ang almusal at ang iyong mga gagamitin sa iskwela! Gising napo at mahuhuli na kayo sa inyong unang araw ng eskwela!" Madiin ngunit pasigaw na turan ng kaniyang ina.
Pupungas pungas at kamot ulo na gumising si Haven Zella Cruz mula sa kanyang higaan. Nakatalikod ang kanyang ina at lalabas na sana mula sa kanyang silid ngunit hinabol nya ito at niyakap mula sa likuran.
"Good morning mother earth! Mahal na mahal kopo kayo ni Papa!" lambing nito.
"Nakuh! Ayan nanaman tayo! Lambing lambing! Uunahan ng lambing dahil ayaw mapagalitan!" ngunit sagot ng kanyang ina.
Humagikgik naman si Haven ngunit mas lalo pa nyang hinigpitang ang pagkakayakap dito. " Basta Ma, kahit ilang beses kapa magalit saakin hinding hindi magbabago ang pagmamahal ko sa inyo ni Papa. Mag aaral ako ng mabuti at bibigyan ko kayo ng isang magarbo at magandang buhay! Tatawaging kayong Donya Helena at Don Nestor Cruz! Hinding hindi na kayo mapapagod sa gawaing bahay at hindi nadin kayo papasok ni Papa sa trabaho dahil ang tanging gagawing nyo nalang ay ang magbilang ng pera at mag travel sa whole wide world, and I thank you!" Taas noo at tila determinadong wika niya sa kanyang ina.
"Iha! Matulog ka nga muna tila nananaginip kapa!" sagot ng ina nya.
"Ma! Libre lang mangarap gaya nga ng sabi nila diba? Kaya kung mangangarap ako, aba'y dapat taas taasan kona dipo ba? Kahit doon man lang ang bongga ng pangarap ko!"
"Anak! Madami akong gustong sabihin sayo pero mahuhuli kana sa school. Unang araw ng eskwela pero baka mapunish ka kaagad dahil sa nahuli ka sa klase gusto mo ba yun? Move! Now na!" Sabay hampas sa pwet ng kanyang anak.
"Ma naman!" reklamo ngunit natatawang nasabi nalang ni Haven.
"Hoy! Magmadali ka ha pero kumain ka ng almusal kundi kakaltukan kita! Mag toothbrush at maligo kana nga! Ang bantot mo!" pahabol ni Helena sa anak nya habang minamasdan itong bumababa ng hagdan, hindi sya sinagot nito ngunit nakita nya ang kamay nitong kumaway kaway sa kanya.
...
...
"Oh! Maupo kana at kakain na!" pandidilat ng ama ni Haven ng bumaba sya sa hagdan. Ngayon ay nakahanda na itong pumasok gamit ang kaniyang bagong plantsang uniporme at sa kanang balikat neto ay nakasukbit ang unicorn color na bagpack neto. "Tinanghali kana ng gising samantalang yung ibang estudyante dyan ang agang gumising dahil alam nilang first day of class. Sila excited samantalang ikaw parang walang pakialam."
"Papa naman. Syempre excited po ako nga lang eh napasarap yung tulog ko po. Ganda ganda na nga sana ng panaginip ko pero naudlot kase ginising ako ni Mama." Nakasimangot nyang sagot.
"Anu? Kasalanan kopa na ginising kita ganoon ba?" Agad namang pameywang ng Mama nya.
"Ma, hindi naman yun ang ibig kong sabihin. Kaso lang po kase ang ganda ng panaginip ko eh! Makikita kona ung mukha ng soulmate ko, nakita kona ung ngiti nya eh! Napaka ganda at pagka tamis tamis kaso tinatamaan ng liwanag ung kabuuan ng mukha nya. Kaunti nalang makikita kona kaso boom! Wala na!" kibit balikat nya.
"Haven Zella Cruz! Gusto moba mag asawa ka nalang? Pangako hindi na kita gigisingin para pumasok ng eskwela. Pero yung iyak ng mga magiging anak mo ang gigising sayo. Gusto mo?" Walang ekspresyong turan ng kanyang ina.
"Ma naman! Ang KJ! Parang hindi dumaan sa pagka teenager!"
"Ay nakuh, dumaan yan sa pagka teenager pero sa ibang kalsada dumaan!" Tatawa tawang sagot ng kanyang ama na sinagot naman ni Helena ng isang matalim na irap.
"Sige! Daldal pa! Mamaya wala ka nang masasakyan papuntang school! At ikaw namang matanda ka kailan ba maayos yung sasakyan sa repair shop ha? Aba'y naka ilang labas na ako ng pera ah, hanggang ngayon naandun padin imbes na may magamit sa paghatid o pagsundo man lang kay Haven sa School. O kaya pang service natin papasok ng trabaho. Anu? Mag cocommute nalang tayo ulit? Ganito nalang ba forever?"
"Ma! Walang forever!" tila hugot na sagot ni Haven.
"Pilosopo! Kumain kana jan at mahuhuli kana kundi babawasan ko baon mo sige!" ngunit sungit na sagot ng kanyang ina na nagpa haba ng kanyang nguso.
"Asawa ko galing na ako kahapon sa talyer. Ang sabi ni pareng Ermie malapit nadaw matapos iyon. Hinihintay lang nila iyong piyesa na inorder nila mismo sa Maynila tapos pag meron na yun ikakabit na nila ng magamit na. Hayaan mo pag ka out ko sa trabaho dederecho ako doon para makita ulit. Malay mo mamaya susunduin kita gamit yung sasakyan."
"Aba! Gasgas na yang linyang yan Nestor! Naka ilang sabi kana saakin na may inaantay lang na piyesa hindi ba? Hanggang ngayon hinihintay padin nila? Grabe naman! Mag iilang linggo na yun doon ah! Ako'y nababanas na jan sa pare mong yan! Baka naman pineperahan lang tayo tapos kinakahoy pala yung sasakyan natin! Kahit may pagkaluma ung sasakyan na yun original yun! Vintage!" subalit patuloy na protesta ni Helena.
Kamot ulo nalang ang naisagot ng asawa nya habang si Haven ay patay malisyang ngumunguya ng kanyang pagkain.
"Oh ngayon walang nagsasalita sa inyo? Ayos! Ang ganda nyong kausap!Nakakatuwa!" patuloy ni Helena habang palipat lipat ang tingin sa kanyang mag ama.
"Ma, Pa! Pasok napo ako!" Paalam ni Haven upang maka exit na sa kanilang bahay.
"Anak teka! Hintayin muna ako, ihahatid kita!" Sagot ng kanyang ama.
"Pa! Fourth year high school napo ako! Hindi po ako preschool or elementary student na kailangan ihatid sundo. Baka mamaya kantyawan pa ako ng mga schoolmates ko." protesta nya.
"Oo nga naman! Gusto mo lang iwasan ang pagbubunganga ko sayo eh! At isa pa baka nakakalimutan mo! Magkaiba kayo ng ruta. Tayong dalawa ang magsasabay. Ako ang ihahatid mo!" Nang uuyam na ngiti ni Helena sa kanyang asawa.
"Ah! ehh! Sabi ko nga anak! Si Mama mo nalang pala ang ihahatid ko!" Kamot ulo nalang at kaway nito sa kanyang anak.
"Bye Pa! Ingat ka kay Mama!" Pilyong sigaw ni Haven mula sa labas ngunit dinig ng kanyang magulang mula sa loob.
"Abat!" tanging nasabi nalang ng kanyang ina. Tatawa tawa naman ang kanyang ama ngunit ng lingonin sya ng asawa ay agad itong nagpatay malisya na tila ba walang narinig.
"Yang anak mong yan mana talaga sayo! Loko-loko!"
"Nakuh! Asawa ko mas mana sayo ang anak natin. Alam mo ba sa twing nakikita ko sya naaalala ko noong kabataan natin. Hindi bat ganyang ganyan kadin noon? Masayahing pilya? Makulit ngunit malambing? at higit sa lahat ubod ng ganda! Kaya nga pinipilahan ka ng mga kapwa ko binata noong araw eh! Kaso malas nila, ako ang naka bingwit sa matamis mong oo!"
"Abah! Swerte mo pero malas ko! Sa dami ng nanligaw saakin may mayaman pa pero ikaw ang napili ko! Kung sana ay sinagot ko yung manliligaw kong milyonaryo baka andun ako ngayon sa ibang bansa ina amoy amoy ang dolyares ko!" Simangot nito.
"Naku! Kahit ilang dolyares pa yan! Walang makakatapat sa naibigay ko sayong apaka ganda at guwapong mga anak at syempre isang masayang pamilya! Yun ang hindi mabibili ng pera na kaya ko namang maipagmalaki sa mga manliligaw mo dati!" Taas noong sambit nga nito na nagpunta sa sala at tila may binubutingting.
"Okay! Sige! Oo na! Ikaw na! Eh di ikaw na!" Palakpak nalamang ni Helena. Hudyat nang pag surrender nito sa kanilang debate.
Lumapit naman ang kanyang asawa at lumapit sa kaniya habang nagsisimulang umalingawngaw sa kanilang bahay ang paborito nilang musika.
"Maaari kobang maisayaw ang napakagandang misis ko?" matamis na ngiti at paglahad ng kanyang kamay.
"Anu nanamang paandar yan?" Tanung ni Helena ngunit ngingiti ngiti naman at pinipigilang kiligin.
"Halika na asawa ko. Matagal tagal nadin mula ng maisayaw kita hindi ba?Sige na wag kana magpa kipot!" subalit ay aya padin nito.
"Sige pero pagkatapos nitong kantang to gagayak nadin tayo ha? Sayang ang isang araw na sahod!" bulong ni Helena sa asawa sabay hagikgik ng mahinhin.
"Oo naman! Ikaw paba? Basta sinabi mo sinusunod ko hindi ba?" malambing na wika nito.
"Sus! nga ba?"
"Asusshh! Wag kana komontra sumayaw nalang tayo ng dahan dahan mahal ko." muling ngiti ni Nestor sa asawa nyang si Helena.
..
..
..
"Excuse me! Padaan po please!" Pakiusap ni Haven sa mga nakakasalubong nya sa daan. Rush hour ngayon maraming papasok sa kani kanilang trabaho at eskwelahan. Halos masubsub sya sa paglakad at pagtakbo na kaniyang ginagawa para lamang maabutan ang pampasaherong jeep na kaniyang sasakyan papuntang eskwelahan. Unang araw palang ng pasukan ngunit halos malate nanaman si Haven Zella Cruz sa pagpasok. Tatawid na sana siya papunta sa kabilang kalsada ng walang anu-ano'y may biglang humarurot na sasakyan sa kanyang harapan at natalsikan ng bahagya ang kanyang bagong itim na sapatos at puting medyas ng putik.
"Anak ng! Ughhh! Maflattan ka sana! Feeling mo ikaw ang hari ng kalsada!" Piping sigaw nya sa kaniyang isip. Nagtitimpi syang sumigaw at magpaka wild dahil tanaw nya mula sa kabilang kalsada ang mga kapwa nya estudyante na naghihintay din ng pampasaherong sasakyan papuntang eskwela.Wala namang ibang nakapansin sa nangyaring iyon kaya agad nyang kinalma ang sarili na tila ba walang nangyari. Lumingon sya sa kanan at kaliwa, pagkatapos ay kaliwa at kanan. Nang masiguradong malayo layo pa ang agwat nya sa mga paparating na sasakyan ay agad syang tumakbo upang makatawid. Wala pang ilang minuto ay natanaw na nya ang pampasaherong jeep na may ruta papunta sa kanilang paaralan. Halos sabay sabay silang nag para upang makuha ang atensyon ng driver ngunit sa isip-isip ng Haven "Bakit paba kami nag papara? Eh obvious naman na sasakay kami? Sure naman akong alams na ni manung driver yun!" Iwinaksi ni Haven ang isiping iyon ng makaparada na ang jeep sa harapan nila, agad syang nakipagsiksikan upang makakuha ng pwesto sa loob ng jeep dahil tancha nya ay mapupuno ito ng mga kapwa nya estudyante. Hindi nga sya nabigo at agad syang naka hanap ng mauupuan. Ilang sandali pa ay binabaybay na nila ang kahabaan ng Markus Highway na syang ruta papunta sa kanilang paaralan. Habang nasa maikling byahe ay iniisip nya ang kaganapan ngayon sa kaniyang School. Inilabas niya ang kanyang panyo at ipinunas ito sa natalsikan nyang sapatos at medyas. Naiinis sya habang iniisip ang nangyari kanina ngunit agad din namang nag iba ang expression ng kanyang mukha ng maalalang makakasama nya ulit ang kaniyang mga dating kamag-aral at mga kaibigan. Not to mention ay makikita nya ulit ang kaniyang secret crush na si Yvez Kiel Reyes. Napangiti sya ng maalala nya ito, sino ba naman kaseng babae ang hindi mafafall sa kagaya nyang pogi na, matalino pa. Yun nga lang ay tila yata takot itong makipag kapwa tao. Iilang beses nya palang nakitang ngumiti at nakipag usap si Yvez sa mga kaklase nila na hindi related sa kanilang pinag aaralan mula ng mag transfer ito noong sila ay third year pa lamang. Mula sa di kalayuan ay natanaw na nya ang kanilang paaralan,nakita nya ang mga kapwa nya estudyanteng nag kukumpulan sa harap ng gate. Ang iba ay nakatayo na tila tambay doon, ang iba naman ay tila may inaabangang katropa kuno nila habang ang karamihan ay pumapasok na sa loob ng gate. Agad syang bumaba at excited na pumasok sa gate. Hinanap ng kaniyang mga mata ang mga pamilyar na mukha sa kaniya. Una nyang natanaw ang kapitbahay lang nilang si George. Gaya nya ay naka uniporme din ito ngunit hindi palda kundi black slacks at may kaunting bahid ng kolorete sa kanyang labi at mga pisngi. Ang kanyang mga lakad ay may pitik na tila ba'y kumekembot sa pagrampa. Agad nya itong kinawayan at dali daling lumapit sa kanya.
"Uy! Anong section ka?" Tanung agad nya dito ng syay makalapit.
"Bruha ka! Bat ngayon kalang? Unang araw ng pasukan palang ha! Dumaan ako sa inyo kanina para sana sabay na tayo kaso sabi ng Mama mo nasa banyo kapalang at tila nag jejebz, hihintayin sana kita pero kasabay ko yung apurado kong kapatid na si buchok alam mo naman yun reklamador, kaya next time nalang!"
"Hoy bakla! Bunganga mo nga nakakahiya! May makarinig sayo!" pandidilat nito.
"Nakakahiya?Ang alin naman? Na nagjejebz ka ganun?" Takang tanung nito.
"Sige! Ipagsigawan mopa!" Pandidilat ni Haven.
"Bat kase hindi ka gumising ng maaga ha? Hulaan ko napuyat kana naman kakanood ng telenovela nuh? Tama ako nuh?" Dutdut nya sa braso ng kaibigan.
"Aray naman! Oo na!" Simangot nya.
"Aray daw! Masakit ba yun? Masakit? Yan, sige! Nood pa! Puyat pa imbes na magreview! Kaya di tumataas grades mo eh!"
"Wow! Hiyang hiya din naman ako sa grades mong palakol!" Sumbat din ni Haven.
"Eh bakit!? Sino bang may kasalanan nun ha?" sagot ni George na naka pameywang.
"Edi ako!" Bawi ni Haven na naka busangot ang mukha.
"Buti alam mo! Sayo lang naman ako nagmamarket ng mga sagot nuh! Syempre kung ano sagot mo, yun din sagot ko kase nga friends tayo! Diba nga two heads are better than one?" Tuwang tuwang wika ni George.
"Bakla, baka marinig tayo nila Maam at Sir! Bunganga mo!" Ani Haven. "So anu? Paanu yan? Baka dina tayo magkaklase ngayon paanu na?"
"Of course not! I-aallow ba naman ni Lord yun? Syempre hindi nuhh! Don't worry the universe got us!"
"Anung ibig mong sabihin?" Tanung ni Haven.
"Magkaklase parin tayo. Kaya tuloy padin ang tandem natin! Aahhhh!" Kinikilig na tili ni George kahit na maraming nakatingin sa kanila. "Kaso may problema ehh..." bigla nya ding bawi.
"Anu naman?" tanung ulit ni Haven.
"Si Mrs. Minchin ang adviser natin!" Bulong niya.
Agad na nanlaki ang mga mata ni Haven sa narinig. Batid niyang ang tinutukoy ng kaibigan ay ang terror teacher ng kanilang campus na si Mrs. Ligaya De Mano. Tinawag syang Mrs. Minchin sa sobrang pagiging istrikto nito at seryoso. Ni minsan ay hindi pa nila nakitang ngumiti man lang ito kahit na sa mga kapwa nya guro. Binigyan na lamang nila ito ng alyas na Mrs. Minchin gaya ng nasa sikat na palabas.
"Patay tayo dyan! Tsk! Tsk! Tsk!" tanging nasambit nya.
"Oo nga eh! Kaya pag sya ang guro natin dapat behave lang tayo. Nakuh! nakakatakot pa naman yun magturo. Boses palang nya para na akong maiihi sa salawal ko!"
"Grabe ka naman! Ang O.A naman nun!" Saway ni Haven.
"Gaga! Seryoso ako nuh! Kaya dapat yung hawak nyang subject mag self review tayo doon ha? No copying! Yun man lang sana mai self supporting natin without the help of each other!" Nakasimangot na wika ni George.
"Gaga! Ikaw lang yun nuh! Ikaw kaya itong nangongopya saakin! Tuturuan mopa ako ng isasagot mali-mali naman pala!" Ismid ni Haven.
"Oh atleast may ambag ako nuh! Kahit majority sa mga sinagot ko ay mali, kahit papaanu may isa o dalawang tama padin doon." Irap nito.
"Proud ka nun? Aral aral din kase minsan ha? Wag puro asa saakin hane? Wag kase panay lalaki inaatupag?" Irap din ni Haven.
"Hmp! Akala mo naman ang taas taas ng grades! Eh isa, dalawang puntos nalang magiging line of palakul nadin ung mga nasa card mo bruha ka! Buti nga nagpa ubaya ako sa ibang tamang sagot para di tayo mahalata!"
"So dapat kung ipagpasalamat yun?" Pagtataray ni Haven.
"Hindi! Sinasabi kolang!" Irap din ni George.
"Hayy nakuh! Bahala ka nga jan! Mauuna na ako sa classroom para makapili ako ng magandang spot!" Sagot na lamang ni Haven.
"Hoy! Wait! Antayin mo naman ako! Ito naman napaka sensitive mo!" Sigaw ni George at hinabol ito.
"Ewan ko sayo!" Pagtataray na sigaw naman ni Haven. Habang papasok sa classroom nila ay iginala agad niya ang kanyang mga mata. Tinignan din nya ang kanyang orasang pambisig. Nagtaka sya dahil halos iilan palang silang nasa silid aralan samantalang ilang minuto pa ay malapit ng mag ring ang bell ng kanilang campus. Hudyat ito ng unang hakbang sa unang araw ng iskwela, ang flag ceremony. Agad na nahuli ng kanyang mga mata ang nakaupong lalaki sa sulok, naka hood ito at naka bullcap ngunit alam nyang si Yvez iyon, walang duda.
Tahimik lang ito habang naka pikit na nakikinig ng music mula sa earphones ng kanyang cellphone.
Ang amo ng kaniyang mukha. Nakapikit sya ngunit ang kaniyang mga mahaba at naka luhod na pilikmata ay bumagay sa makapal nyang kilay. Ang matangos at manipis nyang mga labi na tila kay lambot hagkan! "Ay! wait erase! Bat yun ang naiisip ko?" awat na saway ni Haven sa sarili. Tinignan nya ulit si Yvez. Napaka linis at mukhang mabango rin syang tignan. Napakalakas ng karisma nya kahit naka pikit lng sya habang bumibigkas din ng bahagya ang kanyang bibig na tila sumasabay sa awit na pinakikinggan nito.
"Baka matunaw yan ah!" Ngingiti ngiting asar ni George at Marianne habang tinitignan si Haven na nakatitig kay Yvez at sabay silang humagikgik. Hindi namalayan ni Haven na nakalapit na pala ang mga ito sa kanya.
"Paki punas ang laway please! Nanunuyot na lalamunan mo jan!" Segunda naman ni Marianne.
Agad namang tinapunan ng matalim na tingin ni Haven ang dalawa. Ngunit lalo lang siyang inasar nang mga ito sa pamamagitan ng pagbungisngis.
Nag init ang mga pisngi nya ng sulyapan nya sana ulit si Yvez ngunit nakatingin nadin pala ito sa kanya.
"OMG! Nahuli nya akong tinititigan sya!" Sigaw ni Haven sa isip.
Bigla tuloy syang naconcious sa itsura nya kung nakapag suklay ba sya ng maayos. O naipasok nya sa tamang mga butas ang mga butones nang kanyang blusa. O kung halos perpekto ba ang pagkaka plantsa ng kanyang palda. Sasabihin nya sanang perpekto ngunit naalala nyang wala palang perpekto. Pati yun ay naisingit nya pang isipin sa sobrang niyerbyos niya.
Nginitian sya neto na lalong pang nagpa taranta sa kanya. "But damn! Ang gwapo syet! Pero teka parang pamilyar tong scene na to ah? San koba ito nakita? Wait ahmm..." bulong ng kanyang isip.
"Girl! Nakita moba yun? Nginitian ka nya? Amazing! Wow!" Sabay palakpak ng mabagal si George. Maging kase sya ay bihirang makita ang ganoong gesture ng kanilang kaklase. Masyado kase itong aloof at pamisteryoso ang dating.
"Once in a blue moon kolang makita si Yvez na ngumiti girl! Pero never kopa sya nakitang ngumiti sa ibang babae. Sayo palang! Seryoso!" Bulong din ni Marianne dito.
Hindi naman makasagot si Haven sa kanyang mga kaibigan dahil tila ata naestatwa na sya.
"Paki pulot!" biglang usal nya.
"Ha? Paki pulot ang alin?" Nagtatakang tanung ni Marianne.
"Yung panty daw nya! Nahulog kase sa sobrang hot ni Papa Yvez!" kinikilig na turan ni George.
"Gaga! Panira ka naman ng moment eh!" asik ni Haven nakatingin parin ito kay Yvez ngunit ang binata'y bumalik sa pakikinig ng musika habang naka pikit na naka ngiti.
"Yung puso ko paki pulot!" walang ano'y muling sambit nya.
"Ay! Taray Girl! May papick up lines kana din ngayon ha? Resulta ba yan ng mga pinapanood mo? O sya sige ito pupulutin kona po!" Animoy may pinulot ngang bagay si George sa sahig at inilagay ito sa kanyang mga palad.
"Awww! Basag! Wawa you naman!" patuloy na pang aalaska ni George sa kaibigan.
"Ha? Sinasabi mo?" kunot noong tanung ni Haven na binalingan sya ng tingin.
"Gaga! Nginitian kalang jan halos malusaw kana! Ang rupok mo girl!"
"Che! Marupok agad? Masyado ka namang advance mag isip jan!" depensa ni Haven kay George.
"Better na yun kesa umasa ka sa dulo diba? Knowing his personality? Naku! Hindi ka nyan liligawan. Tatanda ka nalang dalaga, swear!" Nakasimangot na sabi ni George.
"Oo nga naman Haven! Atsaka kung sakaling ligawan ka niya at maging kayo hindi bat parang ang boring ng relationship ninyo? No offense ha pero alam naman nating introvert yang bet mong boylet!" segunda naman ni Marianne.
"Grabe! Ang nenega nyo naman sa tao! Hindi pa nga nag uumpisa yung love life ko! Hindi pa sumisibol mga ses! Pero inookray niyo na! Grabe kayo saakin noh? Napaka buti at supportive niyong mga kaibigan, galeng!" pang uuyam ni Haven.
"Ay wait sinasabi lang naman namin yung mga possibilities bhe, pero kung gusto mo pa din sya o di sige... push! Susuportahan ka namin to the highest level!" Agad namang bawi ni George.
"Tologohh bahh?" Hindi makapaniwalang tanung ni Haven na hinabaan pa lalo ang kanyang nguso.
"Oo naman! Gusto mo sampol?" Pang hahamon neto. "Oh eto get ready ha?" nakangiting sabi nalang ni George.
"Yvez! Yvez! Alam mo bang crush ka ni Haven? Ay mali! Crush na crush ka pala ni Haven!" Walang anu-ano ay sigaw ni George na syang nagpa windang kay Haven. Nanlaki ang kanyang mga mata, kinabahan sya na hindi malaman kung tatakbo ba sya at magtatago sa sobrang hiya, o kung uunahin niya nalang bang sakalin ang kaibigan nyang bakla dahil sa nasobrahan ata nito ang pagiging supportive na kaibigan. Ang daldal eh!