Chapter 25 Sa mga sandaling iyon, nanginginig ang kamay ni Ken, may hawak itong baril. Kitang-kita niyang magkasamang lumabas ang dalawa. Kanina pa nakatutok sa kanila ang baril. Puno ng luha ang matalim niyang mga mata. Nanginig ang daliri nito sa gatilyo. Dahan-dahan niyang binuksan ang bintana ng kaniyang sasakyan. Mabilis at mabigat ang kaniyang paghinga. Pagkamuhi at pagseselos ang namamayani sa kaniya. Butil-butil na pawis at nag-uunahang luha ang bumalot sa nangingintab at namumula niyang mukha. Nang tuluyan niyang naibaba ang bintana ay dahan-dahan niyang itinaas ang hawak na baril. Si Markie ang pupuntiryahin niya. Kailangang makita ni Drew kung paano niya papatayin ang kahit sinong ipagpapalit nito sa kaniya. Hindi siya patatalo kay Markie. Ilalaban niya kahit sa p*****n ang pag

