"What kind of joke is this Engr. Saavedra?" iyon ang namutawi ng labi ni Markie. Para kasing biro lang ang lahat ng ito kahit alam niyang bagsak na ang kumpanya nina Drew dahil ito ang mainit na balita ngayon sa TV dahil sa dami ng naghahabol na clients at investors nila. Ngunit ang mag-apply sa kaniya si Drew? "I came here for an interview, sir." Sagot ni Drew sa mapagkumbabang tono ng boses. "I hope you'll consider me for the vacant job." Sir? Sir ang tawag sa kaniya? Hindi siya sanay. Ngunit kailangan niyang panindigan ang pagiging boss niya sa opisinang iyon. Pinagsaklob ni Markie ang kaniyang mga kamay at tumitig siya kay Drew. Napakaguwapo pa din nito. Yung lalaking nakita niya noong una silang nagkita ay parang wala paring nabago. Wala man lang kahit gahibla siyang nakita na tuma

