Mula sa tinataguan ni Lester, kinakabahan siya sa paghaharap ng tatlo. Hindi na niya napigilan pa si Drew. Hindi din naman niya masisisi ang kaibigan. Sa tagal ng panahong tinitiis nito ang naramdaman ay sumabog na lang ito at ngayon ay wala na itong ibang naisip kundi ang ipaglaban ang kaniyang pagmamahal. Kinakabahan din siya dahil kung makita siya ni Markie o kaya ni Ken na nandoon ay paniguradong magtataka ang dalawa. Pigil-hininga siyang nagdasal na sana hindi siya makita sa kaniyang tinataguan. Ito na yung panahong kinatatakutan niya, ang malaman nina Markie at Ken ang lahat ng mga plano ni Drew. Nagulat si Markie sa biglang pagpapakita ni Drew. Hindi niya iyon inaasahan. Kung narinig man nito ang lahat ng kaniyang nasabi kay Daniel, wala siyang pinagsisihan. Sinabi lang niya kung a

