CHAPTER 2

992 Words
Nang makauwi ay mas naramdaman ni Laura ang pagod. Patang-pata ang katawan bukod pa roon ang hilong nararamdaman. Kung pwede nga lang na 'di siya nagpunta sa palayan ay ginawa niya na. Kaso, inaalala niya ang pang-iinsulto ng tiyahin niya sa kanya. Ini-lock niya ang pintuan na kawayan bago nagtuloy sa kwarto at humiga. Kapag ganitong may sakit siya ay mas nararamdaman niya ang pag-iisa. Nakabukod siya dahil iyon ng gusto ng tiyahin niya. Walang nangungumusta sa kanya bukod sa pinsan niyang si Trevor. Ang lalaki lang ang bukod tanging nagpapakita sa kanya ng kabutihan ng loob. Kung wala siguro ang pinsan niyang lalaki ay mas mahihirapan siyang ipagpatuloy ang buhay. Ang buhay niyang simple at puno ng kalungkutan. Mahirap mabuhay nang walang mga magulang dahil minsan, kung sino pa ang mga kadugo mo ay sila pa iyong mga taong magpapahirap sa iyo. Katulad na lang mg nangyayari sa buhay niya ngayon. Hindi sana ganito ang buhay niya kung may nanay at tatay pa siyang mag-aalaga sa kanya. If she could only do something about it... Nang humiga si Laura ay nahulog siya sa malalim na pag-iisip. Ilang taon nga lang ba siya? She's only seventeen. Ang kasagsagan ng taon kung saan sana masaya ang buhay niya pero hindi ganoon ang nangyayari dahil ulila na siyang lubos. Oo at alam ng lahat na ang tiyahin niya ang kumupkop sa kanya nang mawala ang mga magulang niya subalit hindi rin lingid sa mga ito ang pakikitungo nito sa kanya. May mga kuro-kuro siyang naririnig. Kaya lang daw siya pinagka-interesan na alagaan ng tiyahin niya ay dahil sa pera ng tatay niya na ipinagkibit niya lang ng mga balikat dahil mahirap lang naman ang magulang niya. Pumikit siya kaya naman ay tumulo ang mga luha niya. She felt helpless and she has nothing to do but to cry. Dala ng pisikal na sakit at sama ng loob ay nakatulog ang dalaga. "HERE, oh, masarap 'to. Want to try?" Napaangat ng tingin si Aaron sa dalagang lumapit sa kanya. Si Juliana. Ang anak ng amo n'ya sa palayan. Ang anak ni Ka Siding at ang pinsan ni Laura. Para hindi mapahiya ay tinanggap niya ang inabot nitong ensaymada. "Salamat," saad niya bago inilapag sa upuan ang tinapay na ibinigay nito. "Eat it, please..." Napausog si Aaron nang tumabi ang dalaga sa kanya at dahil napakalapit nito sa kanya ay naamoy niya ang cologne nito. "Mamaya na lang dahil busog pa ako. Bumalik ka na sa nanay mo dahil baka pagalitan ka pa." "You don't have to worry about that, okay? Hindi siya magagalit sa akin." Tumango siya bago tumayo at lumakad palayo sa dalaga. Ayaw niya ng gulo kaya siya na lang ang iiwas sa dalagang tahasan kung ipakita sa kanya ang pagkagusto. Naglakad siya papunta sa puno ng mangga at nahiga sa lilim nito. Pinili niya ang spot na iyon dahil alam niyang hindi siya susundan ni Juliana. Juliana is a good catch but he's not a cradle snatcher at hindi niya ito magugustuhan kahit kamukha pa ito ni Joyce Jimenez plus the boobs. Dahil siguro sa wala itong trabaho hindi katulad ni Laura ay makinis at maputi ang balat nito. He thinks about Laura. Mahinhin at mahiyain. Kung ang pagbabasehan ay ang mga kwento ng pinsan nitong si Trevor na kaibigan niya ay masasabi niyang masipag ito at matalino. Ang mga katangian na gusto niya sa isang babae. "Ano? Dinarag ka na naman ba ng kapatid ko?" "Hindi naman." Humiga siya at pumilas ng tangkay ng damo at isinubo sa bibig para paglaruan. Gusto niya ang hangin sa probinsya dahil presko at hindi malagkit sa balat hindi katulad kung ikukumpara sa Manila. "Si Laura ang trip mo, no?" Natawa siya sa tanong ng kaibigan. "Ano'ng itinatawa-tawa mo riyan? Hindi ba tama ang sinabi ko?" "Ano ka ba, brod? Bata pa ang pinsan mo. Hindi ako mahilig sa mga bata." "Maiba ako, brod." Ginaya nito ang pwesto niya. "Wala ka na bang balak bumalik sa lugar niyo?" Hindi agad siya nakasagot sa tanong na iyon ng lalaki. Tumingala siya at tiningnan ang dalawang ibon na malayang naglalaro sa sanga ng punong kinaroroonan nila. "Bahala na nito," tanging nasagot niya na lang. "Saan nga uli iyong lugar niyo?" "Sa Tondo. Hindi ka pa ba nakapunta ng Manila?" Umiling ang kaibigan niya. "Gusto ko mang pumunta roon ay 'di naman ako papayagan kaya kuntento na ako rito. Ayoko na ring magpumilit sa pag-alis dahil walang katulong ang mga magulang ko rito sa palayan namin." "Hindi ba at nag-aaral ka pa?" Ang balita niya ay parehong matalino si Trevor at si Laura. College na ang lalaki habang si Laura naman ay graduating na sa High School. "Oo nga. Isa rin iyan sa dahilan kung bakit ayokong pumunta sa Maynila. Mas mabuti kasing may lisensya na ako sa kurso ko bago ako makipagsapalaran sa siyudad. Ikaw? Wala man lang akong masyadong alam tungkol sa iyo. Aba, ilang buwan na tayong magkakilala pero ang tanging alam ko lang tungkol sa iyo ay isa kang construction worker sa Maynila." Kinibit ni Aaron ang kanyang mga balikat. "Wala namang interesting sa buhay ko. Bukod sa tambay na ako sa Maynila ay nakulong pa ako." Natahimik ang kaibigan niya dahil sa sinabi niya. Ang totoo niyan ay nasabi niya na rito ang tungkol sa pagkabilanggo niya. Nagtanong ito kung ano ang rason pero hindi niya ito sinagot. Hangga't maaari ay ayaw niya nang isipin ang bagay na iyon dahil naghahalo-halo ang mga negatibong damdamin sa dibdib niya. Gusto niyang takasan ang lahat kaya nga napadpad siya sa probinsya ng Leyte. San Lorenzo, Kawayan, Biliran. Sa lugar na 'to ay nakakita siya ng kapayapaan. Nakita niya kung gaano kasimple at kasaya ng mga tao kahit pa malayo ang lugar sa kabihasnan. Nabubuhay ang mga tao sa lugar na iyon sa pamamagitan ng pangingisda at pagsasaka. Walang kuryente sa lugar kaya walang nasasagap na balita tungkol sa Maynila. A perfect resting place for him...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD