Pabiling-biling ng higa si Laura dahil hindi siya makahanap ng tamang puwesto sa pagtulog niya. Sobra siyang nilalamig at hindi man lang mahimasmasan sa lagnat niya. Mas lalo lang lumala ang sakit niya dahil nabilad siya sa arawan nang maghatid siya ng pagkain sa palayan para sa trabahante ng tiyahin niya.
Kaya nga at heto, kahit dalawang ipinagpatong-patong at makakapal pang kumot ang nakabalot sa kaniya ay nanginginig pa rin siya sa lamig.
Kahit nahihilo ay sinubukan niyang tumayo para magtimpla ng kape. Kahit kape man lang ay mailaman niya sa sikmurang tumutunog dahil sa gutom. Ang huling kain niya kasi ay kaninang umaga pa. Nagluto nga siya kaninang tanghali pero dinala niya naman sa palayan.
Pero hindi pa man siya tuluyang nakakatayo ay halos bumagsak na siya sa sahig dahil sa hilo. But she did her best to take a step. Kailangan niyang magpursige dahil wala namang ibang tutulong sa kaniya kundi ang sarili niya lang.
Ngunit nang malapit na siya sa kusina, sa kamalas-malasan ay nahagip ng paa niya ang wire ng electric fan kaya natumba si Laura. Natama pa ang siko niya sa semento kaya impit siyang napaiyak.
Hindi alam ng dalaga kung ang dahilan ng pag-iyak niya ay dahil nasaktan siya o dahil nakaramdam siya ng habag sa sarili.
Halos kaladkarin niya na ang katawan para lang tumayo pero hindi na kaya ng natitirang lakas niya kaya naman pagapang siyang kumilos para lang makabalik sa higaan niya habang umiiyak.
Malapit na siya sa higaan niya nang may sunod-sunod na pagkatok sa pinto. Pinunasan niya ang luha niya bago nagsalita.
“T-tulong...” anas niya pero mukhang hindi narinig ng nasa labas ang daing niya kaya inulit niya. “T-tulong...” This time ay hinugot niya ang natitirang lakas para lang makapagsalita. “T-tulungan n’yo po ako...” Kasunod ng pagkakasabi niyang iyon ay ang paghagulhol niya.
She felt hopeless lalo na nang matigil ang pagkatok at narinig niya ang papalayo na yabag ng taong kumakatok.
Nang akala niya ay sa sahig na siya matutulog dahil walang posibleng tumulong sa kaniya ay saka naman bumukas ang pinto.
“Laura!” saad ng boses kasabay ng pag-angat niya sa sahig.
Nang tingnan niya kung sino ang tumulong sa kaniya ay tumambad sa paningin niya ang mukha ni Aaron.
Napapikit siya. Basa ang lalaki at tiyak na kagagaling lang nito sa dagat para mangisda.
“Pasensiya ka na. Nabasa ka tuloy...” hinging paumanhin nito nang mailapag siya nito sa higaan. Naaawa siya nitong tiningnan. “Kukuhaan kita ng damit para makapagbihis ka. Kumain ka na ba? Uminom ka na ba ng gamot?”
Umiling ang dalaga. “H-hindi pa...”
Panandalian na nagsalubong ang kilay ng binata dahil sa sagot niya. Parang galit pa ito sa hindi niya mawaring dahilan.
“Ikukuha na kita ng damit, okay?” Hindi siya nakasagot. Nakatitig lang siya sa binata na nakatingin din sa kaniya.
Si Aaron ay lumapit sa dalaga. Mabuti na lang at pinapunta siya rito ni Trevor. Ang totoo niyan ay kagagaling lang nila sa laot para mangisda. Kasama niya ang pinsan ng dalaga at kararating lang nila. Nag-aalala ang kaibigan niya sa babae, kaya nakisuyo si Trevor na kung puwede sana ay puntahan niya ang dalaga sa bahay nito para i-check kung kumusta na ito.
Dahil nga nag-aalala rin siya kay Laura lalo pa at mataas ang lagnat nito kaninang tanghali ay pumunta na siya rito. May dala siyang pusit at isda. Bumili na rin muna siya ng gamot bago nagpunta sa bahay ng dalaga.
Kahit ilang hakbang lang ang layo niya sa hinihigaan ng dalaga ay halos patakbo niya itong dinaluhan nang umiyak ito. Alam niya ang pakiramdaman nito. The girl felt so helpless kaya hindi niya naiwasan ang mapakuyom ang kamay bago ito hinawakan ito sa balikat. Mainit pa rin talaga ito.
“May masakit ba sa iyo, Laura?”
Sunod-sunod ang naging pag-iling ni Laura habang umiiyak. “O-okay lang ako. T-thank you...” humihikbi nitong sagot.
Hindi maiwasan ni Aaron ang tingnan ang dalaga.
The girl is really beautiful. No doubt about that. Laura has deep-seat eyes na may nahahabang pilik-mata. Katamtaman lang ang tangos ng ilong nito at magandang tingnan. Ang labi nito na hindi manipis at hindi rin makapal pero natural na mapula ay mas bumagay sa mukha nitong hugis puso. Ilang segundo rin siyang natulala sa labi ng dalaga bago natauhan.
Tumikhim siya bago tumayo. Itinuro niya ang plastik na cabinet na nasa tabi lang ng higaan nito. “Papakialaman ko ang damitan mo para makuhaan kita ng damit, okay lang ba?”
Nagpunas muna ng pisngi ang dalaga bago tumango . Dahil may go signal na siya mula rito ay kumilos na siya para makapagbihis na ito.
Pero kumunot ang noo niya at nagsalubong ang kilay niya nang ang una niyang nabuksan ay ang lagayan ng underwear ng dalaga. From the moment he had glimpse on the tiny garment ay may naramdaman siyang pagdaloy ng mainit na bagay sa katawan niya. But the heat suddenly disappeared when nang makita niya ang luma at butas nitong pang-ibaba.
Mas nakaramdam siya ng habag para sa dalaga.
Agad niyang isinarado ang honus na para bang napapaso at binuksan ang pangatlong honus. Nakita niya ang mga T-shirt ng babae na pambahay. Luma na rin ang mga iyon hindi katulad sa damit ng pinsan nitong babae na halos araw-araw yata ay bago. Nakaramdam siya ng galit sa magulang ng kaibigan niya. The urge to help the girl was so intense pero wala siyang magagawa para dito lalo pa at butas din naman ang bulsa niya.
Agad niyang kinuha ang kulay itim na T-shirt at isang jogging pants at ibinigay sa dalaga.
“Magbihis ka na muna. Sorry at nabasa pa tuloy kita.” Walang namutawing salita galing sa dalaga pero tumango ito. Nang akma itong matutumba nang umupo ito ay agad niya itong dinaluhan at isinandal sa pader. “Kaya mo bang magbihis?”
Tumigil ka, Aaron! Heto ka na naman. Gusto mo na naman yatang maulit ang nakaraan?
Dahil sa naisip ay agad niyang binitawan ang dalaga. “Dito ka na muna, Laura. Pero babalik ako. Magbibihis lang ako. Basa pa kasi ako.” Hindi niya na hinintay na sumagot ang dalaga at nagtuloy-tuloy na siya sa pag-alis.