Umuwi muna si Aaron sa kubo niya dala ang isda at ang gamot na para sa dalaga. Nataranta na kasi siya kaya hindi na siya nakapag-isip nang maayos. Babalik siya para asikasuhin ang dalaga lalo pa at sinabi nito na hindi pa ito kumakain. Nagmamadali siyang naligo para makabalik agad sa bahay ni Laura.
Kinse minutos ang nilakad niya bago nakabalik sa bahay ng dalaga. Nakabihis na ito at kasalukuyan na natutulog.
Hindi niya maintindihan ang pamilya ni Trevor kung bakit ganito ang turing ng mga ito sa dalaga gayong kadugo naman ito. Mabuti na nga lang at may malasakit si Trevor sa dalaga. But he never ask about it. Wala siya sa posisyon para makialam sa buhay ng mga ito lalo pa at baka mapahamak pa lalo ang dalaga.
Isang sulyap pa ang ginawa niya kay Laura bago siya nagpunta sa kusina at nagluto. Hinugsan niya na rin ang mga ginamit nitong plato na halatang ilang araw na dahil nanikit na ang nanigas na kanin sa mga plato at kusina. But other than that ay malinis ang bahay ng dalaga. Wala siyang nakitang kahit isang ipis sa kubo nito.
Nang matapos siyang nakapagluto ay naghain na muna siya. Ipinagtimpla niya rin ng gatas ang dalaga na binili niya bago tumuloy dito. Walang stock ng pagkain ang dalaga kaya isang plano ang nabuo sa isipan niya.
Nang ayos na ang lahat ay saka niya ginising si Laura. Pupungas-pungas itong nagmulat ng mata. Tumitig ito sa kaniya na para bang hindi pa rumirihestro sa utak nito ang nangyayari.
“Nakapagluto na ako kaya kumain ka na para makainom ka ng gamot.”
Matiim ang pagkakatitig ng dalaga sa lalaki. Totoo ba ito? Totoo bang nasa harapan niya ang binata? She doesn’t know. Baka isa lang sa imahe na gawa-gawa ng isipan niya lalo pa at iniisip niya ang binata kanina. Kung bakit ay hindi niya alam..
But she seems real... saad ng isipan niya nang hawakan siya nito sa kamay at alalayang tumayo.
Dahil sa taas ng lagnat niya ay hindi niya na alam kung totoo ba ang mga nangyayari sa paligid niya. But she chose to believe na may kasama siya ngayon para kahit papaano ay maibsan man lang ang lungkot na nararamdaman niya dahil sa pag-iisa.
Hanggang sa lamesa ay hawak siya nito hanggang sa makaupo siya. Napapikit siya nang maamoy ang tanglad sa umuusok pang pagkain sa lamesa. Nakaramdam siya ng gutom dahil sa nanunuot na amoy ng ulam sa ilong niya.
Agad siyang sumandok ng kanin at ulam. She could taste the lemongrass on the soup kaya napatingin siya sa apirasyon na nasa harapan niya. Naging sunod-sunod ang subo niya hanggang sa mabusog siya. Inimon niya rin ang gamot kuno na nasa tabi niya.
This is her normal state. Kasi sa tuwing may sakit siya ay matindi ang kalikutan ng imagination niya dahil sa ganitong paraan niya lang napapaniwala ang sarili niya na hindi siya nag-iisa at may karamay siya. She always think of her parents pero this time ay ang gwapong binata ang gusto niyang isipin at buhayin sa imagination niya.
“Sana totoo na lang ito...” mahinang saad niya sa kaharap. “Sana totoo na lang na nasa harapan kita, Aaron, para kahit papaano ay may kasama ako ngayon.”
Yumuko siya pero agad ring nag-angat ng paningin. Kahit hindi totoo na nasa harapan niya ito ay gusto niyang magsalita. Gusto niyang ilabas sa apirasyon na nasa harapan niya ang hinanakit niya sa buhay.
“Nalulungkot ako. Ewan ko ba. Sanay na naman ako na ganito ang turing sa akin ng family ni Kuya Trevor, pero alam mo iyon? Parang bago nang bago. Kahit Kailan ay hindi ko man lang naramdaman na part ako ng family nila maliban kay Kuya Trevor. Siya lang kasi ang nagpakita sa akin ng mabuti, eh.” Sa imahinasyon niya ay hinawakan niya ang kamay ng binata na nakakunot na ang noo. “Thank you kasi dahil sa iyo, kahit sa imagination ko man lang ay nagkaroon ako ng kasama...”
Kahit hirap ay tumayo siya para lapitan ang lalaking sa palagay niya ay produkto lang ng tuliro niyang isipan.
Tumabi siya rito at niyakap ang lalaki. Natawa pa siya nang maramdaman ang paninigas ng katawan nito.
“C-crush kita, alam mo ba? Kaya nga ikaw ang nasa imagination ko, eh.” Bumitiw siya sa lalaki at tiningnan ito sa mukha. Natigil ang mata niya sa labi nito. “Ang gwapo mo talaga.” Ngumiti siya na parang nababaliw na bago walang babala na hinalikan ang lalaki sa labi na ang akala niya ay wala sa tabi niya..
Nagulat si Aaron sa ginawang paghalik ni Laura. Sino ba naman ang mag-aakala na hahalikan siya nito matapos nitong sabihin na crush siya nito?
This is not his first kiss. Nakailang girlfriend ba siya sa Maynila? Ang iba nga ay nakatalik niya pa lalo pa at wild ang ibang mga babae sa siyudad. Pero bakit nang halikan siya ng babaeng ito na puno ng kainosentehan sa buhay ay may nabuhay na damdamin sa puso niya?
Bago ito. Hindi ito libog lang at alam niya iyon. The urge to protect and take good care of this girl beside him all of a sudden ay bigla na lang niyang naramdaman. Laura looks so vulnerable kaya hindi niya sasamantalahin ang estado nito ngayon. Marunong siyang rumespeto ng babae lalo na sa katulad ni Laura.
Ilalayo niya na sana ang babae sa katawan niya pero lumungayngay na ang ulo nito na para bang nakatulog na ulit.
Napailing siya bago kumawala ang ngiti sa labi niya.
“Hanep ka, Laura... Kakaiba ka,” komento niya bago binuhat ang dalaga papunta sa higaan nito.
Nagkalikot ulit siya sa damitan nito para kumuha ng bimbo. Babasain niya ito para ilagay sa noo ng dalaga.
Matapos masiguradong komportable ang pagakakahiga ng dalaga ay kumain na siya. He’ll stay all night para masigurado ang kaligtasan ng dalaga. May kalayuan kasi ang mga kapitbahay ng dalaga at isa pa, baka may pumasok sa bahay nito, wala pa naman itong kalaban-laban sa kung sino man...