INNOCENT LAURA

1163 Words
Alas-dos nang umaga nang i-check ni Aaron si Laura. Kahit papaano ay okay na ang kalagayan nito. Sa labas siya nanatili para naman kahit papaano ay hindi siya pag-isipan ng masama ng dalaga.  Nang masigurong okay na ito at bumaba na ang lagnat nito ay saka lang siya nagpasyang umuwi. Pero para hindi na mahirapan ang dalaga ay ipinagluto niya muna ito. He left with a note. Si Laura ay nagising bandang alas-tres dahil sa pakiramdaman na may nakatingin siya. Agad siyang napabalikwas ng bangon nang makita ang tiyuhin niya na nakatunghay sa kaniya. Napausod pa siya sa dulo ng higaan niya.  “T-tiyo...” Pinigilan niya ang mautal pero hindi niya iyon nagawa. “A-ano p-po ang kailangan n’yo?” Hindi ito sumagot. Nakatitig lang ito nang matiim sa kaniya at sa isang tingin pa lang ay alam niyang lasing ito. Ang totoo ay natatakot siya rito dahil napapadalas ang mga gabi na nagigising siya na nakatingin ito sa kaniya. Hindi niya naman masabi sa tiyahin niya dahil malamang na hindi siya nito paniniwalaan.  Ayaw niya ring sabihin kay Trevor dahil ayaw niyang maipit ang pinsan niya sa pagitan niya at ng ama-amahan nito lalo pa at magaling makitungo ang lalaki sa mga anak ng Tiya Siding niya.  “T-tiyo, bakit po?” tanong niya ulit sabay hila sa kumot na nasa paahan niya dahil nakatingin ito sa legs niya.  “Ang ganda mo talagang bata ka,” may malisya nitong saad at napatunayan niyang lasing nga ito. Ngumisi ito. “Ang sarap mong putukan.” “Tiyo!” Nanlaki ang mga mata niya sa sinabing iyon ng tiyuhin niya.  Ang buong akala ni Laura ay babarilin siya nito lalo pa at alam niyang may baril ang lalaki. Iyon ang pagkakaintindi niya.  Isang malademonyong ngisi ang pinakawalan ng tiyuhin niya bago siya nito dahan-dahan na nilapitan. Gusto niya mang sumigaw pero hindi niya magawa dahil ayaw niya ng iskandalo. Akma siya nitong dadakmain nang mabulabog ito sa sunod-sunod na katok. Pagkatapos ay ang boses sa labas na tumawag sa kaniya.  “Laura?”  Si Aaron! Agad bumakas ang pagkabahal sa mukha ng tiyuhin niya kaya dali-dali itong napaatras mula sa kaniya.  Nang sumilip si Aaron sa kinaroroonan niya ay agad nagtama ang paningin nila. Pagkatapos ay salubong ang kilay nitong tiningnan ang tiyuhin niya.  Ang tiyuhin naman niya na imbes mabahala ay ngumisi pa at may malisyang tumingin sa kaniya.  “Dalaga na ang pamangkin ko talaga. Dinadalaw na ng mga kalalakihan kahit madaling-araw. Ayusin mo iyan, Laura, ha? Baka mabuntis ka nang maaga. Sabagay, saan ka ba magmamana, sa ina mo nga palang maagang lumandi.” “Tiyo Lucio! Hindi naman po yata tamang pag-isipan niyo ako nang ganiyan at mas lalong wala kayong karapatan na pagsalitaan ang inay nang ganyan!” Hindi niya naiwasan ang tumaas ang boses dahil sa galit na lumukob sa kaniya.  How dare of this man! Wala itong karapatan pagsalitaan siya nang ganito dahil hindi siya nito lubusang kilala! Lumapit sa kanila si Aaron. “Lasing kayo, ah? Alam ba ni Trevor na nandito ka sa bahay mg pinsan niyang babae nang ganito kaaga?” pormal ang boses na tanong nito sa tiyuhin niya.  Nakita ni Aaron ang pagtiim ng bagang ng tiyuhin niya. Natakot siya dahil baka saktan nito ang binata pero hindi ito niyon ginawa.  “Pinapunta ako rito ni Trevor dahil nakisuyo anak niyo na dalhan ng pandesal si Laura.” Itinaas niya ang supot na dala na may lamang pandesal.  He was too glad that he came here dahil hindi niya alam kung ano ang puwedeng mangyari sa dalaga kung hindi siya nagpunta rito. Salubong ang kilay na nakipagtitigan siya sa tiyuhin ng dalaga. Kahit kanina na nasa b****a pa lang siya ng bahay ng dalaga ay naamoy niya na kaagad ang alak kaya alam niyang lasing ang lalaki.  Ang totoo ay wala siyang tiwala sa lalaki sa kabila ng pagiging tiyuhin ito ng kaibigan niya. Wala naman siyang naririnig na mula kay Trevor na pangit mula sa lalaking ito pero basa niya ang ang pag-uugali nito. Tahimik ito kung hindi nakakainom. Parati niya itong nakikita sa tindahan ni Aling Corazon na nakatambay habang pasimpleng nakatingin sa mga kababaehan sa kanila.  Hindi niya naman pinag-iisipan nang masama ang lalaki. Wala siyang pakialam dito, nagkataon lang talaga na concern siya sa dalagang kaharap lalo pa at mukhang wala itong kaalam-alam sa nangyayari.  He likes Laura being innocent, pero nakakaasar din pala ang kainosentehan nito dahil mapapahamak na nga ay wala pa rin itong alam. Laura is too naïve.  Nang tingnan niya ulit ang tiyuhin ng dalaga ay masama ang tingin nito sa kaniya pero tinanguan niya na lang ito at nagtuloy-tuloy na naglakad palapit sa katre ng dalaga.  “Kumusta ka na?” tanong niya rito trying to ignore the prey’s presence.  Napailing ang binata at palihim na naikuyom ang kamao nang makita ang pamumutla ng mukha ng dalaga. By looking at her face, alam niyang hindi ito ang unang beses na ginawa ito ng lalaki sa dalaga. And he hates this man for that. Gusto niya man itong sapakin pero pinigilan niya ang sarili dahil sa dalawang bagay.  Una ay ama-amahan ito ng kaibigan niya.  At ang pangalawa ay ayaw niyang masangkot sa gulo lalo pa at gulo ang iniwan niya sa Maynila. Hindi naman siya naduduwag. Kailangan niya lang talagang umiwas sa gulo hanggang maaari.  “O-okay lang. A-ano pala g-ginagawa mo rito?” Napamaang siya. Ibig kasing sabihin noon na hindi alam ng dalaga na nagpunta siya rito kagabi at inalagaan niya ito. And what’s more shocking ay hindi nito maalala na hinalikan siya nito and the girl even confessed to him! Gusto niyang magmura pero hindi niya iyon ginawa. Kumalma siya lalo na nang may marinig siyang pasaring sa tiyuhin nitong bastos ang bunganga. Gusto niya man itong bungian pero hindi ito ang dapat niyang gawin. Hindi na muna ngayon lalo pa at lasing ito.  “Mukhang masarap ang nakahain sa harapan natin, bata. Paunahan na lang tayo, ha?” saad nito bago tuluyang umalis.  “Bakit ‘di mo binigyan ng pandesal si Tiyo Lucio? Mukhang gusto niya pa namang tikman ang dala mo,” mayamaya ay saad nito. Sa una ay hindi niya maintindihan ang sinabi nito pero nang ma-gets niya ito ay halos batukan niya ang babae.  “Mapapahamak ka sa ugali mong iyan, Laura...” mabigat ang boses na saad niya pero mukhang hindi na naman siya nito maintindihan.. Napailing na lang siya nang marahas pero iniba na lang ang tanong. “Nagugutom ka na ba? Kumusta ang pakiramdaman mo?” “Alam mo na may sakit ako?” Nagpakawala siya nang malalim na buntonghininga dahil sa tanong na iyon ng dalaga. Ibig bang sabihin sa taas ng lagnat nito kagabi ay talagang unaware ito sa nangyari? Kung ganoon pala, kung may nagtangka sa buhay nito ay hindi nito maaalala kung sino? Ano bang mali sa babaeng ‘to!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD