“Good morning, Love...” Iyon ang bungad sa kaniya ni Aaron nang magising siya. Unlike the past few days—or months, ngayon lang siya nagising na nasa kwarto niya si Aaron at nakatunghay sa kaniya. Pakiramdaman niya tuloy ay siya na ang pinakamagandang babae sa buong mundo, and she likes having him in her room. She likes how she’s able to see his face when she open her eyes in the morning. “G-good mo—” Hindi niya na naituloy ang sasabihin dahil sa pagkintal ni Aaron mh halik sa labi niya. Agad niyang tinakpan ang bibig kasabay ng panlalaki ng mga mata. Hindi pa siya nakakapag-toothbrush pero hinalikan na siya nito! Nakakahiya, tili niya sa isipan sabay tayo niya at karipas ng takbo sa labas para mag-toothbrush. Umalingawngaw pa sa tainga niya ang tawa ng asawa... Asawa. Oo, asawa

